Chapter 20

50 12 28
                                    

Chapter 20
Trust


"I really thought he was your boyfriend," bulong sa akin ni Pierce nang bumaba mula sa sasakyan niya si Frank. Dumating na sila kaninang umaga at ngayong hapon ay naisipan nilang bumisita rito bukod sa pag-imbita nina papa Jonathan sa kanila.

"Assumero ka kasi," asar ko sa kaniya. Natawa naman siya at hinigpitan nalang ang hawak sa kamay ko saka nanahimik sa tabi ko. Buti hindi niya ako inasar na assumera rin dahil inakala kong mag-jowa sila ng Ate niya.

Nasa balcony kami ngayon ng bahay ni papa Richard na tanaw ang gate. Kasama namin sina Madie rito pati sina Miss Eliana and company. Sobrang himala nga dahil ngayon palang ay nandito na sila Madie at Caleb. Eh busy sa med school si Madie tapos sa residency si Caleb. Goals talaga nilang dalawa.

"Gwapo ni Frank, oh," pagpansin ni ate Kei kay Frank na kasalukuyang nagmamano sa mga tito namin. Nakasuot siya ng white polo shirt at blue cargo shorts. Aaminin kong malakas nga ang dating niya pero tapos na ako sa pagiging interesado sa kaniya.

"Balita ko, you two dated before?" Bulong ulit ni Pierce sa akin. Kanina pa siya bumubulong. Napapakunot tuloy ang noo ko dahil sa ginagawa niya.

I leaned closer to him and whispered back without breaking the stare I have on my family as they welcome the Lim's. "That was all in the past. And we didn't date."

"Buti nalang hindi kayo nagkatuluyan, 'no?" Biglang asar ni kuya Rocky na kakalabas lang mula sa bahay nila, magkahawak-kamay sila ng asawa niyang si ate Monica. Tinaasan ko siya ng kilay at nakatanggap din siya ng kurot kay Ate. Hah, buti nga.


"Paano ba 'yan, si Frank nalang ang single!" Pang-aasar no'ng pinsan ni kuya Yugo. I don't know any of them aside from Frank dahil na-link kami sa isa't isa. 

We were now having a merienda sa garden. Kaming mga millennials lang ang nandito dahil ang mga tanders ay nag-usap na ulit sa bahay nina papa Richard. Naka-upo lang kami sa Bermuda grass. May limang malalaking blanket na nakalatag na siyang inuupuan namin at pinagpapatungan ng mga pagkain.

"Shut up, Kuya," asar na sagot ni Frank saka diretsong uminom sa fresh buko juice niya. Nakita ko pa siyang napasulyap sa akin pero hindi ko na pinansin. Mukha ring nakita 'yon ni Pierce dahil humigpit ang hawak niya sa kamay ko na kanina niya pa 'di binibitiwan. Malapit na ngang mamawis ang palad ko.

Tumayo ako para mag-CR sana pero nahila ako pabalik ni Pierce. "Where are you going?"

"CR lang, babe," paalam ko tapos hinalikan siya sa pisngi. Nakarinig naman ako ng mga kantyaw mula sa mga pinsan kong lalaki kaya inirapan ko lang silang lahat. Palibhasa hindi sanay na makita akong ganito dahil first time kong may pinakilala. Nagpapasalamat lang ako na hindi pa nila nilalasing si Pierce.

"Sama," biglang sabi ni Pierce bago niya ako tuluyang bitiwan. He was pouting. Natawa ako at ginulo ang buhok niya. "I'll be back shortly," sabi ko.

Binigyan ko ng makahulugang tingin si George saka ako naglakad papaalis ng garden. Mabilis lang akong nakarating sa bahay at agad pumanhik sa kwarto ko. Hinanda ko iyong ipapakita ko sa kaniya.

Hindi ako naghintay ng matagal at narinig ko ang boses ni George kaya pinapasok ko agad siya sa kwarto.

She sat on the bed kaya sumunod ako roon dala ang laptop ko.

"Take a look at this," sabi ko at ibinigay sa kaniya iyong laptop. Agad kong nakita ang pag-awang ng bibig niya nang makita ang picture na pinandala ng unknown sender sa akin. Then, her eyes shifted to me.

"Kailan lang 'to?"

"Yesterday noon. I called Lewis. Sinabi ko na sa kaniya 'yan. At sabi niya, may nalaman na naman daw siya. I seriously can't take this anymore, George. Iba na ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay dapat na talaga tayong matakot."

She inhaled deeply and stared at the photo. "No, Gigi. We'll never give them what they want. I think the battle has just begun," seryosong sabi niya saka ako sinukat ng tingin.

"George? Gigi?"

Mabilis na sinara ni George ang laptop ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon sina Stan at Pierce. My boyfriend was eyeing me curiously and his eyes drifted from me to the laptop. Napalunok ako at napatingin kay George. I know she's also worried that our boyfriends would inquire more.

"What were you two doing?" Pag-usisa ni Stan samantalang nakatingin lang sa akin si Pierce. Alam kong naghihinala na siya. After all, he knew I was shot before. So, I think na-conclude na rin niya na nakaka-receive din ako ng threats. It's that easy to put two and two together.

"We were just checking on some emails, babe," sabi ni George kay Stan. Gusto kong makahinga nang maluwag nang makita ang pag-amo ng mukha ni Stan but my boyfriend's stare was too intense.

Matapos ang ilang segundo ay inilapag ni George sa kama ang laptop ko at nagpaalam sila ni Stan sa amin. Before they even got out, George nodded at me, her eyes saying I got this. I just gave her a small smile and mouthed my thanks.

God, what would I do without George...

Nalipat ang tingin ko kay Pierce na nakatayo pa rin malapit sa may pinto. He didn't even budge, neither did he break his gaze on me. I was now seeing another side of him and I don't know what to make of it.

"Pierce," I called his name. Para naman siyang natauhan at napabuntong-hininga saka naglakad papalapit sa akin. He sat on the space beside me and held my hand.

"Do you want to tell me about it?"

Nagulat ako sa naging tanong niya dahil akala ko ay didiretsuhin niya ako at sasabihing alam niyang may tinatago ako sa kaniya.

"You're... You're not mad at me?"

He sighed again and squeezed my hand. "I'm trying to understand. I know I told you it's okay if you're not ready to tell me things, but I also want to feel included in your life, Guia. Because right now, I feel like I'm still a stranger... That I'm not trustworthy enough for you to tell me what's in your mind—of what's going on in your life," mahabang sabi niya na halata ang sakit sa boses. I couldn't help but feel guilty. Sumisikip ang dibdib ko habang tinitingnan ko siya ngayon.

My hand moved to reach his face. I caressed his cheek using my palm. "Pierce..." I don't know what to say. Alam ko naman na iisipin niya iyong ganito. But I'm only protecting him. I don't want him to worry that much about me.

"Relationships should also be built on trust, Guia. Of all people, you should know that. I trust that you'll do what you think is right. But please don't forget that I'm here for you. You are not alone," he added and gently pulled me in for a hug.

Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko tanda ng nagbabadyang mga luha. I embraced him tightly, afraid that I'll lose him.

And right there, I knew...

What ate Raia was talking about. It only strengthened my resolve on setting things right.

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon