Chapter 19
"Ay, shuta!" Bulalas ko nang makita ang bagong ligong si Pierce na nakahilata sa kama ko. Kakatapos ko lang rin maligo dahil ang lagkit ko sa buong araw na nasa byahe. Tumagal siguro ako ng mga 20 minutes sa CR. Pero nagmamadali ako sa lagay na 'yon kasi gusto ko nang ma-wash away ang lagkit ng kahapon.
Narinig ko ang pagtawa niya. Agad ko siyang nilapitan at kinurot sa tagiliran. "Aw!"
"Why are you here?"
He looked at me. "Because you're here," he said in a matter-of-fact tone. I rolled my eyes at him. Epal na niya, ha.
"Bumalik ka na sa kwarto mo baka dumating na sina Mama," sabi ko sa kaniya.
Kanina, I offered ate Eliana na sa amin nalang din siya matulog dahil may extra room pa naman, but she insisted na kay ate Raia na dahil bisita raw siya ni Ate and ate Raia seconded kaya wala na akong nagawa pa. I even offered it to George pero tinatamad na raw siya ayusin ang gamit niya at isa pa'y 'di niya makakasama si Stan dahil bawal sila sa iisang kwarto. As if namang sobrang layo ng bahay namin nina ate Raia sa isa't isa.
"Baby," marahang tawag sa akin ni Pierce habang nagtutuyo ako ng buhok. Mabuti nalang at nakasuot na ako ng damit.
"Hm?"
"You look cute when you were younger."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Sa'n mo nakita?"
"Mama showed it to me earlier."
ANO? Bakit pinakita ni Mama sa kaniya?
"At bakit Mama na ang tawag mo sa Mama ko?"
"Because I'm already her son and she insisted I call her that."
Tinapos ko na ang pagtutuyo at naupo sa kabilang side ng kama. I was staring at my room's door na bukas na bukas.
Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako ngayong nandito siya sa bahay namin. I don't know kung bakit parang nag-iba, e, halos palagi naman kaming magkasama sa condo namin bago kami umuwi rito.
And why do I suddenly feel hot? Pota, Guia, umayos ka. 'Wag maharot. Pigilan mo si mareng down there.
Nang hindi ako umimik ay bumaling siya sa akin. Hindi ko siya tiningnan dahil kinakalma ko ang sarili ko. Shuta this. Maling desisyon ang dito siya patulugin.
"Guia," he softly called my name. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ko ang paglapit niya. The next thing I knew, he was already holding my hand. "Are you okay?"
Napalunok ako. "Y-Yes..." Hindi, Pierce. Hindi ako okay. Jusko naman, matulog ka na, please...
"Look at me," utos niya. Umiling ako. Baka mahalikan ko siya. OMG.
Hinawakan niya ang baba ko tapos pinaharap niya ang mukha ko sa banda niya. "Open your eyes," utos niya ulit. "I need your eyes on me," sabi niya pa.
"'Pag 'di mo ako tiningnan, I'll kiss you," banta niya.
That's exactly what I want, babe.
Nang di ako mag-mulat ay naramdaman ko ang braso niyang pumaikot sa'kin at ang malambot na bagay sa labi ko. Agad akong napamulat at nakita ang mukha ni Pierce na sobrang lapit sa'kin.
But he wasn't kissing me. It was like, he was waiting for me to open my eyes.
Iyon pala, dalawang daliri niya iyong nasa labi ko. Nagsalubong tuloy ang kilay ko dahil umasa ako. Nang makita niya ang reaksyon ko ay humagalpak siya sa tawa kaya hinampas ko ang braso niya. Napahigpit iyong pagkakaakbay niya sa bewang ko. "Kainis ka!"
BINABASA MO ANG
Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)
General FictionGuia Figueroa is a journalist in distress who makes dating a sideline. For her, different romantic involvements are not a waste of time. And she does not believe in the concept of 'date to marry'. Hindi big deal sa kanya ang kumilala ng bagong tao...