Chapter 08

58 13 30
                                    

Chapter 08
Single

"I'm really sorry, Frank. Nagkasakit kasi ako..."

Hindi ako makatingin kay Frank dahil nawala sa isip ko iyong pagtingin namin ng singsing noong hapong iyon. Bukod sa may sakit ako'y hindi rin ako nakapag-isip nang ayos dahil sa presensya ni Pierce. He was there all afternoon. He took care of me. Tinawagan niya pa si George noong papaalis na siya kahit hindi naman na kailangan.

George came right before he was about to leave. Nakita ko pa siyang nag-bilin sa best friend ko bago tuluyang umalis. My best friend didn't ask me any questions that night which was really weird. Parang wala rin siya sa katinuan. Sa condo ko siya natulog that night. Doon na rin siya nag-trabaho at umuwi lang kinabukasan. Until now, I still wonder kung anong nangyari sa kaniya. I knew something wasn't right...

"It's cool. Valid naman 'yong reason. Also, I still looked for a good wedding ring. Pumili rin ako ng lima para tatanungin ko nalang iyong opinion mo at kung may iba kang gusto," malumanay na sabi niya. Napaangat tuloy ang tingin ko sa kaniya. I saw him smiling as he twirled the pasta on his fork.

Nasa isang Italian resto kami ngayon nag-lu-lunch dahil pagkatapos nito ay didiretso kami sa jewelry store. I was eating Fettuccine Alfredo while he ordered a Ceasar Salad and Pasta with Chicken Garlic Sauce. 

"You want to taste my pasta?" He asked. I looked at him incredulously. Mukha bang gusto kong tikman ang pagkain niya? 

"No, thanks. Bilisan nalang natin," sabi ko dahil gusto ko nang matapos ang oras na kailangan naming magsama at makapili na kami ng singsing.

Papalapit na kasi talaga iyong kasal. Excited ako para kina ate Raia at kuya Yugo. They're my OTP ever since jowa days palang nila. They're so perfect for each other. They complement each other so well. Gusto ko nga, kung magkaka-jowa man ako ay kaugali rin ni kuya Yugo o kaya mas higit pa. Hindi ko lang sure kung may hihigit pa kay Kuya.

"Here are the rings, Ma'am and Sir," nakangiting sambit ng babae at inilapag sa harap namin ang limang pares ng wedding rings. Halos pare-pareho ang mga ito na kulay gold pero magkakaiba ng designs. They're ranging from extravagant to simple yet elegant.

Tiningnan ako ni Frank. "What do you think?"

"Aw, ang sweet niyo naman po. Kailan po ang kasal, Ma'am?"

Sabay kaming napalingon ni Frank kay ate girl. Luh, siya. Another assumera naman, oh.

Sasagot na sana ako when Frank beat me to it. "Thank you. This May na," he answered with a chuckle. Nagsalubong kaagad ang kilay ko. The fuck is wrong with him?

Mangha naman si ate at talagang may reply pang, "Wow! Best wishes po!" Halatang kinikilig siya. Nako, ate, maghanap ka na rin ng jowa. Kung gusto mo, itong si Frank na ang jowain mo tutal mukhang bagay kayo.

Agad na akong pumili ng wedding rings. I knew what ate Raia loves. She's fond of simple yet elegant things so, I got her just that. Gold band na magka-salubong iyong ends ng ring sa harapan tapos may maliliit na diamonds sa palibot no'n na nakalubog, enough not to catch too much attention. Those would certainly look good on them. Tama lang din ang nipis ng mga ito.

"You sure, these are their sizes?" Tanong ko kay Frank.

"Yes, I asked kuya Yugo and ate Raia that day." 

Kinuha na namin iyong pares ng singing na napili ko. Hindi na ako nagulat kung gaano kamahal ang mga iyon. Damn, napapaisip na tuloy ako kung gaano kalaking pera ang nagastos nina Ate para sa kasal nila. Grabe lang!

Hindi na ako nagsalita habang papalabas kami ni Frank. Hawak ko iyong paper bag laman ang box ng singsing. "Should I keep the rings or ikaw na?" He asked nang nasa harapan na kami ng mga kotse namin.

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon