Chapter: 17

1K 15 0
                                    

"Who's that guy?" Bungad agad ni Lander nang makarating ako sa parking lot.




Tumaas ang kilay ko sa tanong nito. Ang ganda naman ng bungad, ni hindi pa nga ako nakakapasok sa loob ng sasakyan.




Paano niya nalaman na may nakausap ako? The hell, wag niyang sabihin pati sa school namin inistalk niya ako?




"Schoolmates" mabilis na sagot ko, habang sinusuot ang seatbelt.




Wala akong sagot na nakuha sakan'ya, tanging makina lang na sasakyan ang aking naririnig. Mukhang hindi na naman maganda ang mood niya.




Feeling boyfriend naman 'to. Lahat nalang pinagselosan, daig niya pa ang mga dati kong ex kung mag selos. Partida wala pa kaming relasyon niyan at wala din naman akong balak.




Kung may curious man kung ano nangyari noong Christmas, wala talaga nangyari. Pagkatapos niya sabihin 'yon, wala na back to normal ulit. Alam ko naman na hindi siya seryoso sa sinabi nito, kaya hindi ko binigyan pansin.




Pinagkrus ko ang dalawa kong binti bago tumingin sa bintana.




Naramdaman ko ang kamay ni Lander na dumapo sa binti ko at pilit inaayos ang palda kong umaangat.




Muli ko siya tinignan pero wala siyang expression na binigay, tanging nakatutok lang ito sa daan habang tinatakpan ang mapuputi kong binti.




"Are you hungry? There's a restaurant near at your house." Putol nito sa katahimikan na ikinatingin ko rito.




"Nah, just cook for me. Hmm, let's buy food nalang at the grocery." I suggested.




Tipid siya ngumiti bago tumango. Napangiwi ako sa nakita ko at iniwas nalang ang tingin. Parang kanina ang sama ng loob niya tapos ngayon bigla naman ngumingiti.




Nang makababa kami sa grocery, nauna na ako maglakad pero mabilis niya ako nasundan at hinawakan ang kamay ko na parang mag jowa na magka-holding hands.




Agad bumaba ang mata ko sa kamay naming magkahawak kamay. His warm hands feels comfortable to me, kaya hinayaan ko nalang. Maranasan ko manlang may ka holding hands.




Kumuha si Lander ng cart habang ako nag sisimula na mamili kung ano bibilhin. Inuna namin ang frozen foods. Si Lander ang kumukuha habang ako ito pinagmamasdan siya habang namimili.




Seryoso lang ang mata nito habang nakatutok sa hawak niyang meat, parang nahihirapan pa siya pumili e' parehas namang meat 'yon.




"Just put that two in the cart." Inip na saad ko. Ang tagal kasi pumili.




"I just make sure if this meat are still fresh." Tumawa ito bago lumapit sa 'kin. "Be patience, baby. You look grumpy already." Muli ito tumawa bago ilagay ang napili niyang meat.




Tanging irap lang ang isinagot at nauna na maglakad habang siya ang tumutulak sa cart.




"You want that?" Pumulupot ang kamay nito sa bewang ko habang nakanguso ang labi sa ice cream.




Natigilan kasi ako nang makita ko ang Ice cream sa gilid, parang gusto ko kumain ng Ice cream today.




"Yeah, let's buy one." Sagot ko at mabilis kumuha ng isang rocky road ice cream.




Kaso parang gusto ko rin bumili ng isa pa pero ibang flavor naman. Kaya kumuha ulit ako na ikinatawa ni Lander.




Kumunot ang noo ko. Ang ganda ng mood niya ah, samantala ako naman ang badmood kasi nakikita ko siya.




My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon