Chapter 07
Hindi mo sureSo, what if I am?
Ahhhh! Masisiraan na yata talaga ako!!!
Ilang gabi na akong binabagabag ni Pierce! Tanginang 'yan. Dapat jowa ko lang iyong iisipin ko nang ganito, e!
Ginulo-gulo ko ang buhok ko at sinubsob ang mukha sa desk. Oras ng trabaho pero para akong tanga na masyadong pre-occupied.
"Hoy."
Ilang araw rin akong hindi nag-open ng social media accounts ko. Ni hindi rin ako nag-re-reply sa mga texts nina George. Last na usap at kita namin ay noong nanggaling pa kami sa boutique. Even Marion kept contacting me and asking if I was doing well.
Hindi ko nga alam if I'm doing well. For sure, mga nag-aalala na silang lahat.
"Hoy, Guia."
Kasalanan itong lahat ni Pierce. Malandi siya. Mas malandi pa siya sa'kin. Hanep.
Cooperative naman ako pero 'di ko trip iyong may sabit!
"Hoy, tanga!"
"Ay, tanga ka!" Napaayos ako ng upo sa gulat.
Nakarinig ako ng halakhak. "Ang lutong no'n, ah."
Agad akong napatingin sa papansin na nanggulat sa akin. Lewis sat on the chair in front of my desk. Pinitik niya na naman ang noo ko. Tinampal ko naman agad ang kamay niya at hinimas ang noo ko. Ang sakit no'n, ah.
"Bakit ka ba nanggugulat, ha?"
"Ang dami kayang trabaho!" Nguso niya sa mga papel na nagkalat sa desk ko. Para sabihin ko sa kaniya, kalahati diyan, matatapos ko na!
"Epal ka, nag-ta-trabaho naman ako, 'no! Alis nga!" I shoved his face away. He laughed again while getting up.
"Lunch?" Tanong niya nang makatayo. Tiningnan ko lang siya.
"Uuwi ako. Shoo," sabi ko at hindi na ulit siya tinapunan ng tingin. Umalis na rin naman siya after messing my hair even more. Inis tuloy akong nag-ayos ng buhok. May mga hibla pang nagbuhol. Ugh, kairita.
Pumasok kasi ako kaninang nakalugay dahil wala ako sa huwisyo. Hindi ko na naisip na itali ang buhok ko. Grabe. Hindi na 'to healthy. Ayoko na.
My phone vibrated in my pocket. Tiningnan ko kung ano ito.
Franklin Lim
Good morning. Just wondering if you're free this afternoon?Napabuntong-hininga ako. Ano na naman kaya ito? At bakit palagi nalang niya nasasaktuhan na day-off ko or mag-ha-half day lang ako? May radar ba siya? Stalker ko ba siya? Hacker ba siya? Maysamaligno ba siya?
Morning, Engr. What is it about?
Franklin Lim
Kuya Yugo asked if we could be the one to pick their wedding rings.Napakunot ang noo ko. Hindi ba dapat iyong ikakasal ang pipili no'n? Malay ko ba sa mga singsing!
I heaved a deep breath before dialing Frank's number. Ang hirap mag-usap sa text tapos hindi pa kumpleto kung sumagot. Ayoko talaga nang paliguy-ligoy, naiinis ako. Pakiramdam ko pa ay gusto niyang pahabain ang palitan namin ng text messages. Hay nako. Pwede naman kasing sabihin nalang nang buo sa isang text ang pakay niya. Napaka-vague.
"Hey," bati niya.
"Why should we be the one? 'Di naman tayo iyong ikakasal," sabi ko agad.
"They want to be surprised. Tayo rin naman ang assigned doon, tama? Iyon ang sabi sa akin ni Kuya."
BINABASA MO ANG
Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)
General FictionGuia Figueroa is a journalist in distress who makes dating a sideline. For her, different romantic involvements are not a waste of time. And she does not believe in the concept of 'date to marry'. Hindi big deal sa kanya ang kumilala ng bagong tao...