Chapter 14: BFF day!

450 28 2
                                        

{{Chapter 14: BFF day!}}
===========================

"Salamat June! Palagay na rin tong isa pa dyan sa compartment." Sigaw ni Aileene mula sa loob ng kotse ni June. Nakasakay sya sa front seat. Ngumiti si June tapos kinamot yung batok nya. Pabebe ang pucha.

"June, ako din gamit ko palagay sa compartment." Sabi ko sabay abot sa kanya ng bag ko ng mga pinamili ko. Nasa labas sya ng kotse at ako nasa loob na. Nasa likod nga pala ako ng front seat.

Inilabas ko lahat ng paper bag para kunin ni June. Ang dami kaya! At saka masikip, mahihiga ako sa kotse ni June eh.

"Ano ka chix? Laki mo na eh! Ikaw na!" Sabi nya saka pumasok na sa loob ng kotse nya. Gago talaga ang pucha.

Pabalagbag kong binuksan yung pinto dahil sa inis.

"Oy dahan dahan! Pag yang salamin ng kotse ko mabasag ah!" Hindi ko na sya pinansin at nagsarili na lang ako sa paglalagay ng mga paper bag sa compartment. Hindi ko na nilahat dahil puno na ng gamit ni Aileene.

"Why don't we drink coffee muna?" Sabi ni Aileene.

Wala akong pake sa pinag uusapan nila June dahil nagse-cellfone lang ako. Pero di ko maiwasang hindi marinig eh.

"Tayong tatlo talaga?" Rinig ko si June, napatingin ako sa front mirror ni June. Nakita ko syang nakatingin sakin ng pang-asar.

Alam ko na ang gusto nyang iparating, na wag akong sumama at dahil istorbo lang ako. Okay payn!

"Kung isasama nyo man ako, ayoko. Kayo na lang. Pero hatid nyo muna ko sa bahay." Sabi ko habang nakatitig parin kay June mula doon sa front mirror nya.

Oo June alam kong ang saya saya mo na at its finest! Bwisit ka.

Bumaba na ako agad agad pagkahinto na pagkahinto palang ng kotse ni June at kinuha ko yung mga iba ko pang gamit sa compartment.

Pabagsak kong sinarado ang pinto ng kotse ni June. Bestfriends day tapos ganito? Edi wow!

"Tulungan na kita dyan." Nagulat ako sa pagpasok na pagpasok ko pa lang sa gate eh bumungad na sakin si Ellery, beast mode ako tapos biglang galawang breezy ang walangya.

"Sige ikaw na lahat magdala nyan bwisit. Pa-bae masyado." Bulong ko, pero sinigurado kong rinig ni Ellery.

"Si June yun diba? Nag away ba kayo?" Tanong nya habang naglalakad kami papasok sa loob mismo ng bahay.

"What's new?"
"Oo nga naman."

"Ano bang nangyare?" Sinundan nya ako hanggang kwarto ko. Okay lang naman dahil medyo close ko narin naman sya.

Inilagay nya sa kama ko yung mga gamit ko. Lumakad sya papuntang sundeck at sumandal sa pader na pwede nyang masandalan habang nakapamulsa.

Ang bahagi ng kwarto ko kung saan favorite spot ni June kapag nag se-selfie.

"Lumayas ka nga dyan!" Tinulak ko sya at kinaladkad sa upuan malapit sa kama ko.

"Bakit ba? Eh ang presko dun?"
"Kwarto mo?" Ngumiti sya at umiling.

"Alam mo ang cute mo pag nagagalit." Ay bwiset!
"Gago!"

"Uyy, nag gagalit-galitan talaga kasi nasabihang cute." Tinaas ko ang middle finger ko sa ere.

Kumuha ako ng dalawang yakult sa mini fridge. Hinagis ko sa kanya yung isa.

Pagkahagis ko, sumalampak agad ako sa kama ko habang ini-straw pa ang napaka liit kong iniinom.

"Di nga ano ba talagang nangyari? Sabi ni Anna kasama nyo daw pinsan mo? Ganda ng pinsan mo huh. Pero mas maganda ka. Puro make up kasi yun e--" Binato ko sa kanya yung dantayan ko. Leche eh bastos.

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon