Chapter 39

64 10 39
                                    

Last Chapter
Together

True to what they told us, we were now back to our normal lives. We're safe.

I could still remember everything. It was all engraved in my mind. The threats, the kilig, the happiness, the grief, the danger... Kapag binabalikan ko ang lahat, kinakapos ako ng hangin sa sistema. Sa sobrang dami ng mga pangyayari, ni hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong maramdaman.

Ganito pala talaga ang buhay. Kailangan balance ang lahat. May lilisan at may darating. May nagtatagumpay at may nasasawi. May liligaya at may nalulumbay.

Sister Albertine was murdered. But we got the justice she deserved.

Shawn the bastard tried to escape prison, but he failed while his monster of a father died.

Aubrey and Wil won the case. The victims and their family now tasted justice and were compensated.

Farah, Miracle, and Lewis migrated.

George and Stan got married.

Kuya Yugo and Ate Raia have their baby Thalia.

Ate Kei and Kuya Evan were pregnant on their second child.

Madie and Caleb got engaged.

Ako? Huwag na nating pag-usapan...

Baka mainggit lang kayo.

Naisipan kong pumunta sa pool area dala ang phone ko, balak kong magpakalunod sa nakaka-relax na ambiance no'n.

I was wearing a yellow bikini under a black see-through dress. Maganda kasi ang sikat ng araw kaya naisipan kong magliwaliw sa tubig. I have nothing else to do anyway. I'm jobless as of the moment. Besides, it's summer!

When our company knew of the scheme we executed three years ago, Lewis and I were fired. Hindi nila kami sinuportahan. Nagalit sila dahil sa nangyaring pag-broadcast sa pagdakip sa mag-amang Morales. Sinabi nilang disgrace raw kami sa kanila when all we did was to deliver the truth. Pero gano'n man ang nangyari, hindi na importante sa amin ni Lewis ang masibak sa mga pwestong pinaghirapan namin.

Who would've thought na kompanya pala namin ang nagtatakip sa dumi nila sa tulong ni Fiona? Mabuti nalang at wala na siya, nabawasan ang mga ahas sa lipunan. Nawalan ng ulo ang VNN. But I hope na matigil na ang kasamaan nila.

I still can't believe that Farah and Lewis just acted that night. Palabas lang pala ang tutukan na nangyari sa kanila. Farah was the one I saw in the condo unit that day, 'yong bisita ni Lewis. And goodness, naalala ko pa kung ano ang isinagot niya nang tanungin ko siya kung anong ginawa nila ng kaibigan ko roon sa kwarto.

She plainly told me that they had sex while planning the downfall of Victor Morales! Oh my god?!

And Celise, sinong mag-aakala na siya ang may-ari ng condo tower na 'yon? Pagkatapos ng gabing pinatuloy niya kami sa kanila ay hindi ko na siya nakita pa. She remained mysterious. The code she told Pierce and I, nagka-kutob ako na may malalim at madilim na kahulugan 'yon.

I remembered their last words...

The less you know, the safer. This is where we'll take over.

Hindi man naging malinaw sa akin ang lahat, kung sino ba talaga sila, lalo na si Skylar, kung paano mapapabagsak 'yong mga tao sa likod ng mga Morales, panatag pa rin ako dahil alam kong may mga taong nandiyan at handang gawin ang lahat para tumulong. Kagaya nalang nila Celise at Alistair.

Tinanggal ko ang see-through dress at walang alinlangang tumalon sa pool. Ni hindi ako nag-abalang ikampay ang mga kamay at paa ko at hinayaang manatili sa ilalim ng tubig ang katawan. There was no point of going back in time to relive the traumatizing events that happened, but the lessons it gave me.

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon