"Omg! Same tayo!" Pabiro ko hinampas ang kamay nitong nakapatong sa lamesa.
Mukhang nabigla si Sebastian sa aking ginawa. Mabilis niya inalis ang kamay kong nakapatong doon. Pansin ko ang pagiging balisa nito nang magsimula kami mag date, one week ago. I don't know why?
Nandito kami ngayon sa restaurant. Naisipan kong ayain si Sebastian kasi noong nakaraan siya naman ang nag-aya. Kaso nag tataka ako kung bakit parang nag dadalawang isip pa ito sumama kanina.
"Ow..hehe..nice." Peke ito ngumiti bago luminga linga sa paligid. Kanina ko pa siya nahahalata na panay ang tingin nito sa paligid pero hinayaan ko nalang baka kinakabahan lang sa 'kin.
"Ano brand ng brief mo?" Walang prenong tanong ko rito. Na curious lang naman ako baka mabilhan ko siya.
Agad siya napatingin sa 'kin, halatang nagulat. Natigilan kasi sa pag lingon-lingon sa paligid e'.
"Huh? Why are you asking m-"
"Pakisagot rin kung ano size?" Agad ko pinutol ang balak sabihin nito. Masyadong mahiyain 'to ah! Wag siyang mahiya, ako lang naman makaka-alam. Hihi.
"Huh?!" Bigla niya niluwagan ang kan'yang necktie at tumingin sa labas. Nag taka pa nga ako nang bigla siya pagwisan, biglang nataranta. "Ahm, Miracle...mas mabuti kung ihatid na kita sainyo." Balak pa niya sana tumayo pero agad kong pinigilan.
"Hey, we're not done eating pa!" I pouted. "Maupo ka muna, maaga pa naman. We're not child anymore! Adult na tayo." I laughed.
Parang wala siya sa wisyo. Napakamot siya sa ulo at panay ang tingin sa labas. Sinubukan kong tignan kung ano at sino ang tinitignan nito pero wala naman akong nakita. Ano ba meron sa lalaki na 'to ngayon?
"P-Pero...baka abutan tayo ng traffic." Pag dadahilan nito na aking ikinairap.
"Wala namang traffic sa dinadaanan natin pauwi." Taas kilay na saad ko rito bago inumin ang juice ko.
"Ngayon meron na!" Mabilis na sagot nito.
"Alam mo bonak mo talaga!" Napakamot ako sa aking kilay para pigilan ang inis sa lalaki na 'to. "Wala nga!"
"Malay mo mamaya meron." Ang kulit niya talaga. May lakad ba siya? Kung meron sana sinabihan niya agad ako.
Napabuga ito sa hangin at tinanggap nalang ang kaniyang pagkatalo. Tahimik na lang ito kumain habang panay tingin parin sa labas.
Halos hindi na nga malunok ang kinakain niya, parang takot na takot talaga siya sa tuwing tumitingin siya sa labas.
Huminga ako nang malalim para pagaanin ang atmosphere namin. Umayos ako nang upo at ningitian siya. "Hmm, What's your plan for our future?" Pag-oopen topic ko.
Wala kasi nag sasalita e' ang boring tuloy. Noong unang date namin, masaya naman. Ang kalog niya nga e'. Ewan ko lang kung bakit bigla ito nag iba pagkatapos ng third date namin.
Napapunas ito ng pawis sa noo at peke na naman ngumiti sa 'kin. "P-Plans? I don't know yet.." Hindi mapalagay ang mata nito habang nag hihiwa ng steak.
"May problema ba Sebastian?" Hindi napigilang tanong ko rito.
Nagulat na naman siya sa aking tanong. Sinubukan niya pakalmahin ang sarili bago magsalita. "Wala naman, parang hindi lang maganda pakiramdam ko." Palusot nito.
Hindi daw maganda ang pakiramdam pero nakikipag harutan siya kay Ced kanina bago ko siya yayain kumain.
Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa. Hindi ko tuloy maiwasan mapasimangot, akala ko pa naman magiging maganda 'tong date namin ngayon. Mukhang bigo na naman ako, hays!
![](https://img.wattpad.com/cover/276494664-288-k376511.jpg)
BINABASA MO ANG
My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)
Teen FictionNot An Angel Series#3 (Completed) Miracle Faith Presley is a hopeless romantic, pampered, mischievous, and only looks for trouble. The girl who is willing to become a sugar mommy so that the person she likes does not leave her. But practically every...