Chapter 18
Family
"GIGI!"
Halos mabingi ako nang isigaw ng pamilya ko ang pangalan ko. Sinalubong ako ni Mama sa gate ng hacienda. Nakatira silang magkakapatid dito sa hacienda kaya compound na rin ang tinatawag namin kung minsan. Nag-mano ako kay Mama at humalik sa pisngi niya. Binalingan niya sina Pierce na nasa likod ko. I didn't let go of his hand, though.
"Pasok kayo," sabi ni Mama kina Pierce. My boyfriend immediately went to my mother and held out his hand, his head slightly bowing.
"Mano po," he said in a polite manner. My heart instantly softened with the scene unfolding before me. Nagsisunuran din sina Miss Eliana.
"Nag-dinner na ba kayo?" Tanong ni Mama. Tumango naman kaming lahat. "Ah, naghanda kami ng pagkain para inyo pero kung sakaling magutom kayo ay feel free," sabi niya.
"Ipapasok ko lang 'yong kotse," paalam ko kay Pierce. Tumango naman siya and lightly let go of my hand tapos ay nagpadala sa paghila ni Mama sa kaniya. Natawa ako nang palihim dahil ang tangkad niya masyado tapos nagpapahila lang siya sa halos kasing tangkad ko na si Mama.
Nakasabay ko sa paglalakad iyong kaibigan nina Miss Eliana na lalaki. Siya siguro iyong driver.
He just gave me a smile which I returned.
Binuksan ko iyong malaking gate para makapasok ang mga sasakyan saka ako pumasok sa kotse ko. Sumunod naman iyong SUV.
Halos 8PM na nang makarating kami at tapos na silang mag-dinner. Buti nalang at may baon kami nina Pierce.
When I went inside, they were all gathered around the living room of my eldest tito. Bahay niya kasi ang pinakamalaki sa kanilang magkakapatid.
Nang makita ko sina ate Raia ay agad ko silang pinuntahan at nagyakapan kaming lima.
"How are you?" Tanong ko sa best friend ko. Nagulat ako nang kurutin niya ako.
What was that for?
"I feel much safer now," sagot niya. Napangiti naman ako sa naging sagot niya kahit ang sakit no'ng kurot niya at 'di ko alam kung para saan iyon.
"Bakit mo 'ko kinurot?" Tanong ko nang 'di nakatiis. 'Di naman kasi niya ako kukurutin kung wala siyang gustong sabihin o ano.
She grinned. Tapos ay nginuso niya iyong sa may bandang likod ng living area malapit sa pinto ng balcony. Nabaling naman ang tingin ko roon at nakita ang asawa at mga jowa nila na chinichika ang jowa ko. Aba!
They all looked like they're all getting along.
Nagpaalam muna ako sa mga pinsan ko at best friend na lalapit muna kay Mama. Pagod ako sa biyahe kaya for sure ay pagod rin sina Pierce lalo na at nag-drive kami pareho.
"Ma," tawag ko. Agad naman siyang lumingon sa akin.
"Pagod kaming lahat sa biyahe. Ready na ho ba ang mga tutulugan nila?"
Tumango siya. "Oo naman. Sa atin matutulog ang boyfriend mo tapos iyong kapatid niya ay kina Raia at 'yong iba ay dito sa papa Richard mo," sabi niya sa akin. Si papa Richard ang eldest tito ko. Papa kasi iyong nakasanayan naming magpipinsan na itawag sa mga tito namin at Mama naman para sa mga tita.
"Nasaan pala si Papa?"
"Nag-iinuman sila ng mga tito mo sa bahay ng papa Anthony mo," sagot niya sa akin. Si Papa Anthony ang papa ni Madie. Napakibit-balikat nalang ako at saka lumapit kina Pierce. Kaya pala wala ang mga tito ko rito pati iyong mga lalaki kong pinsan.
BINABASA MO ANG
Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)
Ficción GeneralGuia Figueroa is a journalist in distress who makes dating a sideline. For her, different romantic involvements are not a waste of time. And she does not believe in the concept of 'date to marry'. Hindi big deal sa kanya ang kumilala ng bagong tao...