"What the fuck?" I whispered habang nakatingin kay Lander.
May ka-date ako ngayon tapos bigla siya nakiki-upo sa table namin. Ang prente pa nang upo, habang nakasandal at nakapatong pa ang isang paa sa binti niya.
"Who are you?" Tanong ni Stevan, ka date ko. Mukhang naguguluhan narin siya kung bakit naki-upo si Lander. "There's a lot of vacant seat, pwede do'n ka nalang?" He added.
Mataman siya tinignan ni Lander bago ibaling sa akin ang tingin. Nagulat ako nang bigla ito tumawa habang pumapalakpak. "Nakaka-awa ka naman, totoy" umiiling ito at hindi pa naalis ang mapang-asar niyang ngiti.
Kumunot ang noo naming dalawa ni Stevan habang pinapanood si Lander na panay parin ang tawa. "What's your problem, dude?"
Natigil sa pag tawa si Lander at hinampas ang lamesa. "You!" Sabay turo kay Stevan. "You're my problem." sabi nito sabay pinanliitan ng mata.
Inapakan ko ang paa ni Lander sa ilalim ng lamesa. Mabilis napunta ang tingin niya sa pwesto ko at sinamaan ako ng tingin. Mukhang kahit anong oras bubulyawan niya ako.
"Umalis kana." I mouthed, sinipa sipa ko ulit ang binti nito.
Parang wala siyang nakita, inirapan lang ako at ibinaling ang tingin kay Stevan. "Hoy, totoy, umuwi kana" supladong saad niya.
"We're having a date. What are you saying, dude? You go first, we don't need you here." Sagot nito kay Lander, masama ang tingin parang nawawalan na ng pasensya.
Napahawak sa bibig si Lander at hindi makapaniwala sa sinagot sa kanya. "Aba, bastos 'tong bata na 'to ah!" Tumingin siya sa akin at tinuro si Stevan. "Bakit ka makikipag date dito? Mukhang baktol naman 'yan."
"Lander!" Saway ko.
Palipat-lipat ang tingin ni Stevan sa amin. "You guys, know each other?" Sabay turo sa aming dalawa.
"F-Friend ko" sagot ko agad at nag pakawala ng peke na tawa.
"I'm her suitor" singit ni Lander. "That's why I'm here" he smirked.
Umawang ang labi ko. Sinungaling!
"No!" Malakas ko inapakan ang sapatos ni Lande, napadaing agad ito.
"Yes!" Sabat ulit ni Lander, kinuha ang juice ko at ininom 'yon sa harap ni Stevan. "If I were you, umaalis na ako. Nagkaroon lang kami ng misunderstanding kaya siya pumayag makipag date sa 'yo" lumawak ang ngiti niya habang nakatingin kay Stevan.
"Inshort, ginamit kalang" pahabol niya at saglit na tumawa.
Padabog tumayo si Stevan at nanlilisik ang mata kay Lander. "Asshole" sambit niya habang nakatingin kay Lander.. "And you! Cheater!" Sabay turo sa akin. Hindi na ako hinintay sumagot, umalis na agad siya palabas.
Napapikit ako para kontrolin ang galit ko. Sinira na naman ni Lander ang date ko. Tumakas na nga lang ako tapos nahuli niya parin ako.
"Argh, bwisit ka!" Pinaghahampas ko siya sa braso. "Lagi mo nalang sinisira ang date ko, haup!"
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at masamang tinignan. Nanlilisik ang mata nito habang nakatingin sa akin, kinilabutan ako.
Hinila niya ako patayo pero bago kami lumabas nag labas siya ng cash at inilagay sa table. Halos mag ka dapa-dapa ako habang hinihila ako palabas.
BINABASA MO ANG
My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)
Fiksi RemajaNot An Angel Series#3 (Completed) Miracle Faith Presley is a hopeless romantic, pampered, mischievous, and only looks for trouble. The girl who is willing to become a sugar mommy so that the person she likes does not leave her. But practically every...