Chapter 03

77 14 58
                                    

Chapter 03
Boyfriend

Nang dumating ang Biyernes ay nag-decide akong pupunta sa boutique ni Miss Eliana para bilhin iyong mga nagustuhan kong dress suits kaya naman agad akong nag-tipa ng text kay Marion. Sumakto kasing day-off ko at balak ko ring mag-grocery dahil paubos na ang stock ko ng pagkain saka gusto ko rin bumisita sa bahay-ampunan pagkatapos.

I'll be going there right now. Wala naman si Pierce diyan, 'di ba?

Marion
Oh suuureness! Wala dito si Sir Pierce, don't worry mwa ingat ka!

Hindi na ako nag-reply pa at agad nang kinuha ang pouch ko saka lumabas ng unit ko at sumakay ng elevator. I was so engrossed staring at my reflection on the elevator's door, appreciating my outfit of the day, when my phone pinged kaya agad ko itong kinuha para tingnan kung sino ang nag-text.

Ate Raia
Frank is in your condo's lobby. Enjoy!

Napaawang bibig ko nang mabasa ang text. Just what on earth did I read? Kaagad kong tinawagan ko si ate Raia.

"Ate, what is Frank doing here?"

Saktong bumukas ang elevator kaya lumabas na ako at naglakad papuntang lobby habang iniikot ang mga mata sa paligid.

"Well, pupunta ka kay Eli ngayon, 'di ba? Isama mo si Frank, magpapasukat din siya," she said in a relaxed tone. Napahinga ako nang malalim. Bakit ko ba sinabi sa kanila na pupunta ako roon? Hay. Wala namang kaso sa akin kung magkakasama kami ni Frank pero sana hindi ngayong araw dahil wala akong balak mag-intindi ng ibang tao. Isa pa, may lakad rin ako sa ampunan.

Wala na akong nagawa kung hindi umayon. I spotted Frank by the reception's desk. "Okay. I see him now. Bye, Ate."

I watched Frank's back. Palinga-linga siya sa paligid at napapatingin sa phone niya pagkatapos ay sa relo. He was wearing a light-yellow flannel shirt and faded jeans. Naka-white baseball cap din siya. Franklin Lim is a Chemical Engineer. Matangkad, chinito, mestizo, at lean. Hindi siya iyong masasabi mong gwapo pero dahil malakas ang appeal niya, he could easily charm his way into your heart.

Ang totoo niyan, muntik na ako magka-crush sa kaniya kaso nalaman kong inhinyero pala. Mabilis pa naman ako maka-move on lalo na kapag alam kong wala naman na akong mapapala kung magpapakatanga pa ako do'n sa tao. Saka hindi ko talaga type ang mga Engineer.

"Ingat kayo! Bye!" Paalam ni Ate at ibinaba ang tawag.

Huminga pa ulit ako nang malalim saka naglakad papalapit sa pwesto niya. "Engineer," pagtawag ko. Agad naman siyang lumingon at nang makita ako ay umaliwalas ang mukha niya. Seryoso at tahimik kasi siyang tao. He's also two years older. Kaya noong una talaga ay bet ko siya dahil feeling ko ay mag-ki-click kaming dalawa. But when we were set up on a date by kuya Yugo and ate Raia before we even got formally introduced to each other, akala ko ma-jo-jowa ko na... May ibang plano pala para sa 'kin ang tadhana.

Tipid siyang ngumiti, acknowledging my presence. Feeling ko medyo ilag siya sa 'kin. Feeling ko lang naman, ha. Ikaw ba naman, i-dump ka ng babaeng kakakilala mo lang. Hindi na ako magtataka kung magiging cold siya sa akin. Ganda ko lang kasi talaga.

"Let's go?" Aya niya. Tumango ako sa kaniya at sabay na kaming naglakad papalabas.

"Wala ka bang pasok ngayon?" I tried to open a conversation para hindi awkward habang naglalakad kami papuntang parking. Keri ko naman maging civil.

"I took a day-off. How about you?" Tanong niya at sinulyapan ako. What a coincidence...

"Day-off," tipid kong sabi nang naaninag ko na ang parking lot. Tapos na ang pagiging civil ko. Wala na akong balak pang kausapin siya.

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon