Chapter: 13

1.1K 20 0
                                    

"Mga gago talaga." Naiiling na saad ko habang pinapanood ang Instagram live ni Clark kasama ang tropa niyang may mga sapi.



Suspended kasi ngayon. May bagyo raw, kaya madaling araw palang nag announced na ang mayor sa lugar namin.



Kaso mukhang hindi nabasa ng mag tropa na walang pasok. Mga siraulo talaga, kitang ang lakas nang ulan tapos nagawa parin pumasok. 'Yan tuloy na stranded sila.



"So 'yun, mga kababayan. Lumalakas na po ang ulan." Nilapit ni Clark ang mukha sa hawak nitong cellphone. Giniginaw na nga e'. Kanina pa sila sa school.



"Pre..need ko ng body heat." Rinig kong saad ni Carl kay Josh.



"Tangina mo, pre." Sagot ni Josh. Nakita ko pang binatukan niya si Carl.



Natawa ako bigla. Umayos ako nang upo para malaya ako makapag type ng i co-comment sa live ni Clark.



Givemefaith: May Boylet po ba diyan?



Givemefaith: Wag niyo sana I recommend ang nasa likod niyo. Ang panget kase.




"Pre, may nanonood ng live mo." Sabi ni Carl nang makasilip siya sa phone ni Clark.



Agad napatingin si Clark sa phone niya. Nakatingin kasi ito kanina sa gilid, ako lang kasi nanonood sa live niya.



"May Boylet ba...diyan?" Nakakunot ang noo niya habang nag babasa. "Wag..niyo...sana...ire--Aba gago ka Miracle! Hawak ko ang phone ko tapos hindi mo pa ako nakita?! Sige I recommend ko nalang sarili ko. Kahit hindi kita type." Umakto pa siya na parang kokonyatan ako.



"Si Miracle ba 'yan? Ano sabi?" Hinawi ni Josh ang phone para makita niya. "Pucha?! Parang hindi mo ako naging crush no'ng high school ka ah?!" Saad niya nang mabasa ang comment ko.



"Bano 'yan si Miracle." Kinuha ni Carl ang phone at itinapat sa kan'ya. "E 'to ka Miracle!" Namakyu siya sa tapat ng phone sabay nilabas ang dila na parang nang-aasar.



Muli ako nag tipa na I co-comment. Natatawa talaga ako sa mga tanga na 'to, sarap pag tripan.



"Mag kano po Kettle corn?" Basa ni Carl sa comment ko. "Aba?! Hindi na nga kami makauwi tapos po-problemahin ko pa 'yang price ng kettle corn?!" Bulyaw niya sa tapat ng phone.



"Bobo kasi kayo-- aba! Talagang namumuro kana Miracle, hindi na kami natutuwa sa mga comment mo." Hinampas-hampas niya ang phone nang mabasa ang sunod na sinabi ko.



"Pre, cellphone ko 'yan, pre. Mag live ka rin, sa akin 'yan." Inagaw ni Clark ang phone niya. "Putek, two views na. Sino 'yung isa? Hi!!" Kumaway siya sa camera habang malawak ang ngiti.



Hari_anna:3: Ha...ha...ha.. Mga tanga kasi. Btw dasurb. 💗💗💗 #bobosiclark



"Aba, taena nito ah!" Sigaw ni Clark. Nakakunot ang noo, mukhang nabasa ang comment ni Hari. "Awatin niyo ako!" Utos niya sa dalawa, kaso hindi siya pinansin.



"Isa ka pa, Miracle!" Dumuro-duro pa ito sa phone niya. "Ano pinag-sasabi mong justice! Kaya walang mag seseryoso sa 'yo kasi puro ka kalokohan." Pang-aasar nito.



Napahawak ako sa panga ko, at gustong sugurin si Clark sa oras na 'to, kaso malakas ang ulan. Humanda sila pag may pasok na.



Givemefaith: Okay lang atleast hindi bobo.



My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon