Chapter 14

64 15 62
                                    

Chapter 14
Sleep


Nasa kalagitnaan na ng April at two weeks nalang ay uuwi na rin ako sa probinsya para sa kasal. Almost two weeks na ring nanliligaw si Pierce. 

Ngayong araw ba-byahe sina George at Stan. They used George's car dahil mas protekado sila roon. I told Stan to update me every hour at kung kamusta si George. Nasabi ko na rin kina ate Raia, at next week ay sila naman nina ate Kei at Madie kasama sina kuya Yugo, Caleb at kuya Evan, ang luluwas pa-probinsya.

I couldn't help but be guarded at all times. Ni hindi na rin muna kami nagkikita ni Pierce. He was also busy with their company. Nag-cha-chat naman kami sa isa't isa and he would always tell me his whereabouts. Sapat na iyon. As much as possible ay ayaw kong madamay siya o malaman niya ang mga nangyayari sa'kin.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit hindi ako nakatanggap gayong ako iyong mas malala kung mang-atake sa kanila. George was being discreet and I was the one being bold pero bakit... bakit hindi nalang ako?

Posible bang sapat na iyong threats na natanggap nina George at Lewis para takutin ako? Tingin ba nila matatakot ako sa ganoon? They're quite right about that because it really affected me.

I'm not scared of dying. I'm not scared for myself. Pero takot ako para sa pamilya ko at sa mga taong mahahalaga sa akin. Never mind my demise, but what I couldn't afford to happen is to grieve for my loss.

Minsan naisip ko na sana pala hindi ko 'to pinasok. Pero agad ko ring naiisip na kung walang maglalakas ng loob, habambuhay nalang ba naming hahayaang mabuhay sa kasakiman at takot?

I am very much aware of how filthy media could get. Noong lumabas iyong press con ay nakakapagtakang wala iyong part na nagtanong kami ni Lewis. Akala ko ba ay live? Bakit? Natatakot sila sa iisipin ng publiko? Dahil baka maniwala sila sa amin at once na mapatunayang guilty nga sila? Kaya ba? 

Hindi ko maiwasang magalit. Alagad ng katotohanan at boses ng bayan, magpapadala sa kapangyarihan ng pera? This world is really frightening...

Just like what I told George last week, Lewis was now working from home. I check on him from time to time. Kinuha ko rin iyong contact ni Atty. Esteban, iyong babaeng nadatnan ko nang magpunta ako kay George noon.

I started writing articles. Ginugol ko ang buong maghapon ko sa pagsusulat. I also opted to just work in my condo dahil dito ko rin ramdam na ligtas ako. Kada lalabas naman ako ay ipinapa-check ko sa kaibigan ni Pierce iyong sasakyan ko. Nabanggit kasi sa kaniya ni George one time, na nakatanggap ako ng death threat so, he insisted na dapat may daily check-up iyong sasakyan ko dahil baka mamaya ay na-tamper na pala iyon tapos gagamitin ko. I really appreciate his concern. Paano nalang kung walang Pierce sa buhay ko baka...

Ayokong isipin. Ang mahalaga ay nandito na siya.

Kinagabihan ay nagbukas ako ng email. And what welcomed me was a mail from an unknown sender. 'Di ako nag-atubiling buksan iyon. Halos malaglag ang puso ko nang makita ang tapat ng condo building ko. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Iyon lang ang nakalagay. A picture of the condo.

Nang mapataas ang tingin ko sa bandang 7th floor ay para akong tinakasan ng dugo nang makitang bukas ang ilaw ng unit ko. It was like, it was taken just now.

Dahan-dahan tuloy akong naglakad papunta sa switch ng ilaw para patayin ito at tanging lampshade lang sa may kwarto ko ang bukas saka ako sumilip sa malaking bintana na nakaharap sa labas ng tower.

There was no one suspicious. Gising pa rin ang halos lahat ng tao. Any of them could be the sender.

Napaatras ako. I immediately went to my phone saka pumasok sa kwarto. I began dragging my things in a big mallet. Inilagay ko ang mga mahalagang dokumento, ang laptop ko, ang mga pinag-trabahuhan ko, at mga damit ko.

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon