Chapter: 6

1.1K 21 0
                                    

"Isunod mo naman 'tong mga patatas hija ah" nilapit ni Tita Sandra ang mga patatas na kakatapos lang hugasan.


"Pati 'tong kalabasa" sumunod si Mommy na mabilis inilapag ang maliit na kalabasa sa harapan ko, ni hindi pa nga nababalatan.


May lunch date kami with Lander's family. Imbis na mag paluto nalang sila, mas pinili nilang kaming tatlo ang mag luto.


Habang sina Daddy, Tito at Lander ay nasa living area nag-uusap habang kami nandito busy sa pagluto.


Hindi ko talaga alam kung bakit ako nandito. Pinilit lang talaga ako nina Mommy, kasi nga daw babae ako dapat alam kong mag luto.


Masyadong sinuswerte si Lander. Dapat siya nalang sinama dito, may alam pa 'yon sa pag luluto kesa sa akin.


"Dalian mo mag gayat, aba" sumilip si Mommy sa ginagawa ko sa carrots, medyo hirap pa nga ako. "Nako, e' pano nalang kung maging asawa mo na si Lander, paano mo siya pag lulutuan?" 


Agad lumukot ang mukha ko. Nag sisimula na sila mag ship sa mabahong magiging loveteam.


"Impossible mangyari 'yon." I rolled my eyes.


Humarap si Tita Sandra na may hawak na sandok. "Hindi mo sure, hija" mahinhin ito tumawa, nakipag apir pa kay Mommy.


Ugh, nasa maling pamilya ata ako.


Kina Karina nalang dapat ako, seryoso ang mga sides no'n mas okay pa doon.


Hindi ko sila pinansin, pinag patuloy ko ang pag gagayat kahit panay ang asar nila. Hinayaan ko nalang, mapapagod rin naman sila.


Hirap na hirap ako sa pag-gagayat, ang tigas kasi. Dapat hindi na sila nag ca-carrots, hindi ko naman kinakain 'to.


Nakabusangot akong nag hihiwa habang inilalagay sa kabilang plato. Lumingon ako kina Mommy na mukhang masaya pa sa ginagawa nila, pasimple pa sila humagikgik sa gilid.


"Hmmm, smells good!" Napunta ang tingin naming tatlo kay Daddy nang bigla mag salita ito, nasa likod niya ang asawa ni Tita Sandra at si Lander.


Naka plain white polo shirts lang si Lander at trousers, mukhang masikip ang polo nito sa malaki niyang katawan. Nasobrahan ata siya sa pag g-gym.


Lumapit sila sa kaniya-kaniyang asawa, sinisilip ang niluluto nina Mommy. Napairap ako nang mag back hug pa si Daddy kay Mommy, kadiri amp.


"Hey, do it carefully!" Inayos ni Lander ang pagkahawak ko sa kutsilyo. Nakatingin kasi ako kina Mommy habang nag hihiwa, hindi napansin nasa tabi ko na pala si Lander.


"Help me" I whispered. "Look at my poor hands" ngumuso ako habang pinapakita ang kamay kong namumula na.


"Let me do it" napangiti ako nang kunin niya ang kutsilyo. Sinimulan niya na gayatin ang mga ito, namangha pa ako kasi halatang sanay na sanay siya.


Seryoso lang ito sa ginagawa, hindi ko maiwasan mapatingin sa kamay nito. Ang laki, maugat pa. Pero kahit yummy siya, hindi ko parin type si Lander.


"Hoy, Ikaw!" Muntikan na ako mapasubsob sa lamesa nang itulak ni Mommy ang ulo ko. "Bakit si Lander na ang nag gagayat?" Tanong nito, napatingin tuloy sina Tita.


"Sabi niya!" Sabay turo ko kay Lander, napatigil nga siya e' at tumingin kina Mommy.


"It's okay, Tita. Wala naman ako gagawin so its better If tulungan ko na siya para matapos agad" tipid siya ngumiti kay Mommy bago ipagpatuloy ang ginagawa niya.


My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon