Chapter: 25

1.1K 13 0
                                    

"Woy, gising!" Tinapik ni Alyssa ang pisngi ni Creselia. Nakatulog siya sa table, hawak ang maruya niya.



Umangat ito ng tingin kay Alyssa sabay kinagatan ang hawak niyang maruya. "Problema mo?" Kunot noo niyang tanong. Namumula pa ang mata, halatang bagong gising ang bruha.



"Bakit parang antok na antok ka these past few days? Nag a-adik kaba?" Walang hiyang tanong ni Alyssa. Hinawakan nito ang mukha ni Creselia bago ibaba sa balikat at mabilis inalog 'yon.



Nairita si Creselia kaya agad inalis ang kamay ni Alyssa sa kan'yang balikat. "Ano ba?! 'Yong maruya ko, baka mahulog" napaismid ako bigla sa sinabi nito.



Maruya parin nasa isip amp. Walang araw na hindi siya naka focus sa pagkain. Hanggang pag tulog ata, pagkain parin nasa isip, hindi naman tumataba.



"Baka may bebe time." Singit ni Hari, nakangisi.



Nag sasabi na ng ganiyan si Hari, palibhasa may bebe na. Samantala noon, halos sa libro lang nakatingin. Ngayon, halos hindi na mabitawan ang cellphone.



Natawa ako kaya napunta ang tingin ni Creselia sa akin. "Ayieeee... Malandi kana ah.." Pang-aasar ko rito. Napasimangot siya sa sinabi ko bago muli kumagat sa maruya.



"Napuyat ako sa pinapanood ko." Sagot niya habang nanguya, hindi pa nga namin masyado naintindihan e'.



Nanliit ang mata ni Alyssa at hinampas ang braso nito. "Hindi mo ako sinabihan na manonood ka pala ng bold." napalakas pa ang sabi nito, napatingin ang iba sa kanya.



Lumakas ang tawa ko. Nabatukan agad ni Karina si Alyssa at si Hari naman napanganga lang, akala mo inosente na first time lang makarinig no'n.



"Alyssa, tigilan mo ako sa mga ganiyan, tapos na ako diyan." Ngumisi siya sa amin. "Gusto niyo.. bigay ko 'yung link?? Hakhak. Joke lang, baka umasa kayo e'." Sumandal siya sa upuan, pataas taas ang kilay sa amin.



"Shut up, Creselia." Saway ni Karina, masama ang tingin.



"Hindi na daw need ni Karina, kasi nagawa na daw nila 'yon." Saad ko. Agad ako lumayo sa tabi nito, kasi alam ko na hahantungan ko.



"Yak, kadiri, bastos!" Tinakpan ni Hari ang dibdib at tinignan kami na parang may ginawang masama. "Maawa kayo sa mga inosenteng katulad....ni Alyssa at Creselia." Sabay turo sa dalawa. Akala ko siya ang tinutukoy nito.



"Sabagay, sanay kana kasi may jowa kang red flag." Pang-aasar ko kaya sumama ang mukha nito.



"Atleast may jowa!" Inusog niya ang upuan palapit sa lamesa. "Ikaw...meron ba?" Ngumisi ito.



Napahawak ako sa dibdib ko at umarteng nasasaktan sa pinagsasabi nito. Pero deep inside, wala naman ako pake kasi may nanliligaw na sa akin at si Lander 'yon.



Pa unti-unti nakakaramdam na ako ng kilig sa tuwing kasama ko siya. Nasanay na akong nandiyan siya sa tabi ko. Parang gusto ko na siya lagi makita...pero hindi pa ito ang tamang oras para gawing boyfriend siya.



Marahil sa mata ng mga tropa ko is atat na atat na ako magka jowa pero, hindi talaga. Oo, gusto ko makahanap pero 'yung taong kaya ako tratuhin ng tama, hindi 'yung sa una lang lagi magaling.



Kung dati lagi ako nag hahanap sa mga dating apps or kaya mag hanap ng fafables sa gilid, ngayon hindi na. Siguro napagod na 'yung puso kong masaktan ulit. Gusto ko sa susunod na hahanapin ko is mamahalin na ako nang sobra. Tulad ng mga napapanood ko sa fairytale.



My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon