Wow, happy family!" Nakasalubong namin si Clark, kasama ang tropa niyang bano.
Naisipan kasi namin mag mall, kanina pa kasi umiiyak si Zena. Kaya inaya ako ni Lander na dalhin si Zena dito para hindi ma bored. Mamaya pa kasi dadating ang mommy niya.
"Hindi mo nabanggit sa amin na may anak kana pala, Miracle. Kaya pala parang kabuwanan mo na noong isang araw." Pang-aasar ni Carl, kaya nangasim ang mukha ko.
Siraulo.
Natawa ang dalawang tukmol sa sinabi ni Carl. Kaunti nalang talaga, masasapak ko na 'to. "Wala kaba magawa sa buhay mo? Gusto mo saksakin nalang kita? Hindi mo naman kasi deserve mabuhay." Inis na saad ko at hinampas ito sa braso.
"Grabe, ang sakit mo naman." Ma dramang sabi nito. Lumapit siya kay Lander at tinapik ang balikat nito. "Pre, kapapanganak lang..mukhang naglilihi na naman." Biro nito.
Tipid tumawa si Lander bago umiling. "Sorry dude, nang-gigil lang" nakisabay pa siya sa biro ni Carl kaya lalo ako napasimangot.
Kadiri talaga siya.
Lumapit ang dalawa kina Lander at nakipag apir. "Angas mo par! Malas mo lang kay Miracle." Tumingin si Clark sa pwesto ko, nang-aasar.
Tumango tango si Josh. "Oo nga, bakit siya pa? Iiyak kalang, pre." Sulsol niya sa nanahimik na Lander.
"Because..I want her, that's all." Lumipat ang tingin nito sa akin at tipid ako ningitian.
Pinakyuhan ko lang siya, dami kasing ebas e' dapat dito binabato ng ice pick. Akala niya siguro, kikiligin ako sa pinag sasabi niya.
Napa 'wooh' ang tatlo at pinalakpakan ako. Lumapit sila sa pwesto ko at pina-ikutan ako. "Grabe, haba talaga ng hair mo!" Hinawakan ni Carl ang buhok ko.
"Ang ganda, oh!" Pinaliit ni Clark ang boses niya habang hinawakan ang aking baba.
"Haba ng hair, nag rugby ka naba girl ~~" pag-kanta ni Josh, with matching dance pa sa harapan ko.
Isa-isa ko sila binatukan at sinipa ko pa si Carl. "Umalis nga kayo sa harapan ko! Kung gusto niyo pa mabuhay mga nyeta kayo!" Banta ko sa tatlo, pero mukhang hindi natakot. Tumatawa pa e'.
"Lander oh, 'yung asawa mo" Ayan na naman si Carl, nang-aasar.
Sa inis ko nasipa ko siya sa gitna niya. Nakakairita talaga siya.
"Taena mo, Miracle!" Impit daing nito habang nakahawa sa gitna niya. "Pag Hindi ako nagka-anak, susumpa kita" pananakot niya.
I smirked. "Hanap ka muna ng jowa. Wala pa nga pumapatol sa 'yo e'" pang aasar ko.
****
"Mimi, na ready ko na 'yung milk mo." Yumakap si Lander mula sa likuran ko.
Nandito ako ngayon sa garden, dinidiligan ang mga tanim ko. Nakuha narin si Zena ng Mommy niya, kaya kami nalang ulit naiwan dito ni Lander.
Bukas, dadating narin ang ilang kasambahay namin galing sa bakasyon at sunod naman sina Daddy.
"Wala naman ako sinabi na gawan mo ako" I rolled my eyes.
Mas lalo humigpit ang yakap nito sa akin at pinatakan ng halik ang aking batok. Nakaramdam ako ng kilabot nang gumagapang ang kamay nito papunta sa aking gitna.
BINABASA MO ANG
My Possessive Bodyguard (Not An Angel Series #3)
Roman pour AdolescentsNot An Angel Series#3 (Completed) Miracle Faith Presley is a hopeless romantic, pampered, mischievous, and only looks for trouble. The girl who is willing to become a sugar mommy so that the person she likes does not leave her. But practically every...