Chapter 21

48 13 41
                                    

Chapter 21
Grateful


Pagbalik namin ni Pierce ay nagkakasiyahan na sila, pati na rin sina Miss Eliana. I even saw her somehow hitting it off with Frank's brother. I just shrugged it off dahil hindi ko na iyon business. Kung sila man ang magkakatuluyan, edi goods. Mag-jowaan na ang lahat at magpakasaya sa mundong 'to.

Umalis rin sina kuya Rocky at kuya Alaric na kapatid ni ate Mariane. When I asked my cousins about them, sinabi na magkakaroon daw kami ng mini party for ate Raia and kuya Yugo.

I just shrugged it off at naupo sa tabi ni George. I leaned on her shoulder at inakbayan naman niya ako. Naramdaman ko rin ang pag-upo ni Pierce sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Sa'n sina ate Raia?" Tanong ko kay George nang hindi ko makita ang tatlo kong pinsan pero nandito ang asawa at mga jowa.

"Naghahanda ng dinner at pulutan," sagot niya. I didn't ask why she was here dahil siguro ay wala na iyong tatlo pagkababa nila ni Stan at baka tinatamad siyang magluto. Oh, well. Ako, wala talaga akong maitutulong dahil hindi naman ako marunong kaya nga si Pierce ang palaging nagluluto para sa amin.

Hay, asawa-material na talaga ang jowa ko...

"Sina ate Mariane?"

"Sa taas, teh," tukoy niya sa bahay nina papa Richard. Ah, baka nasa tanders sila.

Sa aming magpipinsan, iyong kuya lang ni kuya Rocky ang hindi pa nakakauwi, si kuya Limuel. Sila ng asawa niyang si ate Jade. May tatlo silang anak at naka-base sila sa Pampanga.

Pagkatapos n'on ay nanahimik lang ako at nanonood sa kanilang nag-aayos habang nag-aasaran. Napailing nalang ako, minsan talaga ang iingay ng mga lalaki.

Biglang tumayo si Pierce sa tabi ko at niyaya si Stan. Nagkatinginan kami ni George nang wala silang sabing umalis sa tabi namin at lumapit sa mga nag-aayos. Wow.

The two of them fixed the lights. Si kuya Troy ay may nalalaman pang fairy at disco lights kaya tumulong rin iyong dalawa sa kaniya. Napapailing nalang ako sa kalokohan ni Kuya. Ganiyan yan palagi.

"Kuha pa ba tayo karaoke?" Tanong niya kina kuya Yugo. Natawa naman sila at um-oo. Siguro ay para sa aming mga babae and well, kay kuya Troy kasi talent niya 'yan, e. Mahilig ang family namin sa mga kantahan.

Damn, party kung party talaga ang trip. Grabe.

"I could also be the one in charge of the music," presinta ng pinsan ni Frank. Halos puro lalaki rin sila at nasa apat lang iyong mga babae at mukhang mas matatanda sa amin kaya nakakahiya makipag-close. Isa pa, nandiyan naman sina ate Monica para i-entertain sila.

***

"Truth or dare?" Napanguso ako nang tumapat sa akin ang bibig ng bote. Letseng laro 'to. Buti nalang tapos na kaming kumain ng dinner kaya pwedeng-pwede na uminom.

Kay ate Raia natapat ang ilalim ng bote kaya siya ang magtatanong.

"Truth," matapang kong sagot. Dirty pa naman iyong mga naunang tanong, 'di ko kinakaya.

"Pang-ilang base na?" Nanunuksong tanong ni ate Raia. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya.

"Ate!"

Walang gano'n!

Wala pa...

Nagtawanan silang lahat nang mamula ako hindi dahil sa alak pero dahil sa hiya. I subtly glanced at Pierce who was sporting an amused smile beside me. Siniko ko tuloy siya. Tinaasan niya lang ako nang kilay at nang samaan ko siya ng tingin ay tumawa siya at inakbayan ako. I didn't break our eye contact, though. He smiled at me. 

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon