Chapter 37

46 12 23
                                    

Chapter 37
No turning back

Dumaan ang dalawang araw na wala pa ring Lewis na nagpapakita. Natatakot ako na baka tinotoo na nga niya ang balak niya.

The Lewis I know wouldn't annihilate someone. But do I really know him? The real him? Nagugulat na nga ako sa kung paano siya kumilos at magsalita sa harapan ko ngayon. Paano pa kaya kung nakatalikod ako? Hindi ko alam kung ano ba ang kaya niyang gawin.

"Guia..."

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Celise. Siya ang nagbabantay sa akin ngayon. Pierce had to fulfill his duty as the CEO of his Automobile company, naipasa na 'yon sa kaniya noong isang araw. For sure ay marami siyang dapat asikasuhin kaya naiintindihan ko siya. Ayaw niya sanang iwan ako pero sinabi ko na ayos lang naman at magkikita naman kami kapag pwede siya. 

Dinadalaw ko rin si George pero kapag tapos na akong i-check ni Caleb. He was one of my doctors. Minsan pa ay kasama niya si Madie. Sa isang araw ay pwede na raw akong makalabas. Wala na rin akong nararamdamang kirot sa may tagiliran at likuran ko pero kailangan ko pa ring mag-ingat dahil hindi pa ganoon kahilom ang sugat.

"Ano 'yon?" Nakangiting sagot ko sa kaniya. She averted her gaze.

"I don't know if you would like this, but..." She trailed off. Then her hand reached for the remote control of the television and turned it on. Agad bumungad sa akin ang channel ng broadcasting company namin.

Nanigas ako sa kinauupuan nang mabasa ang headline at makita ang isang crime scene. Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong pagkatao ko.

Putangina.

Please...

Someone please tell me this isn't true!

"Katawan ng isang journalist na nakilala bilang Fiona Hernaez, natagpuang walang buhay sa kaniyang condo unit pasado alas dose ng hatinggabi. Walang nangyaring pamamasok at mag-isa lamang ang biktima sa silid. Ayon sa police report, ito ay isang kaso ng suicide," panimula no'ng reporter.

Hindi na ako mapakali. Wala nang pumapasok sa utak ko kundi ang sinabi niya. Fiona... is dead.

Kailangan kong makausap si Lewis dahil mababaliw na ako. Tangina, anong ginawa niya?! Paano niya 'yon nagawa?! Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng media at ng mga pulis!

Nasulyapan ko si Celise na ngayon ay may multo ng ngiti sa labi. Nagsalubong ang mga kilay ko sa nakikita kong ekspresyon sa mukha niya. She doesn't look bothered at what was unfolding before us.

"Watch it 'til the end, Guia," sabi niya habang mariing nakatitig sa TV na nagpatindig ng mga balahibo sa batok ko. She sounded like Lewis, but twice terrifying. It was like, I was seeing his girl version, but worse.

"You'll love it," dagdag pa niya. Parang may sariling utak ang mga mata ko dahil sinunod ko ang sinabi niya at halos takasan na ako ng katinuan nang makita si Shawn Morales, ang bastardong anak ni Victor na umiiyak at sinisigaw ang pangalan ni Fiona.

Pucha.

Suddenly, I feel like the world was spinning. Hindi ko na alam. Everything was too much. I couldn't breathe...

Pinilit kong tatagan ang sarili ko. Pinilit kong huwag munang iproseso ang mga nakita dahil makakaabala 'yon sa mga dapat ko pang pagtuunan.

I tried to calm my senses and ask the question I've been dying to know the answer.

"Who are you?"

Tiningnan niya lang ako. For a moment, I saw a glint of mischief playing in her eyes but it was instantly masked with nothingness. "I'm someone you don't want to mess with."

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon