Chapter 12

55 14 48
                                    

Chapter 12
Ligaw

Today is the press conference. I asked George last night if she'll be present pero hindi raw dahil day-off niya and she promised Stan a date. Pero nandoon daw iyong mga kasamahan niya kaya ayos lang daw iyon.

Edi, sana all may date.

Mabilis lang akong nag-ayos ngayon. I also wore comfortable clothes para hindi nakakailang gumalaw tutal ay nasa audience lang naman kami. Ni-ready ko rin ang recorder ko at phone. Dalawa ang kailangan kong record just in case may mangyaring iba. Mabuti na ang sigurado. I also readied my notebook and pen. And when I was ready to go, mabilis na akong nagmaneho papunta sa venue.

Agad kong hinanap ang mga kasamahan ko pagdating at hindi naman ako nabigo dahil hinihintay na ako ni Lewis sa labas kaya naman mabilis ko siyang nilapitan para makapasok na kami sa loob. When we got in, the juniors in our team were already anticipating us. Kumaway pa nang bahagya ang isa sa kanila para matunton namin sila.

Hindi rin kami nagtagal sa paghihintay. Napuno ng ingay at flashes ng mga camera ang silid, senyales na nandyan na ang mga Morales. Napahigpit ang hawak ko sa recorder nang makita ko si Victor Morales na naglalakad papunta sa harapan. Lewis might have felt me tensed dahil hinawakan niya ang kamay ko kaya naman nag-relax ito. "Kalma lang tayo," bulong niya.

Huminga ako ng malalim at itinuon ang paningin sa mga taong dumating. They were all smiles as if wala silang naagrabyado. Okay lang sanang ngumiti sila kung walang taong nawalan ng kabuhayan at mismong buhay na rin.

Mga demonyo.

Tinaas ko ang phone at recorder ko, ganoon rin si Lewis, nang may magtanong.

"Sir, ano pong masasabi niyo sa issue na kayo po ang nasa likod ng pagkasawi ng mag-amang Laudencia?"

Napatawa si Victor Morales. Ang tibay ng sikmura nila. Tiningnan niya iyong reporter tapos ay ngumisi siya. "All I can say is that you don't have any evidence. Kaya labas kami sa usaping 'yan."

Iyon lang pero humataw ng iba't ibang reaksyon sa mga journalist na nandirito. Marami pa ang nagtanong tungkol sa businesses nila, sa mga trabahador nila, at sa upcoming launch ng panibago nilang business.

Ang mga kapitalista nga naman, payaman nang payaman. Bihira nalang iyong hindi nagpapadala sa kinang ng pera.

Kumabog ang dibdib ko nang makitang napunta sa gawi namin ni Lewis iyong tingin niya. He has that devilish smile like he knew what we're up to. Hindi naman ako nagpatinag. Hindi ako natatakot sa kanila. In fact, galit ako sa kanila. Kaya hindi ko hahayaang ipaparamdam niya sa aking hindi namin sila matatalo.

I felt Lewis tensed beside me. Bahagya kong inihilig ang ulo ko malapit sa kaniya. "Calm down." Ako naman ngayon ang nagpakalma sa kaniya.

He breathed in and out. Then, his hand stretched even more towards the stage na ikinagulat ko. "What about the one na embezzled money niyo from people's insurances? What can you say to those individuals na nagtiwala sa inyo?" Lewis shot back.

Victor Morales let out an amused laugh. "Alleged, Mister. What kind of question is that? Journalist ka ba talaga? Anyway, our insurance company is well-trusted. Those alleged issues ay mga paninira lamang," he answered, giving emphasis when he uttered 'alleged'.

Napasulyap ako kay Lewis at nakita ko ang pag-igting ng panga niya. My left hand grasping the recorder flew to his back and began caressing it hanggang sa makita kong kumakalma na siya. My attention went back to the devil.

"There is already evidence about the issue," dagdag ko sa tanong ni Lewis. I mimicked how he emphasized 'alleged' with the word 'issue'. Hindi pa ako nakuntento at nagtanong. "How would you say that those allegations are acts of defamation when it is already being processed in the court with witnesses and backed up with credible documents?" I asked, smirking inwardly.

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon