Chapter: 15

1.1K 12 0
                                    

Hindi maalis ang ngiti ko nang makita ang mga bulaklak sa paligid ko. Nandito ako ngayon sa garden ni Mommy. Sobrang ganda sa mata, kung nandito kayo baka dito na rin kayo tumira. Kung pwede lang i-uwi ang mga bulaklak na 'to baka matagal na sila nakatambak sa garden ko.

Mabuti nalang wala si Lander ngayon. Nandoon kasi siya sa magulang ni Sandy, tumutulong. Kasama niya sina Daddy, tinutulungan nila ang ilang trabahador dito sa farm.

Iba talaga ang friendship nila. Palibhasa magkadikit at share sila sa lupain na kung ano meron sila.

Umupo ako sa isang gilid at nag simula kumuha ng mga ilang litrato para ipost sa Facebook. Pumitas pa ako ng isang purple aster at inilagay sa gilid ng aking tainga.

Mga ilang pose rin ang ginawa ko bago pumili kung ano ang ipopost sa Facebook. Mga ilang minuto rin bago ako makapamili.

Nangunguna nga agad si Clark sa pag comment, halatang tambay sa Facebook amp.

Akiro Clark Streon
Magkano pandesal sainyo? How much, how many? Sumagot ka agad, hindi ako natutuwa sa picture mo.

Akiro Clark Streon
Nakakita ako ng garapata sa alaga kong aso, balak ko sana kunin at tirisin pero naisip ko na may pamilya rin silang inuuwian sa katawan ng aso ko. Naisip kong wag nalang kunin kasi mahirap mawalan ng pamilya. Kawawa ang mga garapata na maiiwan niya. 🥀

Agad ako nag react ng angry sa comment niya. At nag reply sa sinabi nito.

Miracle Faith Presley
Kaunting pasensya nalang ma boblock na kita.

Muling may nag notif sa akin. Nakita kong nag haha react si Carl sa aking post, hindi pa nakuntento kasi nag comment rin.

Xeron Carlix Vasquez
Maganda na sana e' kung wala lang 'yung mukha mo sa picture, pakidelete ng post. Hindi kami natutuwa.

Napanganga ako sa nabasa ko at balak sana mag reply pero naunahan ako ni Clark.

Akiro Clark Streon
(2)

Akiro Clark Streon
Pakiulit po, iba po Ang aking nais. @Creselia Sylyphyn Velencio Ikaw ang aking nais.😍😍😍

Talagang dito pa siya dumaldal sa post ko. Nakakasira talaga sila ng araw, hindi na ako natutuwa.

Teka, si Creselia 'to ah?! Siya 'yung kaibigan nung babaeng inawat ko noon na siya pa ang galit, well close na kami nun, pero sa tuwing nakikipag away lang sa mga umaabang sakaniya.

Creselia Sylyphyn Velencio
Taena, ano 'to? Bakit ako naka mention dito? Nag papalike ba 'to? Sori no time for this bruh. Pakyu kayo lahat🖕🖕 hoy Clark, ang jeje mo gago, kadiri ka.

Gusto ko matawa pero mas minabuti ko nalang basahin ang mga pinagsasabi nila sa comment section ko.

Xeron Carlix Vasquez
Pahinga muna kayo oh, baka pagod na kayo.⚰️⚰️⚰️⚰️⚰️

Akiro Clark Streon
Bakit Lima lang 'yang kabaong? Dagdagan mo ng isa para kay Miracle.

Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone nang mabasa ang reply ni Clark. Gusto ko sana patulan kaso baka lalo lang ako mabadtrip.

Sa inis ko pinatay ko nalang ang aking phone at naisipan nalang mag libot. Sa haba ng nalibot ko nakarating ako sa mga gulayan kung saan nandoon sina Daddy.

Naanigan ko agad si Lander, naka topless lang ito habang ang t shirt niya ay nasa balikat niya. Mukhang pagod na rin, may buhat na sako, mukhang nag linis sila at nag tabas ng mga damo.

My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon