Chapter: 32

994 10 0
                                    

"Miracle!" Tumakbo palapit sa 'kin si Carl, hinihingal.



Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kan'ya. Yumuko ito at napahawak sa tuhod, mabilis ang paghinga, halatang tumakbo nang mabilis.



"Bakit?" Kunot noo na tanong ko.



Humakbang ito palapit at hinawakan ang dalawa kong balikat. "Si Alyssa, nakikipag away, tulungan mo ako awatin." Natatarantang saad niya.



"Bakit ako?" Sabay turo sa sarili. "Nasaan ang mga kaibigan mo?"



Isasama na naman nila ako, baka ang maging ending niyan ako ang makipag away sa ka-away ni Alyssa. Ganoon lagi nangyayari pag nagkikipag basag ulo ang babae na 'yon. Nadadamay ako.



"Wala sila e, sumali sa journalist para man trip!" Kumamot siya sa ulo.



Lakas ng amats ng mga 'yon. Sana pala hindi nalang ako lumabas, naabutan pa tuloy ako ni Carl. Bumili kasi ulit ako sa cafeteria para sa susunod na klase, nandoon na sina Karina sa classroom. Nag rereview sila para sa quiz sa understand self.



"Sumama kana, baka may makakita kina Alyssa."



Napabuntong hininga muna ako bago tumango. "Tara na nga, tulungan mo ako umawat."



"Pucha, kaya nga kita sinama.. baka sampalin na naman ako do'n." Inis na saad nito.



Ngumisi ako. "Gagawin kitang shield!" Biro ko rito. Sumama tuloy ang mukha niya.



"Salbahe talaga kayong magkaibigan!"



"Sainyo lang naman!"



Hindi siya sumagot. Hinila na ako papunta kina Alyssa. Medyo malapit 'to sa building nina Lander, kaya parang nag dadalawang isip ako kung makikisawsaw ako sakanila.



Nandoon sila sa gilid kung saam wala masyado nakakakita. Pagkarating namin, nasa ibabaw na si Alyssa nakikipag sabunutan. Si Creselia naman pinag tulungan ng dalawang babae.



Dalawa laban sa tatlo. Mga warfreak talaga sina Alyssa.



"Aray, potaena!" Daing ni Creselia nang igitgit siya sa puno. "Pag 'yong monde ko napirat, palitan niyo 'to!" Saad niya.



Suot niya kasi ang bag pack na naipit dahil sa pagkasandal niya sa puno gawa nung mga kaaway nila.



"Tangina nito ni Creselia, pagkain parin inuuna." Bulong ni Carl sa likuran ko.



"Ikaw bahala kay Creselia, ako kay Alyssa," utos ko. Agad tumango si Carl at tumakbo na palapit kina Creselia.



"Guys awat na guys!" Palipat lipat siya ng pwesto, bigla kasi gumagalaw ang kamay ng mga babae, iniiwas niya ang sarili..



Lumapit ako kay Alyssa at tinulak siya paalis sa ibabaw nung babaeng kaaway niya. Sabog ang buhok nito at kitang-kita ang mga kalmot nito sa braso.



"What the hell?!" Inis na bulyaw ni Alyssa, may kalmot na sa mukha.



"Bakit ba nakikipag away ka diyan?" Sa turo sa babae. "Nag sasayang ka lang ng oras diyan!" Pahabol ko.



Inayos muna ng babae ang buhok bago ako taasan ng kilay. "Sino kaba? Bakit nangingielam ka? Pinatawag kaba nito?" Sabay turo kay Alyssa. "Akala ko ba matapang ka? Nag tawag kapa ng tropa mo." Baling niya kay Alyssa.



Lumapit si Alyssa at tinampal ang mukha. "Inamo! Hindi nga kita kilala, yabang mong hinayupak ka, zero ka naman sa quiz!"



"Wow, nag salita ang babaeng bagsak din sa quiz." She rolled her eyes.



My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon