Chapter 33: 4 years

488 29 20
                                        


Chapter 33: 4 years.

-dedicated sayo. natawa kasi ako sa comment mo last chapter hahahahahaha. thank you!

=============================================================

After 4 years...

Are you sure about this? Be sure na ready ka ng harapin lahat ng mga bagay na naiwan mo sa Pilipinas okay? Call me if you need something o kapag nagkaproblema ka.

Iyan ang mga salitang pumapaulit ulit sa isipan 'ko habang nagtitimpla ng malamig na kape.

After 4 years, bumalik na ako ng Pilipinas... halos lahat bumabalik saking isipan, 'yung saya, 'yung lungkot... Lahat na.

Nilakasan 'ko ang aircon, naiinitan ako. Hindi na ako sanay sa ganitong klima, naninibago na naman ako gaya ng paninibago 'ko noong tumira ako dito para mag highschool.

*ding dong*

Rinig 'kong tumunog na ang doorbell sa unit 'ko kaya naman dali dali akong tumungo papuntang sala para pagbuksan si Amber.

"Hoy putangina bilisan mo pagbubukas! Taeng tae na 'ko! Tangina naman Krystal! Bilis!" Rinig na rinig 'kong sigaw nya mula doon sa labas ng pinto. Pero pagdating 'ko sa malapit na sa pinto ay nabuksan na nya ito.

Gaga talaga. Mumurahin pa 'ko para pagbuksan 'ko sya ng pinto eh alam naman pala 'yung door code sa unit 'ko. Papansin lang talaga sya eh.

"Huy gago minura mo pa 'ko leche—" Hindi 'ko natapos ang pagsasalita ng bigla syang kumaripas ng takbo sa kung saan.

"Huy gago asan 'yung cr mo?! Natatae na 'ko seryoso!" Natatawa akong tinititigan sya habang namimilipit na sa sakit ng tiyan.

"Hahahaha gaga kumanan ka prend may makikita kang pink na pinto tas pasok ka dun." Natatawa 'kong sabi.

"Pucha pink talaga?!" Pagrereklamo nya, may gana pa syang magreklamo sa lagay nya huh.

"Makikitae ka na nga lang!" Inirapan nya ako at tumakbo na nga sya pakanan.

Walang hiyang babae talaga 'to ang pucha. Bastos talaga eh. Parang walang manners.

Pero pag nandoon kami sa bahay ng lola nya sa Canada akala mo kung sinong anghel eh, pero pag lumalabas ng bahay parang punong puno ng kademonyohan tabas ng dila eh.

Mukha syang tomboy, lesbian, bisexual pero hindi. Babaeng babae 'yan. Mas malandi pa 'yan sakin. Talagang gusto nya lang magpormahang lalaki dahil gusto nyang makahanap ng ka-forever nya ng hindi bumabase sa panlabas na anyo.

"Whoo~! Success!"

 Pabalik pa lang ako sa kusina ay natapos na syang tumae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pabalik pa lang ako sa kusina ay natapos na syang tumae.

"Bilis ah?" Natatawang tanong 'ko.

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon