Chapter 31: Besprenzoned?

439 28 24
                                        


Chapter 31: Besprenzoned?

===========================================================

"P-pwe! Tangina ang baho ng ulo mo! Naligo ka ba!?" Okay na sana eh kaso bigla nya ulit akong tinulak palayo. Puta—respeto naman? Kikiligin na sana ako eh.

"Kakatapos 'ko lang, ikaw ang hindi pa naliligo—" Hindi 'ko natuloy 'yung sasabihin 'ko dahil bigla syang ngumiti at hinila ulit ako papalapit sa kanya. "Joke lang, sarap mo kasing asarin eh." Niyakap nya 'ko ulit. As in 'yung mahigpit.

"Babe!" Bigla akong tinulak ni June ng mahina palayo. Nagtaka ako kung bakit pero mukhang na-gets 'ko na kung bakit.

Bakit?

Bakit nandito si Aileene?

Bakit? Bakit mo 'ko tinulak June?

"Anong ginagawa nyo—I mean you and Krystal hugging each other—"

"Uhm, ano... baka kung ano iniisip mo, wala binigyan 'ko lang kasi ng regalo si Krystal. Wala, wala 'yun." Lumapit si June kay Aileene at agad itong inakbayan.

"Tampo na 'ko sayo, hindi mo 'ko sinundo! And I was calling you—" Ngumuso si Aileene. Pwe. Pa-cute. Sa lahat na lang ng bagay talaga Aileene sagabal ka eh 'no?!

At saka... kasama pala si Aileene ha?! Talagang sasaktan nyo 'kong dalawa eh 'no?! Ang saya saya 'ko na nga eh! Punyeta edi sana di na lang ako sumama diba?!

"A-ah 'yun ba? A-ano sa loob na lang natin pag usapan 'yan. Kumain ka na ba?" Paliwanag ni June at ibinaba ang pagkakaakbay nya sa balikat ni Aileene papunta sa bewang nito.

Tumalikod ako at napapikit. Hay nako, ang sakit eh.

"Oh teka Krystal where are you going?" Rinig 'kong tanong ni Aileene.

"Kahit saan, malayo lang sa inyo. Baka istorbo pa 'ko eh." Sabi 'ko at tuluyan ng lumakad palayo.

Alangan titigan 'ko pa sila diba? Makita mo ba naman 'yung mahal mong sweet sa mahal nya di ka ba masasaktan?! Tingin mo ba natutuwa ako?! Hindi! Oo masaya ako pag masaya si June pero puta hindi ako plastic sa sarili 'ko, malungkot ako! Malungkot ako kasi nasasaktan ako! Ano ba 'yung role 'ko sa mismong istorya ng buhay 'ko ha?! Kawawa? Laging kawawa?! Punyeta sawang sawa na 'ko!

At saka... at saka... lagi na lang bang susulpot si Aileene?! Lagi na lang bang may sagabal?! May bara?! Kelan ba 'ko sasaya leche! At saka... akala 'ko ba araw namin 'to ni June?!

Hindi na ba 'ko pwedeng kiligin at sumaya?! Sabagay Krystal, it's your entire fault. Nainlab ka sa taong dapat bestfriend mo lang. Na dapat 'yung feelings mo, hindi lalagpas sa pagiging kaibigan lang.

Ba't 'ko kasi 'to naramdaman eh 'no? Parang dati naman wala talaga 'kong nararamdaman dyan kay June.

Na kapag dati madikit lang 'yung balat 'ko sa balat nya parang wala lang. Tas ngayon pucha may sparks na!

Na parang dati, wala akong pake sa mga ngiti at tingin nya sakin tas ngayon pitingini halos lagi 'ko na pinipigilan 'yung kilig 'ko dahil sa napaka walanghiyang pagtingin at ngiti ngiti ni June sakin leche naman!

Leche namang feelings 'to! Ba't ba ang emo 'ko?! Ba't ba ang emo emo 'ko?!

Tumunog ang fone 'ko at nakita 'kong nag message si Yoyo.

'Have a good night, see you soon.'

Wow Yoyo, lakas mo rin eh 'no? Nambabadtrip ka ba? Walang good night!

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon