Chapter: 34

1K 13 0
                                    

"Hoy Miracle! Bakit kasama ka? Nandoon si Lander inaantay ka," Agad ko natakpan ang bibig ni Carl nang bigla siya sumulpot sa harapan ko.

"Sabihin mo may group project tayo kaya hindi ako sasabay sa kan'ya." Inalis ko ang aking kamay sa bibig niya at mahina siyang tinulak. "Bilisan mo!" Dagdag ko.

Saglit niya ako tinignan sabay tumawa nang malakas, pumapalakpak pa. "Tanga kaba? Magkaiba tayo ng course, bobo!" Naiiling na saad nito.

Napakamot ako sa ulo nang sabihin niya 'yon. Oo nga pala, magkaiba kami ng course.

Balak ko kasi tumakas kay Lander, sobrang strict nito ngayon simula no'ng makita niya ako may kasama na lalaki which is si Jerv.

Galit na galit siya noong araw na 'yon, ilang araw rin kami hindi nag usap. Nag talo kasi kami pag-uwi, umiyak pa nga ako pagka-alis niya.

Buti pagkalipas ng tatlo araw hindi niya rin ako natiis kausapin. Aba, kaya ko taasan ang pride ko, nakakainis kaya siya. Pero simula noong magka-ayos kami naging sobrang strict siya, halos hindi na ako makaalis nang hindi siya kasama. Gusto niya lagi nasa tabi ko siya ni hindi nanga ako makagala with my friends.

Ngayon tatakas ako kay Lander, nag aya kasi si Clark may concert daw kaya sumama kami. Stress na kami sa acads kaya deserve namin sumaya.

"Kahit na, sabihin mo nalang hindi mo ako nakita." Kumapit ako sa braso nito. "Lilibre kita, bilis."

Napaismid si Carl, mukhang nag iisip pa. "Mag paalam kana, gago ka! Ayoko madamay sainyo." Inalis niya ang pagkahawak ko sa braso nito.

"Sige na Carl!" Pag pupumilit ko. Hindi talaga ako makakasama kung mag papaalam ako.

Kung papayag man si Lander, sigurado akong sasama 'yon. Lagi nalang naka buntot sa akin, nakakainis na. Nasasakal na ako sa ginagawa nito sa akin, ginagawa niya akong pag-aari kahit hindi pa naman kami.

Napabuntong hininga si Carl bago dahan-dahan tumango. "Inamo mo Miracle, huling beses mo lang 'to gawin ah, wag mo na ulitin pa." Seryosong saad nito.

Mabilis ako tumango at ngumiti sa kan'ya. "Promise!" I smiled.

"Fine," bakas sa boses nito na napipilitan lang siya.

Napalakpak ako at tumalon talon. "Yey, thanks Carl! You're the best!" Sabay thumbs up ko rito.

Ginulo niya ang buhok ko sabay ngumiti. "Nasaan sina Hari?" Kunot noo na tanong nito.

Lumingon ako sa gilid bago ibalik ang tingin sa kan'ya. "Dinala 'yung mga papel na pina-utos ni Ma'am," I replied.

Hindi na ako sumama, malapit lang si Lander doon, baka bigla ako harangin at pasabayin sa kan'ya. Alam ko mali ang gagawin ko, pero gusto ko rin naman mag saya, lagi nalang ako pinaghihigpitan kahit nakapag explain na ako sa kanya. Wala siyang tiwala sa akin.

Tumango tango ito. "Una na ako, sunod nalang kayo. Basta sa bayan ah, doon sa tapat ng D.E.S," Paalala nito, sabay tapik ng balikat ko.

Mabilis ako tumango. "Basta pag nakita ka ni Lander, sabihin mo hindi mo nakita. Hinampas ko siya sa likuran.

Natatawa ito pinitik ang noo ko. "Bobo mo!" Humalakhak ito bago ako iwanan.

Balak ko sana gantihan kaso nakaalis na. Sabihan ba naman akong bobo, akala ko hindi nangopya sa akin noong highschool. Sabagay, kinopya ko rin 'yon kay Hari.

"Ano 'yon? Target mo si Carl ngayon 'no?" Napalingon ako kay Alyssa, may pang-aasar na tingin.

"Ang pangit naman ng standard mo," sumulpot si Creselia may dalang pancake, kinakain na.

My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon