Chapter 09
OverthinkPucha, ano? Single siya?
SINGLE SI PIERCE?
Nang tuluyang mag-sink in sa akin ay napahiyaw ako sa galak.
Gago, single raw si Pierce!
Lord, salamat po sa biyayang ito! Magkaka-jowa na ako!
"Seryoso ba?!" I couldn't help but exclaim. I was so happy to the extent that I even squealed and rolled over the floor. Tumawa si Madie samantalang si George ay frustrated pa rin sa akin. Kulang nalang yata ay saktan niya ako. Si ate Raia naman ay napapailing lang tapos tatawa.
Binato ako ni ate Kei ng fries. Sumakto iyon sa noo ko. "Gaga, oo nga. Kasasabi lang, e," asar niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang bastos! Binato iyong fries! Dinampot ko 'yon nang malaglag sa sahig saka inilagay sa walang laman kong bowl dahil naubos na namin ang ice cream.
Umayos ako ng upo sa sahig at kinalma ang sarili. I did a breathing exercise.
Tangina, single raw.
Lord, wala na pong bawian. Claim ko na po 'to!
Sabi na, malapit na akong magka-jowa!
Natawa silang apat sa reaction na nakikita nila sa mukha ko. Mukha siguro akong tanga ngayon na abot-langit ang tuwa sa nalaman. Gago, ako pala ay isa ring assumera! Maling desisyon talaga ang mag-assume!
"Siya ba iyong na-ikwento mo no'n na may girlfriend?" Biglang singit ni George. We all looked at her. She was now staring at me with that knowing smirk. I averted my gaze while biting my lower lip. Napapikit ako sandali bago dahan-dahang tumango.
Napahagalpak ng tawa si George kaya naman nagtanong iyong tatlo. Si gaga, tuwang-tuwang ikinuwento pa sa mga pinsan namin. Puro asar tuloy ang nakuha ko. Natigil lang iyon nang magtanong ako.
"E, kaano-ano ni Miss Eliana si Pierce?" Tanong ko kay ate Raia.
"Magkapatid sila. Eli and I are two years older than Pierce, meaning magka-edaran sila ni Kei," paliwanag ni Ate at halata pa ring nagpipigil ng tawa.
Gago. I'm now 24 years old... Ate Kei is three years older... That meant... Pierce is also three years older! Ang ganda ng age gap namin! Pakiramdam ko ay itinadhana kaming dalawa dahil gusto kong two to three years older sa akin ang magiging jowa ko. I realized kasi na hindi nag-wo-work sa akin iyong mga ka-edaran ko kaya I want to try someone who's older.
Grabe na 'to...
Pero shet. Nakakahiya kay Miss Eliana dahil pinag-isipan ko silang magkapatid. Ang tanga ko!
"Kaya ba... Kaya ba parang tuwang-tuwa pa si Miss Eliana kapag nakikita niya kami ni Pierce?" Kaya ba hindi siya nag-selos noong inabutan ako ni Pierce ng tubig? "Pati noong nasa buffet resto tayo... Iyon ba iyong secret joke niyo?"
Sabay-sabay silang tumango. Napasampal ako sa noo ko.
"A rule in Accounting, Gigi, is to not conclude things otherwise stated," ate Raia lectured me. "Ayaw mo sa fake news, right? And knowing you, you always fact-check. Kaya nagtaka kami kung bakit hindi mo pa rin alam gayong mahigit isang buwan na iyong lumipas," naiiling na dagdag niya pa.
***
Ayoko na.
Kanina pa ako nakaharap sa laptop ko. Napapagod na iyong mga mata ko. Monday na ngayon, first week of April. Malapit na rin naman mag-uwian dahil alas quatro y media na. Kaso nga lang, balak ko mag-overtime dahil I felt like I was slacking off with all the things happening in my personal life. Hindi naman pwedeng pabayaan ang trabaho.
BINABASA MO ANG
Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)
General FictionGuia Figueroa is a journalist in distress who makes dating a sideline. For her, different romantic involvements are not a waste of time. And she does not believe in the concept of 'date to marry'. Hindi big deal sa kanya ang kumilala ng bagong tao...