Chapter 01

117 18 88
                                    

Chapter 01
Taken

Napaangat ang tingin ko mula sa phone ko patungo sa taong naglapag ng shoulder bag niya sa mesa at maingat na naupo sa harap ko. She grinned at me and made a peace sign, "Sorry, late ng 10 minutes. Medyo traffic, e."

Napailing nalang ako at humalukipkip. "I already ordered for us. Kamusta 'yong kaso?" Tanong ko sa kanya.

Sumandal siya sa upuan saka bumuntong-hininga. Iyong kasong hawak niya ay iyong kaso rin na mainit ngayon and the two of us can't work together. I don't want to be seen as biased. Conflict of interest iyon. Although it's certain that something unlawful was committed by the other camp. So, we share bits of information, but still manages to stay inside our borders.

"It's obviously quid pro quo pero para makakuha ng sapat na ebidensya at maipanalo iyong kaso ay maraming madadamay," frustrated niyang sabi saka kinuha ang baso ng tubig na nasa harap niya at inisang lagok iyon. "Bakit ba kasi napakaganid ng mga mayayaman." It wasn't a question anymore—more like a declarative sentence. Because it's true. Powerful people want more power. They're that hungry.

Dama ko ang stress na nararamdaman ni George.

"Still receiving threats?" Tanong ko sa kaniya.

She faintly smiled at me. Nakita ko sa mata niya ang pagod at pangamba. Dahan-dahan siyang tumango at umiwas ng tingin. Parehas kami ng sitwasyon dahil halos parehas din kami ng pinasukang propesyon. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng lahat na delikado ang trabaho namin. Kaya alam ko kung gaano kabigat ngayon ang nararamdaman ni George.

"Ikaw ba?" Mahinang tanong niya pabalik.

Tiningnan ko lang siya at nakuha na niya agad ang sagot.

Ilang minuto kaming natahimik hanggang sa dumating na ang mga pagkain kaya nagsimula na muna kami roon bago ipagpatuloy ang pag-uusap tungkol sa mga trabaho namin. Lunch na ngayon at medyo marami rin ang tao pero mabuti nalang dahil maaga-aga ang pagpunta ko rito at nakapag-order kaagad ako saka nakakuha ng magandang pwesto.

Dito kami madalas kumain ni George sa Pasta Corner na hindi kalayuan mula sa workplace naming dalawa at masarap pa ang mga pagkain. Simula college ay dito na kami palaging pumupunta lalo na noong kasagsagan ng pag-re-review niya para sa BAR.

And sa every double date na nagkaroon kami, silang dalawa ni Stan, habang ako paiba-iba ang mga ka-date, ay dito kami pumupunta.

Biglang pumasok sa alaala ko ang nangyari kaninang umaga. Hindi pa rin ako makapaniwala kung gaano ako pinaasa ng tadhana kanina. Ni hindi na rin ako nakapag-breakfast dahil sa pagkawala sa nangyari. Chance ko na sana iyon para magka-jowa...

"O, bakit tulala ka na riyan?"

Napakurap ako at nabaling ang tingin sa kaniya. "Ha?"

She shook her head with an amused smile. "Sinong iniisip mo?"

Hindi talaga ako makapag-sinungaling dito kay George, madali niyang nalalaman.

Napahugot ako ng malalim na hininga saka sinabi sa kaniya ang ibang detalye ng nangyari kanina. Tawang-tawa naman siya pagkatapos kong mag-kuwento.

Minsan, naiisip ko na ang galing nitong best friend ko dahil hindi siya nilamon ng kaseryosohan ng mga tao sa law school. Akala ko din ay 'pag naipasa niya ang BAR at nag-pa-practice na siya ng law ay magiging seryoso na siya sa buhay. Pero lalo lang yatang lumala ang kakalugan niya. Aniya'y masyadong dull iyong buhay-trabaho niya kaya kung magiging ganoon rin pati personal life niya ay baka ikamatay niya nang maaga. Well, may point naman.

"'Di mo naman nakita nang ayos 'yong mukha pero na-gwapuhan ka na?" Natatawang tanong niya sa akin. Sinimangutan ko siya.

"Alam mo, epal ka. Malamang halata sa suot niya! And the way he carried himself... Ang linis niya tingnan tapos ang ganda noong girlfriend!"

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon