Chapter 16: The Monster inside Aileene's

452 33 9
                                        

{{Chapter 16: The Monster inside Aileene's } }

Dedicated sa kanya. Kaya nyo naman pala mag comment kaya please dagdagan nyo pa. Huhu nag a-update ako tas kayo walang comment or votes? Alam 'kong may nagbabasa pa naman nitong kalokohan na to kaya pls pakilala kayo pls. Haha. Nag mamakaawa na ko oh hahaha. *smile emoticon*

====================================================================

Hindi ako pumasok sa school. Nagpanggap akong may sakit. Bwisit kasi si June.

"Cous hindi ka talaga papasok?" Hay, ulit ulit na 'tong babaeng 'to sabing hindi nga eh. Punyeta naman!

"Hindi may sakit nga 'ko, kulit eh." Napansin nya sigurong badtrip ako kaya lumabas na sya ng kwarto 'ko.

Wala akong ginawa buong maghapon kundi tumunganga at magbasa ng Hunger Games tarages ang boring ng life.

Paglingon 'ko sa bintana, madilim na pala. Takte hindi man lang talaga ako tinawagan ni Junhoe huh?! As in wala na ba talaga syanga pake sa bestfriend nya?! I mean sakin?!

"Hoy Krystal! Ba't di ka pumasok?! Alam mo bang binugbog ako ng bestfriend mo?!" Nagulat ako ng biglang may pumasok na halimaw sa kwarto 'ko—este si Junhoe pala—teka si Junhoe nga! Speaking of!

At saka... sinong bestfriend pinagsasabi ng baliw na 'to?! Eh sya lang naman bestfriend 'ko?

"Bestfriend?! Ika—"

"Oo si Shannon! Kung hindi lang babae 'yun, tinadyakan 'ko na 'yung anak araw na 'yun sa mukha eh!" Tinitigan 'kong maigi si June may pasa sya sa bandang labi. Tumalon ako sa kama 'ko pababa at nilapitan sya.

Teka lang haler di 'ko bestfriend si Shannon!

"Tarages seryoso binugbog ka ni Shannon?" Inirapan ako ng walang hiya. "Oo nga eh! Mukha bang magkakapasa ako ng ganito kung hindi?!" Sigaw nya.

Nakakatawa 'yung mukha nya alam 'kong naiiyak na 'yan sa inis. Si June pa ba? Mahal na mahal nyan sarili nya eh. Syempre lalo na 'yang mukha nyang mukhang tae. Pfft.

"Pucha Krystal wala ka bang gamot o ano man dyan?! Baka gusto mong gamutin 'to diba? Ano titigan lang kayo ng pasa 'ko?!" Utos sakin ng mahal na hari. "Gagamutin 'ko na sana kaso bigla mo 'kong inutusan punyeta—"

Hinigit nya 'ko at ang lapit na talaga ng mukha namin. "Hindi ka ba naaawa sa bestfriend mo?" Naamoy 'ko 'yung hininga nya ew. Amoy siomai.

"Teka ano ba! Oo gagamutin 'ko wag kang ano!" Tinulak 'ko si June sa maliit na couch sa gilid ng kama 'ko. Hindi naman ata sya nagreklamo kasi hindi man lang sya sumigaw.

Kumuha ako ng alcohol sa first aid kit 'ko saka bulak. Meron din akong kinuhang betadine saka agua.

"Bakit naman alcohol—?" Natigil sya sa pagsasalita ng ipakita 'ko sa pagmumukha nya ang iba 'ko pang hawak.

"Oh bakit kasi ako pa maglalagay nito?! Nasaan na ba 'yung Aileene mo?!" Pagtataray 'ko habang binubudbod 'yung alcohol sa bulak.

"Alam mo namang may pasok pa 'yun!" Agad 'kong pinisil sa labi nya 'yung bulak na may alcohol. "Pucha naman ang hapdi! Ang sakit!" Lalo 'ko pang diniin kasi napipikon ako sa sigaw nya. Magdusa sya!

"Takte naman Krystal! Bestfriend mo ba talaga 'ko?! Nasasaktan ako hoy!" Huminto ako saglit, "Bakit? Alam mo bang nasasaktan mo din ako?" Natikom ang bibig ni June at bigla syang sumeryoso—ay pucha pinagsasabi 'ko?! What dafaq.

"Huh?"

"I mean 'yung kapag pinipisikal mo 'ko!" Sabi 'ko tapos tumayo na saka binato sa mukha nya 'yung bulak.

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon