Chapter 16
First
"Kamusta ka ngayon?"
I felt Pierce's eyes glanced at me as he was maneuvering the steering wheel nang marinig niya akong magsalita sa kausap ko sa phone. It's been two days since we became official. Sa tuwing naaalala ko ay kakaibang kilig at saya ang nararamdaman ko. I can't find regret in my system for saying yes to him. Maybe because I was really hooked and swooned.
Papunta kami ngayon sa condo niya. Iyong sasakyan ko ang dala namin dahil pinakuha niya sa kaibigan niya iyong kotse niya sa condo ko kahapon. Dala ko na lahat ng gamit na iuuwi ko sa probinsya. Sa condo na ako ni Pierce tutuloy pansamantala hanggang sa makauwi kami sa province.
Isa pa, mas safe ako kapag kasama ko si Pierce, pakiramdam ko walang mangyayari sa'king masama.
"Okay lang, nasa condo lang ako palagi at lumalabas lang kapag importante," sagot ni Lewis. Napatango ako kahit hindi niya ako nakikita. Sa kabila ng takot ay hindi tumigil si Lewis sa pagtulong sa akin sa mga Morales. I even suggested na magpahinga muna siya o kaya ay iba muna ang pag-trabahuhan niya.
"Wala ka na bang natatanggap?" I asked vaguely about the threats. Ayaw kong marinig ni Pierce ang usapan namin ni Lewis. Ayokong maghinala siya na may problema ako. 'Di ko pa kayang sabihin.
"Wala naman pero noong isang gabi ay nakatanggap ako ng email na picture ng harapan ng condo ko," sagot niya. I bit my lower lip when I heard the exact thing coming from his mouth which also happened to me.
"Guia, mag-iingat ka, please. Kung may mangyari man sa akin..." I cut him off.
"Walang mangyayari sa'yo, Lewis," mariing sabi ko. This time, nakuha ko na ang buong atensyon ni Pierce. He pulled over to the side and faced me. Napatingin din tuloy ako sa kaniya at umiling lang.
"Kilala natin sila, Guia. Mga demonyo sila. Kaya siguradong may binabalak sila."
"I know that. Just... Just stay in your place, okay? Never answer unknown calls nor texts. Magpahinga ka muna from work," payo ko sa kaniya. Rinig ko ang mabibigat niyang paghinga.
"Okay..."
After another round of convincing him to rest and let me take care of things, we ended the call.
Ramdam ko pa rin ang bigat ng titig sa akin ng boyfriend ko. Boyfriend... The thought put a smile on my face.
"What's wrong? That was your friend, right?" Hindi ko iniwas ang tingin sa kaniya bago tumango. Hindi ko rin pwede iiwas ang topic dahil makakahalata siya.
"Yeah... You know how media works," I airily said with a shrug, low-key trying to convince him that everything's under control. Saglit pang tumagal ang titig niya bago siya huminga nang malalim at nagpatuloy sa pag-da-drive.
45 minutes ang layo ng condo namin sa isa't isa. Mahigit isang oras din pala ang i-binyahe niya nang magpunta siya sa'kin. Nang makarating kami roon ay agad niyang inayos iyong gamit ko sa extra room niya. Habang ako naman ay inilibot iyong paningin sa pad niya.
His condo was spacious than mine. Oh, well, it's a bachelor's pad after all. Hindi na nga rin ako masusurpresa kung nasa penthouse siya, e. Naupo ako sa sofa niya na kulay grey. The walls were in a mixture of chocolate brown and navy blue. Nagkalat rin ang amoy niya sa loob. In short, ang bango ng condo unit niya. Parang ang saya tuloy i-vacuum ng amoy ng unit niya tapos iuuwi ko sa unit ko para ikalat.
Maya-maya pa ay lumabas siya sa guest room. "I fixed the bedsheets. You can take a shower na, babe," pag-inform niya sa akin. Tumayo ako at naglakad papalapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)
General FictionGuia Figueroa is a journalist in distress who makes dating a sideline. For her, different romantic involvements are not a waste of time. And she does not believe in the concept of 'date to marry'. Hindi big deal sa kanya ang kumilala ng bagong tao...