MBMCB: Prologue ♥

1.6K 55 11
                                    

{Prologue}

=========================================

Wow? Himala ang aga ni June. Bagong buhay sa pag-aaral? “Wow! Himala ang aga m—ba’t tumitirik na naman ‘yang mata mo? Ano na naman problema mo?” Inilagay ‘ko ‘yung bag ‘ko sa desk ‘ko saka tumabi sa nakabusangot na si June.

“Pogi problems.” Agad ‘ko syang binatukan at itinaas ‘ko ang middle finger ‘ko sa tapat ng pagmumukha nya.

“Inaano ba kita?! Bigla bigla kang namamatok dyan!” Hinawakan nya ‘yung part ng batok nyang hinampas ‘ko sabay namakyu rin pabalik sakin.

“Tanga mo kasi eh. Kelan ba ninipis ‘yang pagmumukha mo?” Sabi ‘ko, inirapan ako ni June saka sya humalukipkip. “Atleast gwapo, eh ikaw? Ang pangit mo!” Pahaba ng pahaba ang nguso nya habang nagsasalita. Inaneto eh, pag ako napikon ibabalibag ‘ko ‘tong tao na ‘to eh.

“Ha ha. Ang gwapo mo eh no?” Hinampas ‘ko ‘yung hawak ‘kong notebook sa pagmumukha nya, tingnan ‘ko lang kung hindi sya maasar. “Ano ba Krystal?! Ganyan na ba katindi ang pagka-insecure mo sakin?!” Inirapan nya ‘ko saka umiling iling. Wow huh?

Hindi na ‘ko nagsalita pa dahil hahaba—ay sht may assignment pala kami! Kokopya nga pala ‘ko kay June! Inangyan kasi, ba’t ba hindi ‘ko maintindihan ‘tong Trigonometry na ‘to?!

“June, may assignment ka na sa Math? Pakopya?” Nakangiti ‘kong sabi. Syempre kokopya ako eh, may nangongopya bang galit? Edi hindi ka pinakopya? Hays.

“Yan tayo eh! Matapos mo ‘kong molestyahin—“

“Hoy kapal mo! Hindi kita minolestya ‘no? Itsura mo!”

“Kapal ng pagmumukha nito? Asa! Gawa gawa rin kasi assignment. Sasabihin mo na namang di mo alam pa’no sagutan? Aral aral din!” Magsasalita pa sana ako kaso bigla syang tumalikod. Bastos din eh.

“Sige na kasi June. Pag sa iba ako nangopya malaking chance na baka ma-zero ako. Ikaw lang nakaintindi ng lesson kahapon eh. Sige na parang di ka bestfriend! At saka, makapagsalita ka parang nag-aaral ka ah?” Niyugyog ‘ko ‘yung balikat nya, humarap sya sakin, “Aysh! Di ‘ko na kailangan mag aral. Matalino na ‘ko. Tss. Ba’t kasi ang bobo mo sa Math?! Bobo neto eh… ay teka—“ Tumigil syang magsalita at biglang lumapit sya ng kaunti sakin at saka itinaas-baba taas-baba ang kilay nya. “Sa isang kondisyon?”

Humalukipkip ako at huminga ng malalim. Kinakailangan ‘kong kumalma, baka madale na naman allowance ‘ko neto. Juice colored! “Ano na namang kondisyon ‘yan huh? =_=” Malamang magpapabili na naman sakin ng cap ‘tong malanding GGSS (gwapong gwapo sa sarili) na ‘to.

“Di nga papayag ka nga muna?” Tumingin ako sa relo ‘ko at tangnuh two minutes na lang mag ri-ring na ‘yung bell! Juice colored June! Kapag wala pa namang assignment maglilinis ng CR, like wtf? Anong klaseng consequences ‘yan?! Sht.

“Hoy btch face sa’n na notebook mo?! Pucha ayoko mag linis ng banyo utang na loob! Sige na oo na payag na ‘ko! Akin na notebook mo dali!” Sa kakamadali ‘ko ako na mismo ang kumuha ng notebook ni June sa bag nya. Pagbukas ‘ko ng bag nya napa-irap na lang ako dahil bukod sa nag iisa nyang binder at ballpen, eh pabango, mouth wash at suklay lang ang makikita mo sa bag nya. Tanginang estudyante ‘to, nag-aral pa.

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon