Chapter: 31

1K 9 0
                                    

"Wala pang academic break, pero parang araw na ng mga patay 'yang mukha niyo." Umupo ako sa tabi ni Sherel na nakatulala sa harap ng whiteboard.


"Kaya pala.." tumingin ako kay Hari, nakatulala rin habang nakapalumbaba. "...kaya pala patay na patay siya sa akin," she smirked.


Napalo siya ni Karina sa balikat. "Excuse me?" Taas kilay na saad nito sa babaeng tulala.


Kunot noo siya tinignan ni Hari, "Wala nang space dito, kaya walang daan." She rolled her eyes.


Mabilis napunta ang atensyon namin kay Sherel, panay ang tawa habang nakaturo kay Hari. "Ha..Ha.. Ha... lutang, amp!" Napalakpak siya habang tumatawa.


Napa crossed arms si Hari at tinaasan siya ng kilay. "Hiyang-hiya naman ako sa babaeng pati pangalan ko kinopya." Naiiling na saad nito.


Tinulak ko ang ulo nito gamit ang isang daliri ko. "Haha! Lutang na tanga!" Pang-aasar ko.


Sumama ang tingin niya sa akin at napasimangot nalang. "Kailangan pag kalat?"


"Oo, deserve mo naman." I laughed.


Lalo lumukot ang mukha niya sa sinabi ko. Hindi ata matanggap na pa unti unti ay marami na nakaka-alam na tanga siya though halos lahat naman.


"Bakit pa kayo nag-aaway? E' parehas naman kayong mga tanga." Singit ni Karina kaya parehas sumama ang mukha namin ni Sherel.


"Mas tanga jowa mo, kasi jinowa ka." Napatingin ito sa akin, sobrang sama ng tingin akala mo papatay ng tao e.


"Aguy, haha! Tanga ka raw oh." Siniko siya ni Hari, pataas taas ang kilay.


Napunta ang masasamang tingin ni Karina kay Hari, naka peace sign ang gagang Hari. "Mas tanga ka!" Bulyaw nito.


"Dinamayan ko lang kayo kahit hindi niyo naman deserve!" Ani Hari.


"Itanong mo sa red flag mong jowa," I smirked. Natigilan siya at dahan-dahan itinaas ang gitnang daliri sa akin.


"Hoy Ikaw!" Sabay turo sa akin. "Hindi ako tinantanan ni Zander sa sinabi mo, kaya pala galit na galit noong dumating sa bahay!"


"Pinagod kaba, Hari?" Sherel teased her.


Ngumisi si Hari, lumapit siya sa amin at akmang bubulong. "Ito 'yong pagod na hindi kayo makakarelate ni Miracle," Saglit ako tinignan ni Hari at ningisian.


Aba, tarantado 'to ah! Nakakasakit na siya, porket may mga bebe na kailangan kami apihin ni Sherel.


"Kawawa ka naman, Sherel." Ngumuso ako at tinatapik tapik ang balikat niya.


Inis niyang inalis ang kamay ko. "Ikaw rin naman, tanga!" Singhal niya sa akin.


Kailangan ba araw araw nila ipaalala na wala parin akong bebe? Mag hintay sila diyan pag sinagot ko na si Lander, baka pati asin ay magiging matamis pag naging kami.


"Aba, realtalkan ba tayo dito?"


Kasi kung oo, kahit mag hapon niya ako realtalkin hindi ako masasaktan kasi truth hurts.


Pagkatapos ng klase namin, napag-isipan lumabas sa classroom, gusto nila mag pahangin. Nag lakad kami sa ibang building, nakita ko si Lander may kausap na babae.


Seryoso sila nag uusap habang ito nakasandal sa railings, naka krus ang braso sa dibdib. Seryoso lang siya nakikinig sa babaeng, nakatalikod kasi ang babae kaya hindi ko masyado makita.


My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon