"Hey." Nabigla ako nang si Zander ang nagbukas ng gate. "Come in." He opened the gate so I was able to enter to their house.
It's been two weeks since Hari gave birth. I haven't visited her, so I thought of going to her house today. Sa picture ko lang kasi nakikita ang itsura ng anak nila.
"Where's Hari?" Tanong ko rito.
May sama parin ako ng loob sa lalaki na 'to Pero kaunti nalang naman. Hindi na tulad dati. Siguro kailangan ko narin tanggapin na siya ang nagkatuluyan ng aking kaibigan. Kung si Hari nga natanggap si Zander, ako pa kaya.
"Inside, giving Nathan a bath." He smiled at me. I just nodded and started walking inside.
Ang shala ng house, mukhang bahay ng Mayor ah. Choz, hindi ko nga alam kung ano itsura nang bahay ng mga Mayor.
"I'm sorry for what I did before." I turned to Zander, his voice was still calm.
Nakakagulat naman ang lalaki na 'to, masyado nambibigla. Parang dati ang lakas mag sungit. I remembered that I had a crush on him when I first saw him when Lander took me to the hideout.
I winced suddenly when I mentioned Lander's name. Simula noong kasal ni Hari, we haven't seen or talked to each other. No more messages left every time I wake up, and no more Landers showing up at my shop.
Nakakapanibago pero ito ang gusto ko. Mas mabuti kung tumigil na siya sa kahibangan niya. Minsan traydor 'tong puso ko, nag babaka-sakali parin akong may Lander na susulpot sa aking harapan, pero wala na.
Siguro narealize niyang hindi worth it ang pagsusuyo sa 'kin. Naisip na siguro niyang nagsasayang lang siya ng oras para sa 'kin.
'Yon naman ang aking gusto. Ang lumayo na siya. Kaso parang mapagbiro itong si kupido hinahanap hanap ko parin siya sa tuwing mag-isa ako sa bahay habang nakahiga sa aking malambot na kama.
Kahit anong pilit kong alisin sa aking utak, nandoon parin siya bumabalik. Bakit pa kasi ako ginulo? 'yan tuloy nasasama siya sa mga iniisip ko.
Wala na akong balak kausapin 'yon. Sapat na ang huli naming pag-uusap. Nailabas ko narin naman lahat ng saloobin ko. Nakakapagod narin umiyak.
"It's okay, mga bata pa tayo non." I smiled. Lumapit ako rito at tinapik ang kaniyang balikat. "Ang gusto ko lang ngayon ay ang kasiyahan niyo ng kaibigan ko, kaya please. Wag mo na ulit sasaktan si Hari." Seryoso ko siya tinignan sa mata habang sinasabi 'yon.
Mabilis ito tumango at ngumiti. "I really love her. She's my life, Miracle." Napaismid ako sa sinabi nito kaya agad na siya nabitawan.
Ang corny niya ah! Parehas sila ng kaibigan niya.
Nang makapasok kami, saktong pag pababa ni Hari hawak ang anak niya. Gulat na gulat pa ang mukha nito nang makita ako.
"Miracle! Bobo ka!" Napasimangot ako sa bungad niyang bati. Ang ganda ng ayos ko ngayon tapos sasabihan lang akong bobo.
Siraulong babae 'to. Kung hindi lang siya bagong panganak baka kanina pa siya gumagapang sa sahig.
"Impakta ka!" Napatawa nalang ako habang lumalapit sakanila.
Napahawak ako sa aking bibig nang makita kung gaano kalusog at kapogi ang anak nila, jusko ang tangos ng ilong. Sigurado akong marami 'tong papaiyakin paglaki.
BINABASA MO ANG
My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)
Ficção AdolescenteNot An Angel Series#3 (Completed) Miracle Faith Presley is a hopeless romantic, pampered, mischievous, and only looks for trouble. The girl who is willing to become a sugar mommy so that the person she likes does not leave her. But practically every...