Chapter 32
RiddleIsang araw matapos ang celebration ng kasal ay nagpaalam ako sa kanilang lahat, actually kami nina Pierce, Madie, Caleb, Stan, kasama ang mga kaibigan nina ate Raia na babalik na ng Manila. Iyong mga kamag-anak naman ni kuya Yugo ay nauna na umalis kahapon.
On leave ang bagong kasal para sa kanilang honeymoon kahit na gumawa raw sila ng beach baby ayon kay ate Raia. Napapailing nalang ako kapag naaalala ko ang eksena no'ng umagang 'yon. Buti nalang at naawa sila sa'kin at hindi na ikinuwento ni Ate ang buong detalye.
Ngayon ay lima kaming nasa kotse ko. Buti nalang at nagkasya sina Stan sa likod. Noong bumyahe kasi sila pauwing probinsya ay sumakay sina Madie at Caleb sa SUV ni kuya Evan, e naiwan sila ngayon nina ate Kei sa compound kaya sa akin na sila sumakay pabalik. Convoy ulit kami nina ate Eliana.
Naalala ko pa ang usapan namin ni George bago kami tumulak.
"You sure you're gonna go back?" Tanong niya sa akin. Napabuntong-hininga ako.
"Wala akong choice. Isa pa, kailangan ko talagang bumalik para tumulong sa paghahanap kay Lewis," sabi ko sa kaniya. Ever since the wedding, wala pa akong natatanggap galing kay Lewis. Nababahala man ay pinanghawakan ko pa rin ang sinabi niyang ligtas siya. At gusto ko rin na malapit ako sa kung nasaan man siya para mabilis ko siyang mapuntahan kung maaari.
"'Di ba talaga ako pwedeng sumama?"
"Kapag may balita na, susunduin kita rito," sabi ko sa kaniya. Ilang sandali pa ang itinagal ng pag-uusap namin hanggang sa magyakapan kaming dalawa.
"Mag-ingat kang gaga ka, 'pag may nangyari sayo, hahampasin talaga kita," banta niya. Natawa nalang ako at niyakap ulit siya. Wala namang mangyayari sa akin dahil hindi ko 'yon hahayaan lalo na ngayon na marami na akong alam.
"Walang mangyayari sa'kin, promise."
Nabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Madie. "Beh, drive thru tayo," sabi niya. Magdadalawang oras na mula nang umalis kami.
"Sa'n niyo gusto?"
"Wala tayong choice kundi mag-fast food," sabi ni Stan. I looked at the person beside me. Nakangiti siya sa akin.
"I want Jollibee, babe," parang batang sabi niya. Natawa sa kaniya sina Caleb at napailing nalang ako habang tinutungo ang daan.
Maya-maya pa ay nakabili na kami ng pagkain sa drive thru ng Jollibee as what Pierce requested. It was lunch time at siguradong madaling araw na kami makakarating. Pierce was feeding me while I was driving. Sabi niya kanina ay siya naman ang mag-da-drive kapag nakalapag na kami sa Batangas. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil gusto ko ring magpahinga at tingnan ang email ko o kaya kung may text ba si Lewis.
Naging mabilis ang byahe. Ganoon siguro talaga kapag pabalik ka sa pinaggalingan mo, nagiging mabilis ang takbo ng oras at 'di mo na namamalayan.
Pag-akyat namin sa barko ay kinuha ko na ang pagkakataon na magpahinga. I was leaning against Pierce's shoulder habang nakaakbay siya sa akin at nakapatong ang ulo niya sa ulo ko.
Hindi ko na muna pinansin ang mga kasamahan namin at natulog. Nagising lang ako nang maramdaman ang mahinang yugyog sa balikat ko at ang malambing na boses ni Pierce.
"Malapit na tayo sa pier," sabi niya sa akin. Ngumiti siya at inayos ang buhok ko. Pinilit ko namang gisingin ang sarili pero para bang kulang na kulang ako sa tulog at pagod na pagod ang utak ko. Kaya sa huli ay nakatulog ulit ako sa braso ni Pierce.
"Salamat sa paghatid, Pierce. Ingat kayo."
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Madie ganoon din ang kay Caleb saka ang pagbukas at sara ng pinto ng kotse. Agad kong ibinaba ang bintana at tinawag ang pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)
Ficción GeneralGuia Figueroa is a journalist in distress who makes dating a sideline. For her, different romantic involvements are not a waste of time. And she does not believe in the concept of 'date to marry'. Hindi big deal sa kanya ang kumilala ng bagong tao...