Chapter: 35

1.4K 15 0
                                    

"Malapit na mag end ang school year, ano balak natin mga pri?!" Tanong ni Carl nang makaupo siya dala ang binili niya. Sumunod ang dalawa nitong kaibigan na may bitbit na tray.



"Aray, ano ba?!" Siniko ni Creselia si Clark nang bigla ito sumiksik sa kan'ya. "Lumayo ka naman!"



"Aguy, sakit nun par!" Natatawang saad ni Josh at tumabi kay Karina. Kaso bigla siya tinulak palayo. "Isa pa 'to!" Nguso niya sa nakasimangot na Karina.



"Ayaw kita katabi," She rolled her eyes. "Ang baho naman ng binili mo, pagkain paba 'yan?!" Tinakpan niya ang ilong sabay iniwas ang tingin.



Kumunot ang noo ni Josh, inamoy ang hawak nitong pagkain. "Lul, ang arte mo! Ayaw mo lang mag pa-upo!" Lumipat ito sa tabi ni Hari, mukhang malungkot ang bruha.



"Kadiri ka naman Karina! Bakit mo sinawsaw 'yang sandwich sa juice?!" Mukhang nandidiri ang mukha ni Alyssa habang nakatingin rito.



Masama siyang tinignan ni Karina at pinakyuhan, pinag tuloy lang ang ginagawa sa pagkain niya.



"Guys, hello! Walang pumapansin sa akin!" Kumaway si Carl sa harap namin. "Nag tatanong ako dito, oh!" Kumamot siya sa ulo, naiinis.



"Ano ba tanong mo?" Taas kilay na tanong ni Sherel.



"Sabi ko ano balak niyo sa bakasyon? Malapit na mag end of school year ah!" Binuksan nito ang hawak niyang tubig sabay ininom.



"Kami may balak, pero hindi kayo kasama." Nakangising saad ni Alyssa.



"Tanong, isasama kaba nila?" Nawala ang ngisi ni Alyssa nang sabihin 'yon ni Carl.



"Kawawa, haha!" Sabay turo ni Clark, tumatawa.



Pinakyuhan siya ni Alyssa kaya mas lalo kami natawa. Binuksan ko ang isang biscuit na binili ko at tumingin sa kabilang upuan.



Malapit na mag bakasyon, sobrang bilis ng araw. Madami rin nangyari at nag bago simula noong mag labas ako ng hinanakit kay Lander.



Napansin ko naging maluwag na siya, nag iba narin ito. Hindi na siya tulad ng dati na hatid sundo ako, lagi siya busy at minsan nga hindi na nakakapunta sa amin. Nag iiwan lang ng message pag aalis siya. Imbis ako ang bantayan niya ay sa iba nito pinapautos.



Sa tuwing nag sasabi akong aalis, napapa-oo nalang ito pero base sa itsura niya ay parang ayaw pumayag. Hindi narin siya tulad ng dati na sobrang lambing parang tinotoo talaga ang sinabi nito sa akin na bibigyan na ako ng kalayaan.



Ito 'yong gusto ko pero may part na naninibago ako sa pakikitungo ni Lander sa akin. Feeling ko nag iba talaga siya ngayon. Nahawahan ata ni Zander the red flag boy.



"Tara meeting tayo sa bahay ni Alyssa!" Singit ni Josh, nanguha pa ng fries kay Hari.



Sinukmaan siya ni Alyssa. "Kapal mo ah, gusto mo itusok ko 'to sayo?" Pinakita niya ang hawak na tinidor.



"Sige na Alyssa!" Kinalbit siya ni Carl. "Pag-usapan natin 'yung balak sa bakasyon!" Mukhang excited pa siya kesa malaman kung ano grade nito.



"Mag sasaya ka agad? Hindi mo pa nga sure kung pumasa ka," natatawang saad ni Creselia.



Masama siya tinignan ni Carl kaya napaiwas ito ng tingin pero tumatawa parin. Mas lalo tuloy nainis si Carl.



"Oh, Sige na!" Singit ni Alyssa bago pa mag away ang dalawa. "Kaka-awa naman kasi kayo mga labwans ko," niyakap nito ang sarili sinamahan pa niya ng pag sway ng katawan.



My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon