Chapter 06

73 15 43
                                    

Chapter 06
What if

"Baaaaaakkkssss!" Bati nila George at Marion sa isa't isa. Napailing nalang ako habang nangingiti. Nag-beso kaming tatlo at nagyakapan saka niya kami iginiya sa malaking couch kaharap ang fitting area at sa gilid noon ay isang full-length mirror.

Nandito kami ngayon sa boutique ni Miss Eliana after mag-text ni Marion kagabi na pwede na namin makuha ang mga pinasukat namin.

Marion clapped his hands twice and two of his assistants pushed two mannequins wearing a gown and my jumpsuit. Parehong rust ang color nito. Mine was a cross halter jumpsuit na may triangular cutout sa may bandang abdomen. While George's was an off-shoulder na flowy ang skirt at may mahabang slit sa left na hanggang three inches below the hips. Excited namin itong sinukat.

My mouth went agape when I saw my best friend wearing her dress. She looks stunning. Grabe, model talaga!

Her expression mirrored mine when we saw each other.

"Beshy, gago ka!" Nagulat ako nang mabilis siyang lumapit sa 'kin at hinawakan ako sa magkabilang braso at inikot ako para humarap sa salamin. Napaawang ang bibig ko nang makita ang itsura ko. Gago nga! Ako ba 'to? Lakas naman ng dating nitong taong 'to! Hindi na kailangan ng jowa! Although true na 'di ko need pero syempre, want ko pa rin!

Masaya kong nilingon si Marion na ngayon ay masaya rin kaming pinapanood ni George. "Gorg niyong dalawa, ano ba yan! Babalik yata ako sa pagiging maskulado," tawa niya. Tinawanan din namin siya.

"Sabi ko sa 'yo, dapat pinatulan mo na ako no'ng high school," pang-aasar ko sa kanya. Totoo naman, sabi ko sa kanya dati na jowain niya na ako noong high school kami. We had a talk before with our other gay friends na kung magkaka-jowa sila, okay lang ba na babae and they said na as long as aalagaan sila, the gender doesn't matter. E, crush ko siya dati at walang hiya ako kaya nag-offer ako. Basted naman agad. Medyo ouch.

"I told you, hindi kita type," irap niya. Nagtawanan kaming tatlo saka siya bumalik sa trabaho niya nang may pumasok.

George pulled me closer to her as we took a mirror selfie. "Damn, beshy, ang cool na ang ganda mo!"

"Lalo ka na," ganti ko sa kanya at nginitian siya. "Baka mahulog lalo si Stan niyan at mag-stan harder hindi lang siya kundi pati iyong nasa baba niya," ngisi ko. Bigla naman siyang namula at hinampas ako nang malakas sa braso.

"Kainis, na-imagine ko!" Hagikhik niya.

Aba, gago, sana all may na-imagine.

"Guia? George?" Napalingon kami pareho sa tumawag sa amin at natulala ako sa ganda ni Miss Eliana.

Her mouth slightly went ajar as she continued to gaze at us. "Wow..." She breathed. Lumapit siya sa amin at inikutan kami. "Goodness, both of you look stunning!"

Pakiramdam ko ay tinubuan ako ng hiya sa iba't ibang parte ng katawan ko dahil sa sinabi niya. She's even more gorgeous! And to hear a compliment from her makes me feel like blushing.

Then, she jerked her head to the direction on my left. She was grinning from ear to ear, "Pierce, come here!"

Teka, sandali... Tingin ko ay mas dumoble ang hiya ko at dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang marinig ang pangalan niya lalo na ang papalapit na mga yabag niya.

Napapikit ako nang mariin nang tuluyan siyang makalapit sa may gilid ko. Amoy na amoy ko na naman kung gaano siya kabango. Pucha naman, oh. Kailan ko ba siya hindi makikita?

"'Di ba ang ganda nina Guia?" Miss Eliana asked him. Pierce answered so casually. Napakunot pa ang noo ko nang kaunti dahil parang may diin nang sabihin ni Miss Eliana ang pangalan ko. Hala, gago. Galit ba siya? Alam ba niya pinaggagagawa ng jowa niya? Ano, hinuhuli niya ba kaming dalawa? Shit naman.

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon