Chapter 38

56 10 32
                                    

Chapter 38
An open ending

Putok ng baril ang umalingawngaw sa tahimik na lugar. Ni walang kahit anong establishment o bahay ang nandirito. I only have two memories in this place and the most recent wasn't that appealing.

I heard someone growl in pain. Napapikit ako at napakapit kay Pierce.

Putangina.

The plan we talked about last night flashed in my mind.

"Ano? Nag-iisip ka ba?!" Singhal ko sa kanya matapos niyang sabihin ang balak na pagpatay.

Tumawa si Lewis at tumango-tango. Then, he licked his lips. "Either we kill them or they'll kill us, Guia. You choose," sabi niya. Natahimik ako.

Papatay kami? Wala na bang ibang paraan?

Narinig kong muli ang tawa ni Lewis saka ang mga kamay niyang lumapag sa magkabilang balikat ko. "Relax! Kapag wala nang choice, we'll resort to that. Hay," he sighed and hauled me back to the living room. Saktong may dalang cookies si Celise at inilapag niya ito sa coffee table. Kinuha naman ni Pierce ang isang cart ng fruit juice mula sa ref pati ang mga baso.

"Did he tell you already?" Nakangiting tanong sa akin ni Celise. Ayoko siyang tingnan. Hindi niya ako madadala sa ngiti niya. Alam kong sa likod no'n ay isang mapanganib na leon. Sapat na ang nakita kong ekspresyon noong nasa ospital pa ako at ang aura na nakikita ko sa kanya.

Umiwas ako ng tingin at kumuha ng cookie. While I was munching on it, I nodded as an answer. Tumabi naman sa akin si Pierce at inabutan ako ng juice na pinasalamatan ko. Saglit tumagal ang tingin ko kay Pierce. I wonder if he agreed to the plan, or if he know it already.

Tumabi sa kabilang gilid ko si Miracle saka tahimik na kumain. Lewis was just staring at me with a smirk. Hindi ko tuloy maiwasang irapan siya. Unti-unting nawawala ang takot ko sa pagbabagong-anyo niya pero nalipat naman ang takot ko sa mga susunod na mangyayari.

Nang matapos kaming kumain ay pinagpahinga na muna si Miracle sa isang kwarto para na rin makapag-usap kami. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang lumagabog sa kwartong pinanggalingan kanina ni Lewis. Pretty sure they heard it, too, pero pinagsawalang-kibo nila 'yon. Kating-kati akong malaman kung sino ba ang bisita ng kaibigan ko.

"Pinadalhan ako ng mail ng mga Morales. They want me to meet with them in the same place you were shot. They even tried to intimidate me by telling me to go alone or else they'll kill you and my sister. As if I'm that easy to fool," panimula ni Lewis. Wala na ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi. His eyes turned dark.

"The Morales' are indeed dangerous, but the thing is, they're not who we think they are. There are bigger people behind them," pagsingit ni Celise. Anong sinasabi niya? Ibig sabihin, front lang? Ibig sabihin, galamay lang sila?

"So, you're saying that they're like puppets ng kung sino man ang nasa likod nitong lahat?" I asked. Tumango si Celise.

Pucha.

"You read the files, right?" Tanong ni Lewis. Tumango naman ako sa kanya.

"You saw the names of those influential people?" Tumango ulit ako. The names on that file were mostly people who aren't famous but their net worth isn't a joke.

"Wonder why you only know a few of them?"

"Kasi they prefer to work behind the shadows? Para kapag pumalya ang kung anong plano nila, hindi sila ang madadawit kundi iyong taong nagsisilbing shield nila," sagot ko nang tuluyang mapagtanto. 

Napangiti si Lewis saka sinabing, "Those below them take the fall."

So... This is bigger than us. Lewis wasn't kidding when he told me that before. Hindi ko alam pero wala akong makapang takot sa sistema ko. Ganito ba ang epekto ng muntik na kamatayan? 

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon