"Hoy, Miracle! grabeng pang-aapi na 'tong ginagawa mo, ah!" Nilingon ko si Clark na kasalukuyan may hawak ng mga gamit ko.
"Hindi kana nasanay sa demonyitang babae na 'yan." Sumulpot naman si Carl, dala ang aking maleta.
Sumunod rin si Josh dala ang mga flower vase ko. Naisipan ko na kasi mag sarili ng tirahan, kaya naisip kong lumipat sa condo. Nag sasawa narin akong makita ang pag mumukha ni Lander, lagi nalang nasa bahay. Wala ba siyang bahay?
Mabuti nalang nauto ko ang tatlong tanga na 'to kahit labag pa sa loob nila. Sinakto ko naman na Sunday para wala silang pasok. "Bakit ba kayo nag rereklamo? Hindi naman ako namilit, kusa kayo nag pa-api." Nakangising saad ko sa nakasimangot na si Clark.
"Pucha!Wala pa nga kami sa kalahati ng gamit mo, Partida mga pang landi mo lang 'to, Wala pa nga 'yong mga appliances mo!" Reklamo nito. Bago pa ako makapag salita ay ipinasok niya na ang mga gamit ko.
Hindi ko tuloy maiwasan matawa bago pumasok sa loob. Tamang lingon lang ako sa kabuo-an na aking napili para tirhan. Simple lang naman ang napili ko. May saktong laking kwarto, kusina at palikuran.
Isa sa dahilan kung bakit ito ang napili ko, may malaking balcony sa condo na 'to. Naghanap talaga ako ng condo na may malaking balcony para sa aking mga bulaklak. Syempre hindi ko pwede kalimutan ang mga bebeloves ko.
"Clark, bago kayo umalis pwede pakibutasan ang ilang pader, kakabitan ko kasi ng frame." Saad ko habang busy sa pag alis ng mga plastic sa furniture, bagong bili lang kasi.
Nag kakamot ibinaba ni Clark ang ilang box. "Pucha! Ano ilalagay mo do'n? Mga picture ng mga nanghost sa 'yo?" Naiiling sagot nito bago tulungan ipasok ang malaking ref na pinagtulungan buhatin ni Carl at Josh.
"Matic 'yon, par. Buti sana kung picture nalang natin ang ilagay para credits sa tumulong sa kan'ya." Pinunasan ni Carl ang tumutulong pawis sa noo, bago muli subukan ipasok ang malaking ref.
"Ewan ko ba diyan kay Miracle, napaka bonak parin." Natatawang tumingin si Josh habang umiiling.
Parang pinagsisihan kong sakanila pa humingi ng tulong. Parang ang sarap nila sipain palabas ng condo, dahil sa pang gagago nila.
Ngumisi ako. "Go mga alipin ko," I teased.
Hindi maipinta ang kanilang pagmumukha. May nakabusangot, nakalukot ang mukha at nakapakyu. Ang sasama talaga ng ugali ng mga 'to.
"Ang sarap mo iwanan tapos ikaw lahat mag ayos nito." Walangyang saad ni Clark. Kinuha niya ang grinder at sinimulan na butasan ang pader.
"Par, normal na 'yan sakan'ya." Tumingin saglit si Carl sa kinakatayuan ko bago ulit tumingin kay Clark. "Sanay na 'yan maiwan, palagi naman iniiwan 'yan." Nakangising sabi nito.
Imbis na mainis ako sa sinabi nito, parang nasaktan pa at kumirot ang aking dibdib. Nawala ang ngiti ko, nakatingin nalang ako sakanila habang seryoso ang aking mukha.
Sanay naman na ako sabihan ng gan'yan noon, pero ngayon kasi iba na ang epekto simula noong sukuan ako ng taong laging nasa aking tabi, para pag sabihan at pangaralan ako sa mga maling ginawa ko.
Napansin ko ang pagsiko ni Josh kay Carl. Maski si Clark napaubo at sinimulan na mag butas. Hindi nakalampas sa aking mata ang pagkamot ni Carl sa ulo, mukhang nakonsensya sa sinabi.
Hindi ako galit. Sadyang narealize kong tama siya. Wala nga nagtatagal sa 'kin, kahit anong hanap at pilit ko wala talaga nag babalak mag stay.
"Guys pwede na kayo mag pahinga, ako nalang bahala dito." Tipid akong ngumiti bago sila talikuran.
"Miracle," nilingon ko si Carl, mukhang kinakabahan. "Pa-"
BINABASA MO ANG
My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)
Teen FictionNot An Angel Series#3 (Completed) Miracle Faith Presley is a hopeless romantic, pampered, mischievous, and only looks for trouble. The girl who is willing to become a sugar mommy so that the person she likes does not leave her. But practically every...