Chapter 36
Lewis and George
"Where's George?" Nakangiting tanong ko sa kanilang lahat.
My family's here, even ate Raia and kuya Yugo na mukhang tapos na ang honeymoon. Stan is here. And of course, my boyfriend is here. But the most important person for me was missing. Saan kaya nagsususuot 'yong babaeng 'yon? Nakakatampo! Gising na ako tapos hindi man lang ako binisita?! Grabe!
Napakunot ang noo ko nang pasadahan ko silang lahat ng tingin. "Bakit ganiyan mga mukha niyo?"
Para naman silang mga natauhan. Unang nakabawi si ate Raia at agad akong nilapitan. She caressed my hair and gave me a soft smile. "Nasa trabaho si George, Gigi. Bibisita rin 'yon sa'yo, kaya sana 'wag kang magtampo sa kaniya," sabi ni Ate. She was careful around me—no, everyone was careful around me as if I would break anytime once they acted roughly.
Sa lahat ng nangyari at nangyayari, I don't think there's a thing that would break me even more. I mean, I'm conquering the world, may dapat pa ba akong mas ikawasak?
"Okay. Pupuntahan ko nalang siya 'pag nakalabas na ako dito," sabi ko nalang saka ngumiti. Ngumiti rin naman sila sa 'kin pabalik. I caught Madie wiping something on her eyes. Puwing? Pero enclosed space naman saka nakasara ang bintana ng hospital room ko. Imposible namang umiyak siya kasi bakit siya iiyak, e, gising naman na ako? Nagsasabi naman siya sa 'kin kapag may problema siya. Or baka masaya lang talaga siya na gising na ako? Tears of joy siguro?
Ipinagkibit-balikat ko nalang at hinayaan ang sarili kong malayo sa mga isipin. I still need to stay here for a few days. Hindi pa magaling 'yong tama ng baril pero hindi naman na siya gaanong makirot kaya kaya ko na gumalaw. Kailangan ko nalang talaga magpahinga at magpalakas.
Dito silang lahat nag-lunch pero after din ay mga nagpaalam silang lahat. Buti nalang din 'di sila nagalit sa katangahan ko. I finally told them the peril of my work. From the biggest down to the littlest details. Nakatanggap ako ng pangaral mula kina Mama at sa mga tito at tita ko pero okay lang dahil alam kong nag-aalala lang sila sa akin. Hindi naman kasi talaga biro 'yong mga nangyari at nangyayari.
Stan was acting weird, though. I knew he was the silent type but his silence right now was disturbing. Does he have a problem?
"Babe," I called Pierce who was now slicing apples for me. Tiningnan niya lang ako saglit pagkatapos ay pinagpatuloy ang paghihiwa. "What is it?" He replied without looking at me. He's also acting weird, ha.
"May problema ba si Stan? May problema ba sila ni George? He was acting strange."
Napakunot ang noo ko nang makitang natigilan siya sa tanong ko. Ilang segundong lumipas saka lang siya nabalik sa paghihiwa ng mansanas. "Wala naman siyang nababanggit."
"Sure ka?" Tumango lang siya nang hindi pa rin ako tinitingnan. I shrugged.
"Okay, I'll ask George nalang. I'll call her now," sabi ko at aabutin na sana ang phone ko nang pigilan niya ako. Agad napataas ang kilay ko sa akto niya.
"Kumain ka muna. Unahin mo muna ang sarili mo," seryosong saad niya saka tinusok ng tinidor ang isang piraso ng mansanas. Itinapat niya 'yon sa labi ko. Napanguso ako bago tanggapin ang prutas.
"Ang weird niyong lahat, ha," puna ko habang ngumunguya. "Is everyone really mad at me for what I did?"
Napabuntong hininga si Pierce saka inilapag sa table sa gilid ng kama ko ang pagkain. Umupo siya sa kama. Then, he faced me and gently lifted my hand, clutching it close to his chest. "We're not mad at you, babe. We're being careful because we don't want you to be stressed," malumanay na sabi ng jowa ko.
BINABASA MO ANG
Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)
Fiksi UmumGuia Figueroa is a journalist in distress who makes dating a sideline. For her, different romantic involvements are not a waste of time. And she does not believe in the concept of 'date to marry'. Hindi big deal sa kanya ang kumilala ng bagong tao...