"Flowers for you, beautiful." pagkabukas ko ng pintuan, sumulpot ang bulaklak na hawak ni Lander. Daisy flower 'yun, nakita ko pa ung ugat sa ibaba. Halatang pumitas na naman siya sa garden ko.
Tumingin muna ako sa bulaklak bago siya samaan ng tingin at nasakal agad sa leeg. "Ikaw! Sabing wag ka pumitas sa garden, bwisit ka!" Todo sakal parin ako, siya naman tumatawa lang. Hinawakan pa ang bewang ko para maglapit kaming dalawa. Nasubsob tuloy ako sa matigas niyang dibdib.
"Why? You don't appreciate it?" He pouted. Yumuko ito para magtama ang tingin naming dalawa. Bigla siya ngumiti at hinalikan ang noo ko. "Just kidding. Here, take this one." Napatingin ako sa isa niyang kamay na may sunflower na hawak. Paano niya natago 'yon? Hindi ko napansin ah.
Pinagmasdan ko maigi ang binigay niyang bulaklak, baka kasi galing ulit sa garden. Masasapak ko na talaga siya.
"Don't worry, hindi ko 'yan kinuha sa garden mo." He smiled sparingly.
Umangat ang tingin ko rito, napansin ko ang malinis nitong itsura. Naka sweater na white at black pants. Naka cap rin ang loko, at amoy na amoy ko ang mild scent ng pabango niya.
"Ano ginawa mo rito?" I asked, rising my eye brow.
"I'm here to watch you." Lumabas ang dimple nito nang bigla siya ngumiti. "Let's eat breakfast?" Aya niya. Bigla ako hinila pababa, ni hindi manlang ako hinayaan mag hilamos muna.
Pinilit ko makaalpas, kaso ayaw ako bitawan. Nang makarating kami sa dining area, siya narin ang nag usog ng upuan para sa akin. Naguguluhan pa nga ako sa ginawa niya. Naalala ko nanliligaw nga pala siya.
Sa loob ng isang linggo niyang panliligaw, mas lalo siya naging maingat at sweet sa akin. Sobrang maalaga rin, ginagawa na nga akong baby sa sobrang asikaso niya sa akin.
Umupo siya sa tabi ko at isinandal ang isang braso niya sa armrest ko. Nanlaki ang mata ko nang bigla niya ilapit ang mukha sa akin. "You're so pretty, Mimi." Malambing saad niya sunod nun, hinalikan niya ako sa noo pababa sa labi ko. "I know we're not official yet, but I really enjoy kissing you." Muli niya ako hinalikan sa noo. Lumayo na ito at inabot ang ilang pirasong pancake sa plato at nilagyan ang plato ko ng isa. Nilagyan rin nito ng syrup, siya narin ang nag hati para isubo sa akin.
"Lander, nanliligaw ka. Hindi nag-aalaga ng bata" I rolled my eyes and took a fork from him.
He stopped suddenly and gave me a light smile. I raised my brows when I saw him blushing. He tried to hide it but hindi 'yon nakalampas sa mata ko. Masyado mabilis ang mata ko para hindi 'yon makita.
"What happened to you?" Naguguluhan na tanong ko rito. I held his chin but he suddenly flinched na parang hindi sanay sa ginagawa ko.
"I still can't believe that I'm your suitor now." Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa baba niya at ipinunta 'yon sa dibdib niya kung saan nakapwesto ang puso niya.
Sobrang bilis ng tibok, parang ganito rin ang sa akin noong magtama ang tingin naming dalawa. Parehas narin ba kami ng nararamdaman? No, hindi naman siguro.
"You feel it, right?" He smiled. "My heart beats only for you" mahinang saad niya pero sapat na 'yon para marinig ko.
Si Lander ba talaga ang kausap ko? Bakit parang Ibang iba ito ngayon? Sobrang sweet niya, tas nang-uuto pa.
Pero hindi maiwasan kabahan. Parang sa bawat nagkakasama kami ni Lander, kinakabahan na ako. Siguro hindi lang ako sanay na ganito ang pakikitungo nito sa akin ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/276494664-288-k376511.jpg)
BINABASA MO ANG
My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)
Teen FictionNot An Angel Series#3 (Completed) Miracle Faith Presley is a hopeless romantic, pampered, mischievous, and only looks for trouble. The girl who is willing to become a sugar mommy so that the person she likes does not leave her. But practically every...