"Nice! Other pose naman, kunware mag jowa kayo." Kinikilig na saad ni Tita Sandra habang nakatapat ang camera sa amin ni Lander.
Kanina pa kami nag poposing sa harap ng camera, kung ano ano na nga ginawa namin. Nakakainip na. Talagang kailangan muna ng picture bago umalis, remembrance daw.
"Tita, sumakay na po tayo. Baka kanina papo nag hihintay sina Daddy." Kumamot ako sa ulo sabay tumingin kay Lander na mukhang naiinip na rin sa pinag-gagawa ng Nanay niya.
Si Mommy naman, pa simple kumukuha ng shots sa cellphone niya habang pinipicturan kami ni Tita. Talagang patuloy parin sila na paglapitin kami ni Lander.
Magkasama kami ngayon, dahil sembreak na. Naisipan nina Mommy na pumunta sa probinsya kung saan doon sila nag patayo ng farm. May mga rest house din sila, talagang magkatabi pa.
Malapit na ang Christmas kaya gusto nila advance kami pumunta doon. First time ko makasama si Lander this Christmas.
"Nako, matutuwa ang mga anak niyo pag nakita 'to." Nag-iimagine na naman si Tita Sandra, akala mo talaga mang-yayari.
"Can't wait to see our future apo, sis!" Napairit si Tita sa sinabi ni Mommy. Tumalon-talon pa sila habang magkahawak ang kamay.
Tumingin ako kay Lander na blanko lang nakatingin sa magulang namin. Naisipan kong kalbitin siya, kaya napatingin ito sa akin.
"Tara na." I whispered.
Inakbayan ako ni Lander at iniwan na ang aming Nanay.
"Kita mo 'yon?!! Omgg!!" Napasimangot ako sa sigaw ni Mommy. Issue 'tong mga 'to.
Akala talaga nila, may pag-asa na maging asawa ko si Lander. Asa sila, hindi ko siya type para maging ama ng future anak ko.
Papasok na sana ako sa SUV nang bigla ako hilahin ni Lander papunta sa kotse niya. Tumingin ako sa gawi ni Daddy pero nag thumbs up lang ito kay Lander, na parang bang okay lang na hilahin ako ni Lander palayo sakanila, talagang malaki ang tiwala nito.
Wag nilang sabihin pati si Daddy boto kay Lander? Hindi niya ba alam, na nilalandi na ako nitong lalaki na 'to? I mean, hindi niya naman ako pinipilit mag kipag ano, pero kung umasta akala mo boyfriend ko na siya.
Eww. Napaka clingy amp.
Nang makasakay ako sa kotse, sumunod rin agad ito, ni wala nga lumalabas sa bibig niya. Tahimik lang siya.
"Why do we need ride to your car? Pwede naman sumabay nalang tayo kina Mommy." Bungad ko nang simulan na paandarin ang sasakyan niya.
"Gusto kita ma solo." Simpleng sagot niya, hindi manlang ako tinapunan ng tingin.
"Ako ayaw." I rolled my eyes.
Sino ba may gusto makasama ang isang tulad niya na laging sinisira ang araw ko. Pati lovelife ko siya rin ang nagiging dahilan kung bakit walang nag papasaya sa akin.
"Oh, ano na naman?!" Inis na tanong ko nang alisin niya ang seatbelt at dahan-dahan lumapit sa akin.
"Why? Sino ba gusto mo masolo?" Seryosong saad niya habang nakatingin sa labi ko. "Tell me, who?"
"Madami." Walangyang sagot ko habang nakangisi. "Pero, hindi ka kasali do'n" I added.
Napansin ko ang ilang beses niya paglunok habang tumatalim ang tingin sa akin. Mukhang naiinis na naman siya. Well, 'yon talaga ang balak ko ang mainis siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/276494664-288-k376511.jpg)
BINABASA MO ANG
My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)
Roman pour AdolescentsNot An Angel Series#3 (Completed) Miracle Faith Presley is a hopeless romantic, pampered, mischievous, and only looks for trouble. The girl who is willing to become a sugar mommy so that the person she likes does not leave her. But practically every...