Chapter 26: Wallet

482 34 3
                                    


Chapter 26: Wallet

-dedicated kay pndashleh. :) thank you sa power vote! :)

===================================================

Pag gising 'ko bumaba agad ako para tumungo sa kusina. Oo lutang na lutang parin ako from last night. Sino bang hindi? Nag emo ba naman ako all night e.

 Sino bang hindi? Nag emo ba naman ako all night e

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagbaba 'ko nakita 'ko si Aileen kasama si... June? Black na ulit buhok nya? Black na ulit buhok ni June? Punyeta pero panira talaga ng umaga eh.

"Oh hi! Good morning cous! Kanina ka pa ba dyan?" Aileene asked. Ngiting ngiti sya habang nakapatong ang ulo nya sa balikat ni June. Hindi 'ko sya sinagot dahil agad akong tumingin kay June, sumisenyas itong umalis ako sa harapan nila. Bakit? Sa tingin nya ba panonoorin 'ko silang mag landian ni Aileene? Utang na loob, tanga ako pero hindi 'ko lulubos lubusin 'no.

"Good morning." Walang emosyon 'kong sabi sa kanila at dahan dahang pumunta sa kusina. Itong Aileene na 'to akala mo naman bahay nya 'tong bahay namin eh. Makapag papunta ng lalaki?! Like hello?! Respeto naman sakin at kay mommy and the fact na bestfriend 'ko pang lalaki na mahal 'ko ang dinadala nya?! At syempre like hello? Aware syang gusto 'ko rin si June diba?! Bwis—ay kabayo!

"Ano ba naman Annie! Nakakagulat ka naman eh!" Napahawak ako sa dibdib 'ko at pumikit ng ilang segundo.

"Eh miss ba't ka kasi nagsasaleta ng mag-esa? At saka ano pu bang gagawen nyo deto?" Tinaasan 'ko ng kilay si Annie.

"Bakit? Bawal ba 'ko dito? Kusina 'to at dito ako nakatira, masama bang pumunta ako dito sa kusina?" Pangbabara 'ko kay Annie. Ang aga aga, dinadagdagan pa pagka-badtrip 'ko eh 'no? Bwisit.

"Ay nakakapanebagu naman pu kasi miss." I just rolled my eyes at kumuha ng pwedeng makain sa ref.

May nakita akong apple pie at kinuha iyon. Mas okay kung sa kwarto 'ko na lang 'to kakainin. Ayokong makasagap ng hangin ng airon dito si baba. Malanghap 'ko pa hininga ni Aileen at June mabwisit lang ako lalo.

Naglakad na ako papunta ng kwarto pero syempre bago ako makatapak sa grand stairs kailangan 'ko pa munang dumaan sa harap mismo nina Aileene at June. Dahan dahan at tahimik akong dumaan sa harapan nila. Successful naman dahil mukhang hindi naman nila ako napansin... dahilan para mainis ako!

Ano ba?! Like hello?! Bahay namin 'to! Ano ba 'tong dalawang 'to na para bang nang-iinsulto?! At itong si Aileene, diba user daw si June? She even said na tini-take for granted lang ako ni June, then why she's still hanging out with June kung alam nyang may panget sa ugali ni June?! Are they playing with my feelings?! Respeto naman!

xxx

Pumasok na ako sa school ewan 'ko ba kung may balak bang pumasok si June at Aileene na 'yan. Bahala sila maglandian magdamag sa bahay. Sana maabutan sila ni mommy mamaya. Sana mabuntis si Aileene punyeta!— uy syempre joke lang. Nadala lang ako okay? No, hindi pwede. Oo syempre hindi talaga pwedeng mabuntis si Aileene 'no! Like hello?! Hindi sila pwede! Hindi! Hindi—

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon