"Gusto ko na ng jowa."
Tinaklob ko sa mukha ko ang unan ko at hindi gumalaw sa pagkakahiga ko sa kama.
Jowang-jowa na kasi talaga ako, sa totoo lang, kaso parang ayaw ko rin. Minsan... Haaay. Ewan ko ba, ang gulo rin talaga ng utak ko madalas. Nakaka-frustrate.
Gusto ko lang naman iyong may in-a-update ako, may pinag-ku-kuwentuhan ng mga ganap sa buhay ko, may nagpapakilig, nag-re-remind na maganda ako kahit ang totoo ay haggard naman talaga... and all the other things that come with being in a relationship. Pero alam ko rin na 'di sapat iyong mga rason ko.
Narinig ko ang tawanan ng mga pinsan ko matapos kong sabihin iyon. Napanguso tuloy ako habang taklob pa rin ng unan ang mukha kahit medyo ang hirap huminga. Palibhasa lahat sila may mga jowa na, ako nalang ang wala. 'Di nila ramdam ang pighati ng isang taong walang kaharutan.
Katatapos lang naming mag-movie marathon dito sa condo ni ate Raia at ngayon ay may chikahan night kami dahil madalas namin itong gawin simula pa noon sa tuwing mag-i-sleepover kami sa bahay ng isa't isa. Today is extra special dahil celebration namin ng upcoming wedding niya. And tomorrow, pupunta kami sa boutique para magpasukat ng susuotin naming bridesmaid.
"Pero kapag may dumating, iiwan din naman," nanunuyang sabi sa akin ni George, ang best friend ko. Tinanggal ko ang pagkakataklob ng unan sa mukha ko at tiningnan siya. Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa napanguso nalang ulit ako at padabog na niyakap ang unan.
I suddenly felt like I had to defend myself. And so, I did dahil ayoko magpatalo kahit may tama naman siya.
"I told you, it's because I would always see red flags along the way. Duh, hindi ako color blind!"
Totoo naman. Sino ba namang gugustuhing manatili sa ganoon? Tanga lang, ano. 'Di naman ako ganoon karupok. Minsan lang lalo na kapag same vibes kami no'ng tao kasi ang hirap umalis kahit nakikita mo iyong mga pangit. It's that saying na there's always something good in a person. And despite the flaws, nagkakaintindihan kayo. Or baka masyado lang akong nasanay sa presensiya niya kaya hirap akong bumitiw. I don't know.
"Talaga ba? Kaya pala doon sa isang naging ex mo, whipped kang gaga ka," nakangising saad ng pinsan ko na si Madie. She has her arm propped on the other side of the bed at doon nakapatong sa kamay niya ang kaliwang pisngi niya.
Inirapan ko lang siya at binalingan ng tingin ang dalawang mas nakatatanda naming pinsan, sina ate Raia at ate Kei. Silang dalawa din ay pinsan ni George, so our two Ate's are like our binders. "May idadagdag pa ba kayo, mga ate? Baka gusto niyo lang naman mag-ambagan sa pang-aapi sa 'kin?"
Umupo ako at sumandal sa headboard. I looked at both of them. Ate Kei was seated on the couch near the bed while ate Raia was on her vanity table doing her skincare routine.
"Bakit kasi ayaw mo pa tigilan 'yang motto mo?" Tanong ni ate Kei. I deadpanned. They knew what my reason is, but they always ask me the same question every time. Siguro ay tinitingnan nila kung magbabago ba ang rason ko. Pero pasensya nalang sila dahil malabo iyong mangyari. Sa ngayon.
Nang hindi ako sumagot ay pare-pareho silang umirap kaya ginantihan ko rin sila. "Hindi ako mag-se-settle. Asa pang may makilala akong lalaking gugustuhin kong tumagal."
Natahimik silang lahat. Mahalaga, hindi ako takot magmahal.
Ate Raia stopped for a moment and stared at me. She has this lingering stare that tells "You got it wrong". Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Minsan niya lang 'to gawin kaya hindi ako sanay at hindi maganda ang pakiramdam ko.
After a few seconds, she spoke. "We'll see about that, Gigi."
At hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)
Fiction généraleGuia Figueroa is a journalist in distress who makes dating a sideline. For her, different romantic involvements are not a waste of time. And she does not believe in the concept of 'date to marry'. Hindi big deal sa kanya ang kumilala ng bagong tao...