Chapter 23

43 11 32
                                    

Chapter 23
Danger


Lumipas ang mga araw, lalong naging malapit ang loob ng pamilya ko kay Pierce. Nagkasundo lalo sila ng mga pinsan kong lalaki dahil sa kotse. They discovered that my boyfriend owns an Automobile Company. At ngayon nga ay magkakasama silang naglilinis ng mga kotse. 

Pierce wanted to clean mine at hinayaan ko naman siya. Kasalukuyan akong nanonood sa kanila sa 'di kalayuan. Nagluluto kasi ng lunch sina Madie at George habang si ate Kei at kuya Evan ay nagpunta muna sa isang maternity clinic.

Ate Raia was bonding with her friends, lumabas silang lima habang ang mga magulang naman namin ay busy sa kaniya-kaniyang trabaho. Sina ate Monica at ate Mariane naman ay namalengke for dinner. Kaya halos kaming magpipinsan lang talaga ang natira. Mga naka-leave ba naman lahat for work.

Hindi napapansin nina Pierce ang presensya ko kahit na kitang-kita naman ako sa pwesto ko. Napapailing nalang ako habang pinanonood sila. They were obviously talking about stuff that only them could understand. Men...

"I called some of my cousins to join us for lunch," sabi ni kuya Yugo.

"Yown! Parating na raw ba?"

"Hindi pa naman siguro."

"Bilisan na natin para naman pagdating nila ay hindi tayo abala."

May hawak ngayong hose si Pierce. Busy pa rin ulit sila sa kanilang confab kaya naisipan kong manggulo dahil sobrang bored na ako sa buhay.

Nang ilang metro nalang ang layo ko ay biglang humarap sa akin si Pierce na parang nagulat dahil tumaas iyong mga balikat niya at mas nagulat siya nang matapat sa akin iyong hawak niyang hose dahilan para mabasa ako. Agad niya itong iniwas matapos ang mag-mura at dinaluhan ako. He was trying to wipe the waters on my face.

"Babe, I'm sorry! Fuck. Wait, let's get you home," tarantang sabi niya.

Narinig ko ang halakhak ng mga pinsan ko kaya dinampot ko iyong hose at itinapat sa kanila. "Mga epal kayooo! For sure nakita niyong palapit ako kaya ginawa niyo 'yon!"

"Babe!" Tawag ni Pierce. Hindi ko siya pinansin. Shuta, ang gandang umaga!

Tumawa ulit sila. "Bakit kami? Si Pierce ang may hawak ng hose!" Pag-depensa ni kuya Rocky. Pinatay ko iyong hose saka ko ito hinagis papunta sa kanila.

"Mga bwisit," sabi ko saka nagsimulang maglakad papunta sa bahay. Ang bigat ng katawan ko dahil sa nabasang damit.

"Hoy, Gigi, biro lang!"

Narinig ko naman ang mabilis na mga yabag ni Pierce na sinusundan ako.

Malakas ang kutob ko na ako ang pinag-uusapan nila kaya ganoon nalang iyong gulat ni Pierce nang mapalingon sa akin. Akala naman nila hindi sila halata. Napasimangot tuloy ako dahil sa pag-iisip kung anong posibleng pinag-usapan nila tungkol sa'kin.

"Guia," he called me again.

"What?" Asik ko nang hindi siya nililingon. Paakyat na ako ngayon sa kwarto. Nilalamig na ako dahil sa air con sa bahay tapos basang-basa pa ako at ang bigat ng damit ko. Wala ako sa mood para mag-sport ng wet look.

"I'm sorry."

"It's fine, Pierce. Maliligo lang ako."

Mabilis lang akong naligo at nagbihis ng maroon knitted loungewear. Potek, bigla talaga akong nilamig, e. Mga gago talaga iyong mga pinsan ko. Kainis! 'Pag ako nagkasakit! Recently pa naman ay madalas na akong magkasakit. Ewan ko ba, baka sa stress at pagod na rin sa mga nangyayari.

I went to my vanity table at saka iniayos iyong blower ko para tuyuin ang buhok.

Pati tuloy katawan ko parang gusto kong i-blow dry...

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon