Chapter 10: June VS Krystal

473 31 0
                                    

JM: Pinalitan 'ko pangalan ng mudra ni Krystal. Karen na. Ang mabait na apo charot! Hahahaha!

Chapter 10:

==============================

Sa isang restaurant outlet kami kumain. Pagkaing pinoy ang gusto ni Mamita samantalang si June gustong kumain ng Korean foods pabor naman kay Shannon kaya ayun. Nauwi parin sa pagkaing pinoy. Ang gulo 'ko ba? Okay lang 'yan. Di naman importante 'to.

"June oppa, how to eat this thing?" Turo ni Shannon sa tahong na nakahain samin.

"Aba ewan 'ko. Wag mo nga 'kong kausapin!" Kahit kailan talaga ang sungit ng June na 'to. Muntanga. Laging may PMS. Kinalabit 'ko si Shannon at nagpresintang turuan 'ko sya kung paano iyon kainin.

Para syang batang nakikinig sa lesson ng teacher habang tinuturuan 'ko sya. "Salamat Krystal unni!" Ngiting ngiti si Shannon. "Duh? Wag mo nga syang tawaging Krystal! Krishanne pangalan nyan!" Ang sungit ni June, anong problema ng lalaking 'to?! Parang bata kung maka ano!

"Waeyo? Krystal tawag mo-"

"Kapag Krystal tawag 'ko kay Krystal... Krystal din tatawag mo? Gaya gaya. Itapon kita sa dagat eh." Ngumuso si June. Itong June na 'to talaga ang parang gago lang.

"June, may PMS ka ba?" Tanong 'ko. Ipinatong ni June ang kamay nya sa hita 'ko at itinaas ang middle finger nya. Magkatabi kami at palihim nya iyong ginawa. Binatukan 'ko nga, gagu eh. Kumakain kami eh. Manners June?! Manners.

"Kumuha ako ng paksiw na hipon. Mukhang masarap!" Si Mamita. Kakadating lang ni Mamita, nag second round kasi sya at kumuha ng panibagong ulam.

"Woah. Mamita what is that?" Manghang mangha si Shannon.

"Ay ang tanga talaga nito Krystal oh, sinabi na ngang paksiw na hipon?! Maygad!" Mahinang bulong sakin ni June, nag btch face pa ang walangya matapos bumulong. Sarap talagang suntukin eh.

Pagkatapos namin kumain, nag decide kaming mag swimming na. Malungkot si Shannon, sino ba namang hindi lulungkot kung 'yung crush mo kanina ka pa binabara? Gagu talaga kasi 'tong si June eh.

"Ba't ka malungkot Shannon?" Tanong 'ko, kahit alam 'ko naman talaga kung bakit sya malungkot.

"A-aniya..." Sagot nya sakin saka umiling iling, ano ba 'tong pinagsasabi nito? Eh hindi 'ko naman maintindihan? Bwiset.

"Nilingon 'ko si June sa gilid 'ko. Nakaupo lang sya sa buhangin habang kumakain ng barbeque. "Oy June, di ka mag swimming?" Kumagat sya ng barbeque bago nya ako lingunin.

Tiningnan nya ako ng masama mula ulo hanggang paa. "Tanong mo muna kung marunong akong mag swimming. Bwisit." Wow with over flowing sarcasm pa ang pagsasalita ng walang hiya. Nilingon 'ko si Shannon, "I forgot to tell you that he can't swim. He loves pool or sea or beach but he can't swim." Ngumiti na lang ako bilang sagot sa sinabi ni Shannon.

Pakealam 'ko ba sa June na 'to kung hindi sya marunong mag swimming?

"Bahala ka mag swimming kami ni Shannon. Iiwan ka namin." Sabi 'ko sa kanya, hinubad 'ko 'yung sandals 'kong suot at saka hinagis 'ko sa kanya.

Lumingon ako kay Shannon at ang lawak ng ngiti nito sakin, "Jinja unni? Uwah! Let's go, palyi~!" Ang cute ni Shannon bwisit. Hinubad din ni Shannon ang suot nyang step in at hinagis din kay June. Muntik ng magmura si June pero tinapon 'ko 'yung jacket 'ko sa mukha nya saka tumakbo na palapit sa dagat.

Di na kami lumingon ni Shannon pero naririnig 'kong sumisigaw si June ng 'taenanyo' na katono ng annyeong hasseyo ng mga koreanong alien.

Tuwang tuwa si Shannon, nagtitilamsik sya ng tubig. Nakita namin si mamita kasama si Facundo at Marisa nagsosolo ang tatlong oldies. Jk, medyo kasing edad lang ni mommy si Marisa.

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon