Chapter 11

71 15 67
                                    

Chapter 11
Home

"I genuinely like you."

A gasp escaped my lips when I heard him confess. Ang mga kamay kong hihiwain na sana iyong natirang kalahati ng burger ko ay nabitin sa ere. Did I hear him right? 

I searched his face for something, maybe trying to see his micro expressions. I even scrutinized the way he squints. Tutok ako sa ginagawa nang magsalita muli siya. 

"I wouldn't say that I want to make sure you also want to be in a relationship with me and make it last a lifetime if I have no feelings for you, Guia. I know it's a bit early to feel like this, but I'm certain. I'm not just someone who flirts whoever he wants."

Napatitig lalo ako sa kaniya nang naninimbang. He really likes me? As in, gusto? Hindi lanng pangharot? I honestly thought it was just attraction... Or maybe that's just my interpretation of flirting around: being attracted to the person and wanting to date them. But it's still too early for him to say that. Pati nga ang pagsasabi niyang gusto niyang masiguradong game ako hanggang sa huli... 

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Dapat masaya lang ako pero nagtatalo ang mga emosyon ko ngayon.

"I want you to be my girlfriend, you know... Although it's fine if you don't want to be in a long-term relationship with anyone. But I'm afraid that I can't be that person for you if that would be the case because we want two different things. I want it to be for life..."

***

Hindi ko alam kung bakit feeling ko gusto kong maiyak sa tuwing iniisip ko ang naging pag-uusap namin. It's been a week after the talk and his confession. He would still chat me if he has time. Pero bihira rin naman. Palaging siya iyong nauuna at nag-re-reply naman ako kapag tingin ko'y kailangang reply-an. 

Ang lungkot lang kasi hindi pa nagsisimula pero parang natapos na kaagad... Kaya sa mga sinabi niya noong gabing iyon ay nagmuni-muni ako. 

Gusto ko na ng jowa.

Attracted ako sa kaniya.

Gusto ko siyang maging jowa.

Pero baka hanggang doon lang 'yon...

Baka attracted lang ako. Baka kagaya sa iba ay magsawa rin ako sa kaniya.

Sumikip bigla ang dibdib ko. Ayoko mangyari 'yon. Parang hindi ko kayang isipin na gano'n ang mangyayari sa amin. Pero kasi kilala ko ang sarili ko. Palagi akong dumarating sa ganoong punto.

I curled like a ball on my bed. Tanging lampshade ko lang ang bukas. Wala akong mapagsabihan. Never naman akong nagsabi unless hindi ko na talaga kaya. 

My cousins and best friend also have something going on. For sure ay busy si ate Raia sa kasal. Si George, sa trabaho. Si Madie, sa med school. Si ate Kei naman, busy rin iyon sa business naming pamilya at sa paghahanda ng mga gamit ng magiging first baby nila ni kuya Evan.

Binuksan ko iyong phone ko. My finger automatically directed me to our message thread on Instagram. The last chat was mine. Na-seen na niya iyon.

Napahinga ako nang malalim. 'Di ko na alam ang gagawin.

Pero isa lang ang sigurado ako ngayon.

Nasasaktan ako.

I exited the app and decided to sleep the pain off.

The next day, naglalakad na ako sa may lobby nang mapahinto dahil sa familiar na built ng katawan. He was wearing casual clothes again. A red oversized shirt, jeans, and white Nike sneakers. Ang gwapo niya sa suot niya. Simple pero ang lakas ng dating. May suot ulit siyang specs at mukhang ang lambot ng buhok niya dahil sa mga kakaunting hibla na nakaladlad na medyo sumusundot sa glasses niya. Nakatagilid siya mula sa pwesto ko.

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon