Hapon na 'ko nagising, hindi narin ako nakakain ng tanghalian. Ayoko naman lumabas, makikita ko lang si Lander. Nilayasan ko nga lang kanina umaga.
Bumaba na ako para kumain, mabuti nalang wala siya rito, nandoon na daw sa farm niya. At alam kong hindi na kami makakapag kita kasi busy narin ako sa flower shop ko. Nabanggit ni Daddy na dumating na ang mga bulaklak na supply para sa aking ng shop, kumpleto narin ang mga gamit ko doon.
Bukas pa ako makakapag visit, gusto ko muna mag pahinga. Nakakapagod rin kasi, kaya deserve ko mag pahinga.
Nang matapos kumain, lumabas ako para bisitahin ang garden na pitong taon na hindi ko naalagaan.
"Woahhh..." Napahawak ako sa aking bibig nang makita kung gaano kalago at ka healthy ang mga bulaklak na dating inaalagaan.
Lumapit ako sa daisy flowers na favorite ko. Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na matagal nang hindi nakita.
"Hija, huwag mo na diligan." Nahinto ako sa pagkuha ng pandilig nang sumulpot si Manang.
"Nako, salamat Manang sa pag-aala-"
"Pinadiligan na 'yan sa 'kin ni Lander, hija." Isang ngiti ang bumalantay sa labi niya. "Kamusta kana? tagal narin noong mag kita tayo..." Kinuha niya ang aking kamay at maingat na hinaplos 'yon.
Ito pinadiligan ni Lander? Nag sisimula na naman siya mag pakitang gilas para makuha ang loob ko. Wow, ang assuming ko sa part na 'yon. Nakokonsensya ba si Lander kaya ginagawa 'to?
Hindi ko naman kailangan ng awa niya.
Wala rin akong sinabing alagaan niya ang mga bulaklak na iniwan ko, dahil sa una palang wala na siyang karapatan lumapit pa sa akin or magkaroon ng communication, kaso mapagbiro ang tadhana, tinetest talaga ang pasensya ko.
Isang tipid lang ang binigay ko kay Manang. "Ayos lang, ho. Medyo naninibago lang, matagal tagal rin kasi simula noong mag stay ako dito." Magalang na saad ko. "Nga po pala, salamat sa pag-aalaga ng mga halaman ko," I smiled.
Huminga ito ng malalim bago lumapit at tumingin sa bulaklak sa harapan niya. "Habang wala ka nandito naman si Lander para alagaan ang mga bulaklak mo," saglit siya tumingin sa 'kin bago ibaling ang tingin sa bulaklak.
Gusto ko sabihan si Manang na tigilan niya ang pag babanggit sa pangalan ni Lander. Dahil una sa lahat, Ayoko na may marinig tungkol sa kan'ya. Nahihiya naman ako mag sabi baka kung ano isipin.
"Ganoon po ba?" Tanging sagot ko. Alangan naman puriin ko si Lander dahil lang sa pag-alaga ng mga bulaklak ko.
"Bago siya pumunta sa farm, nadaan muna siya para tumambay dito." Pang kwento niya.
Hindi ako nag salita, hinayaan ko lang magsalita si manang. Wala akong balak makinig pero may part sa 'kin na gusto ko pa makinig.
Bakit dito siya tumatambay? Pauso ang gago amp.
"Madalas siya ang nag lilinis at nag lilipat ng mga paso," dagdag niya.
"Siya ang nag palaki nitong lahat." Tukoy niya sa mga bulaklak nasa harap namin.
Yumuko ako, pinaglalaruan ko gamit ang aking paa ang nag iisang petal na kakahulog lang.
Wala kasi ako masabi. Ayoko rin mag salita at saka ayoko rin pag usapan ang lalaki na 'yon, pero dahil malaki ang respeto ko kay Manang, hinayaan ko nalang.
Mabilis ko siya nilingon at ningitian,"Manang mag gagabi na po, mas mabuti po kung pumasok na po kayo." Sabay hawak sa balikat niya.
"Nako, tutulong pala ako mag handa ng hapunan niyo." Napatakip siya sa bibig at tinalikuran na ako.
BINABASA MO ANG
My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)
Teen FictionNot An Angel Series#3 (Completed) Miracle Faith Presley is a hopeless romantic, pampered, mischievous, and only looks for trouble. The girl who is willing to become a sugar mommy so that the person she likes does not leave her. But practically every...