Chapter: 16

1K 13 0
                                    

"Wag mo nga ako kausapin!" Inirapan ko siya bago iwanan sa kinakatayuan namin.



Nakakaurat! Kanina pa ako nag hahanap kung nasaan Lander, tapos nandoon lang pala kay Sandy. Tapos pupunta siya dito sa bahay na parang walang nangyari.



Dumagdag pa ang sakit sa puson ko kaya mas lalo ako naiinis. Feeling ko dadatnan na ako ngayon.



Kaya ko lang hinahanap si Lander para ipagluto ako, wala ulit sina Mommy dito. Ang dami nilang ganap sa buhay, lagi nalang kami naiiwan dito ni Lander.



Tapos makikita ko lang si Lander, nakikipag tawanan kay Sandy habang naglalakad. May buhat siyang mga tubig, mukhang tinulungan ang kaniyang sinta.



Nakakainis. E' di sana ol.



Bakit ba ako naiinis?! Dapat nga matuwa ako na may lovelife siya.



"Ano ba?!" Usal ko nang pigilan ang pintuan, balak sana niya sarhan. "Umalis kana!" Pag-tataboy ko.



Kumunot ang noo nito. "Why are you mad? Wala naman ako ginagawa. Tell me, meron ba ako nagawa?" Mahinahong tanong, habang pilit lumalapit sa akin.



Hindi ko siya sinagot at tinalikuran siya. Dumapa ako sa kama at ibinaon ang mukha sa unan. Sobrang sakit talaga ng puson ko.



Naramdaman kong lumubog ang kama, sigurado ako si Lander 'yon. Ramdam ko ang haplos nito sa buhok ko, pero hindi siya nag sasalita. Hindi rin ako nag sasalita, wala akong balak kausapin siya.



"Mimi" isang mahinang boses ang lumabas sa bibig ni Lander. Humiga ito sa tabi ko at ipinatong ang kamay sa aking likuran. "Tell me, Mimi. What makes you mad?" He added.



'Yang kaharutan niyo ni Sandy ang nag papainis sa 'kin. Kulang nalang ipamukha sa akin ni Sandy na wala akong jowa, samatala siya may katawanan sa gilid.



"Shut up and leave!" Inangat ko ang ulo ko bago ibaon ulit pagkatapos ko sabihin 'yon.



Wag niya ako iniinis, masakit ang puson ko ngayon.



"Miracle ano ba nangyayari sa 'yo? Wala naman akong ginawang mali pero bakit feeling ko may nagawa ako?" Nag sisimula na ulit siya maging praning, parang pinipilit niya maging mahinahon kahit inis na inis na siya.



Bumangon ako at sinamaan siya ng tingin. Nagmamaka-awa siya tumingin sa akin, na para bang gusto na makipag bati at kausapin siya.



"Ah talaga?!" Taas kilay na tanong ko.



"Yes." Mabilis na sagot niya bago bumangon at isandal ang likod sa headboard. "Kung meron, then tell me." Pahabol nito.



Pinag krus ko ang dibdib ko sa braso at mabilis iniwas ang tingin na para bang nag tatampo. "Nagugutom na ako tapos, makikita kita nakikipag tawanan lang kay Sandy." Muli umikot ang mata ko sa sobrang inis.



"Tapos, pupunta ka dito na parang hindi ka nakipag harutan sa Sandypot mo!" Bulyak ko at malakas hinampas ang braso nito.



Ilang beses siya napakurap bago makasagot. "Wait what?! Hey! I'm not flirting with her, tinulungan ko lang siya kasi nahihirapan daw siya." Paliwanag nito. Unti unti siya lumapit at balak sana ako hawakan pero mabilis ko iniwas 'yon.



"Wag mo ako hawakan!" Sigaw ko.



"Come here, Mimi." Pilit niya ako pinapalapit pero ako naman 'tong todo iwas. "I'm sorry, okay. I didn't know na gutom kana pala, akala ko kasi tulog kapa." Sunod na sabi nito.



My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon