After 7 years.
"Wow, amoy dollar!" Clark came over and smelled me. "Iba talaga pag yayamanin na," biro nito.
Kararating lang namin sa pinas. Nauna si Karina umuwi dahil pinapauwi ng daddy niya. Akala nga ni Daddy uuwi na rin ako nung araw na 'yon.
Galing kami sa opisina ni Karina. Pinagsabihan namin, masyadong naging bato simula ipagtabuyan siya ni Stever. Mabuti nga hindi siya marupok. Kung hindi lang dahil lang sa anak nila, hindi talaga kami papayag na magka-ayos silang mag-anak. Masyado na nangungulila si Sachi sa tunay niyang ama.
Ang totoong dahilan kung bakit kami nakauwi ay dahil sa bata na 'yon. Sachi secretly called us and told us that her mother did not love her father. It was so horrific that we decided to convince Karina to go back to Stever, even though we didn't want to.
"Asan mga chocolate namin?" Umakbay si Carl sa akin kaya napunta ang tingin ko sa kan'ya.
"Oo nga, 'yung pamasko niyo sa inaanak anak ko!" Singit ni Josh.
Napaismid ako. "Hoy ang kapal mo naman! Ni hindi nga namin alam na inaanak na pala namin ang anak mo!" Sabay irap ko rito.
"Wag kana mag taka, nagulat na nga lang kami na binigyan kami ng kandila. Tapos ayun nasa simbahan na pala kami para mag ninang sa anak niya." Sumulpot si Alyssa, naka formal attire. Nilapag niya ang ilang pagkain sa lamesa namin.
Nandito kami ngayon sa restaurant niya. Naisipan lang mag kita-kita. Hindi pa nga ako nakakauwi sa bahay, nasa hotel pa ang mga bagahe namin.
Mamayang gabi rin, may dinner kami. Because Mommy said that I should be home by eight pm, she will prepare food for dinner. Masyado nga excited kasi pinapauwi na agad ako.
"Tamuh!" Nilantakan agad ni Creselia ang pagkain sa lamesa. Napansin ko ang pagtitig ni Clark pero agad rin niya iniwas nang mapansing nakatingin ako sa gawi nila.
"How are you guys?" Hari asked with a smile.
"Okay naman, Ikaw okay naba?" Nakangising tanong ni Alyssa.
"Si Miracle din tanungin niyo!" Pang-aasar ni Clark, agad ko siya sinukmaan ng tingin. Nanahimik 'yung tao dito, oh!
"Okay naman ako," I rolled my eyes. "Kailangan pa ba itanong 'yan?" I leaned back in the chair and took the juice in front of me.
"Haha!" All our eyes went to Carl, he was laughing while looking at me but immediately covered his mouth.
Carl is too obvious, sarap sakalin sa leeg. Mga hindi nag bago ang ugali, pala asar parin.
Bakit pa kasi kailangan ungkatin? Dapat kinalimutan na 'yon, hindi ko na nga inaalala e' actually nakalimutan ko na nga. Hindi ko na siya iniisip, hindi tulad dati na sa tuwing naalala ko ay nasasaktan parin ako.
Wala na nga ako balita sa gago na 'yon, baka may asawa at anak na siya, baka sila ang endgame ni Veni na vovo.
Eww, Nakakadiring isipin.
"Bakit niyo ba tinatanong 'yan? E wala naman sila relasyon ni Lander." Singit ni Sherel. Napahawak tuloy ako sa palda ko para pigilan ang sarili na kurutin siya. Mabuti nalang talaga hindi ko naging boyfriend 'yon.
"Oo nga naman," pag sang-ayon ni Alyssa. "Hindi lang siya kinampihan noong araw na 'yon!" Tumawa pa siya kaya lalo ako naasar.
Kailangan ba talaga ipaalala? Kinalimutan ko na nga tapos ipapa-alala pa. Hanggang ngayon, wala sila alam sa tunay na nangyari sa amin.
BINABASA MO ANG
My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)
Roman pour AdolescentsNot An Angel Series#3 (Completed) Miracle Faith Presley is a hopeless romantic, pampered, mischievous, and only looks for trouble. The girl who is willing to become a sugar mommy so that the person she likes does not leave her. But practically every...