Chapter 21: Hopia.

477 26 12
                                    

{{Chapter 21: Hopia.}}

-dedicated sa kanya. omg thank you sa power vote! <3

=======================================

"Alam nyo ba, I'm so so worried talaga! Akala ko talaga magbebreak na kayo! Akala ko wala na talagang forever!" -Mamita.

Nagfacepalm si June samantalang ako palihim na nagpipigil ng tawa. Si Shannon na nasa kanan ko sya naman 'tong konsintidor at ang nakikipag kwentuhan kay Mamita.

Medyo OP na kami sa kanilang dalawa, to be honest.

"Nakakatuwang malaman na nagkaayos na pala kayo! Ayie! Kiss nemen dyan oh!" Panunukso samin ni Mamita.

"Ayst. Mamita naman po? Kumakain tayo eh." -June.
"Edi pagtapos kumain! Kelan ba kayo magpapakasal?! Excited na ko! Nako dapat mga isang team ang magiging--" -Mamitaz
"Mamita naman po?!" -June.
"Ayieee, Junhoe oppa is blushing!" Natawa ako sa panunukso ni Shannon.

Tumingin ako sa bandang kaliwa ko kung saan nakaupo si June katabi ko. Totoo ngang namumula ang walang hiya. Pfft.

"Malamang! Puro naman kahalayan pinagsasabi ni Mamita nakakailang!" Umirap si June pataas.
"Ay grabe sya oh. Wala naman akong sinabing kahalayhalay ah!" Umirap din pataas si mamita. Nailang ako tas medyo natatawa narin. Kasi naman to si Mamita! Pfft.

"Ay uyyy. Oppa, iba ang naiisip." -Shannon.
"Ewan ko nga sa inyo. Busog na ko. Ayoko na. Akyat na ko." Tatayo na sana si June kaso hinila ni Shannon ang laylayan ng polo nya.

"Teka oppa..." -Shannon.
"Ahem, yung kiss nyo ni Krystal, apo baka nakakalimutan nyo?" Nagulat ako sa sinabi ni Mamita, joke lang naman yun eh pero bakit parang mukhang seryoso sya? Luh?

Sige please utang na loob gusto ko yan. Dejk. Oo joke lang talaga put--

"Oh ayan kiss!"
"Omg! Did-did... Did he kissed Krystal unni?!"
-Shannon.
"Hala! Grabe sya!" -Mamita.

My hands is shaking, I can feel my... my heart beat through my veins. Holy sh--

"Omg! Krystal unni you're blushing! Is that your first kiss?!" I'm fvcking speechless.

Tangna first kiss ko yun sa noo!

"Hayup na yan. Sa noo lang kita hinalikan nagkaganyan ka na? Paano pa kaya kung..." Ngumisi si June sabay alis.

"Omg unni! Hala ka! Acting lang to uy!" Shannon teased me silently. Siniko ko ng mahina si Shannon at nag excuse sa kanilang dalawa ni Mamita.

Hahabulin ko ang impaktong si June dahil ninakaw nya ang first kiss ko. Tangnang yun kahit crush ko sya di pwede yung ginawa nya no.

Ni-hindi ko man lang na-enjoy yung moment na yun leche. Dejk. Pero seryoso syempre kinilig ako leche. Like duh?! Sino bang hindi?!

"Hoy June!" Binuksan ko kagad yung kwarto nya. Naiinis ako na kinikilig eh. Dejk.

Dirediretso lang ako sa kwarto nya. Nakadapa sya sa kama nya. Inulit ko ulit yung pagtawag ko sa kanya.

Habang papalapit ako, nakita kong naka-earphone pala sya.

Nagla-laptop sya at tumatawa tawa. Nung lumapit ako, nakita ko si Aileene sa screen. Magka-skype silang dalawa.

Mukhang nakita ata ako ni Aileene dahil nagturo si Aileene mula sa screen kasabay ng paglingon din ni June saakin.

"Oh baket?" Mukhang hindi pa ata nakaka-get over si June sa tawa nya mula sa pakikipag usap nya kay Aileene.

"Ah... Ano... W-wala." Ah sht Krystal. Pumunta ka dito sa wala? Ugh. Can I kill myself right now?
"Okay, paglabas mo lock mo na lang pinto ge bye!" Sabi lang ni June sabay balik tingin sa laptop nya.

Okay.

Parang wala lang talaga ako eh no.

Sakit June. Ang sakit.

xxx

Naglalakad ako papuntang campus field. Foundation day, pero di ko feel.

"Hi ate! Kayo po ba yung girlfriend ni Junhoe?" May tatlong babaeng lumapit sakin. Base sa ID Lace nila, mukhang nasa junior high palang sila.
"Uhm--" Di ko alam ang isasagot ko.

"Omg! Sya yun!" Sabi nung naka pink na clip sa kanila.
"Di nga?! Ate ikaw ba?" Tanong naman sakin ng nakaponytail na mala Ariana Grande.

Ngumiti ako tas tumango. Alangan naman itanggi ko diba? Baka patayin ako ni June. Next week pa matatapos kontrata namin eh.

Speaking of next week, next week na nga pala talaga. Sht.

"Omg papicture po! Sige na po ate! Ang ganda nyo po! Papicture po. May kamukha po kayong korean idol! Yung sa Four-X po. Hihi." Luh? Ganda ba ko? At saka... Ganda ko naman masyado para makitang may kamukha akong korean. Pfft.
"Ah okay." Sabi ko lang. Tatanggi pa ba ko? Eh naka ready na yung mga cellfone nila? Tss.

"Ahhhh! Ang ganda nyo po talaga! Thank you po! We will support Junhoe po mamaya! Shipper nyo rin po kami. Salamat po ate Krystal!" Sabi nung babaeng naka bun.

Shuta alam nila yung nickname ko!?

Pero in all fairness huh. First time kong makarinig na ipapamukha talaga sakin na maganda ako.

"Krystal!" Agad akong napalingon sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni June.
"Huy Krystal saglit." Nakangiti at hingal na hingal syang lumapit sakin.

"Oh bakit?"
"Nakita mo ba?"
Tanong nya habang ngiting ngiti parin.

"Huh?" Taena hindi kaya... Teka, baka mag confess sakin si June? Hala sht.

Dejk.

Asa ka pa Krystal.


"Di nga!? Di mo pa nakikita?"
Omg? Sht. Ayoko ng false hopes utang na loo--
"Yung mga banners ko! Di mo pa nakikita? Ang dami kong fangirls! Hahahaha! Sabi sayo eh, marami lalong magkakandarapa sakin eh. Woo! Ang pogi ko talaga." Sht.

"Seriously June?"
"Pffft. Iyak si Yoyo eh, ako kasi may pinaka maraming banners. Siguro mahigit bente yun. Ang laki pa naman."
Umirap ako pataas.

Akala ko naman kasi kung ano. Nagbibilang lang pala ng banners ang gago. Famewhore ang puta.

"June, wag kang masyadong papeymus."
"Mapipigilan ko ba kung famous talaga tong gwapo mong bestfriend?" Ngumisi sya tas maya maya ngumiti na para bang mawawalan ng mata.
"Tss." Umirap ako.

Nagulat na lang ako ng bigla nya kong akbayan. Napatingin tuloy ako sa kamay nyang nakapatong na sa kanang balikat ko. Pero syempre pasimple lang yung tingin ko. Mamaya sabihin...

"Be proud. Be proud kasi bestfriend mo ang talented at gwapong Junhoe Goo!" Sabi pa at parang tangang kumakaway kaway at kumikindat kindat sa mga babaeng dumadaan.

Ugh. Kilig na kilig naman ang mga depunggal. Psh.

"Isa pa, sa pagkakaalam ng iba mag syota tayo." Sabi pa nya. Humarap sya sakin at kinagat ang labi nya sabay bulong ng... "Lugi talaga ako sayo no?" Tas agad syang tumakbo palayo sakin sabay tawa ng pagkalakas lakas.

Tinaas ko yung middle finger ko sa ere at akmang ibabaril sa kanya yung pamamakyu ko. Hayuf sya.

Ugh! Leche!

xxx

Nasa canteen ako. Dito kami magkikita nila Shannon at Ellery eh. Sabay sabay na daw kasi kaming pupunta sa field para makasama sa parade.

"Hi Krystal!" Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko.

Familiar sya, pero di ko talaga alam kung saan ko nga ba to nakita or maybe nakilala?

"Uhm, di mo ko matandaan no? I'm Yoyo hehe." Ah! Ayun! Yung Yoyo nga pala to.
"Uh, hi?" Nag aalangan pa ko kasi naiilang ako sa kanya. Ang daming nakatingin samin lalo na yung mga babae.

Tho nararanasan ko din naman to kapag kasama ko si June pero iba pag kay Yoyo. Hindi ko pa kasi sya ganun kakilala at ka-close.

"Manonood ka mamaya?" Tanong nya sakin.
"Ah oo naman. Susuportahan ko kayo." Oh tangna nag feeling extrovert ang walang hiya. Edi ako na!

"Great! Diba kasali ka sa Ms. WEU?" Sabi nya bigla tas biglang lumiit ang mata tas parang may iniisip.
"Huh? Hindi ah!" Sabi ko. Asa naman ako dun diba? Pfft.

"Hindi nga? Nakita ko pangalan mo dun sa entry. Si June nga yung escort mo sa parade eh." Tangina seryoso?!
"Weh?"

"Oo nga. Nagulat nga kami eh, wala namang sinasabi si June."
Hayuf ang alam 'ko, si June ang escort ni Aileene. "Ba't di ka pa nag aayos? 2 hours na lang parade na ng bawat major." Dagdag pa nya.

"Unni!!!" Agad akong napatingin sa likuran ko. Patakbong lumapit sakin si Shannon hila hila nya si Ellery. Luh? Ngayon ko pa lang sila ipapakilala sa isa't isa ah!?

"Bakit?" Tanong ko sa kanya habang sinusundan yung paghinga nya.
"Teka... Woo! Grabe kakapagod! I'm... So... Hoo! Tired!" Sabi nyang hingal na hingal habang nakakapit sa braso ni Ellery.

Napatingin ako kay Ellery. Aba puchangna nangingiti ang gago. May sparks!

"Oops I'm sorry." Sabi ni Shannon na parang wala lang sabay kumalas sa pagkakakapit sa braso ni Ellery. Mukhang kay Shannon walang malisya yung pagkakakapit nya sa braso ni Ellery pero kay Ellery mukhang meron. Hayup to breezy. Pedophile ang puta. Ang bata pa ni Shannon eh.

"Alam ko yang mga ngitian mo Ellery huh." Pinandilatan ako ni Ellery. "Uhm, ano yun?" Tanong naman ni Shannon saming dalawa ni Ellery matapos syang bigyan ng tubig ni Yoyo.

Ay pucha andyan pa pala si Yoyo nakng pucha.

"Uy thanks." Sabi ni Shannon kay Yoyo. Tumingin ako ulit kay Ellery. Mukhang nawala sa mood ang walang hiya.

"Ah sige Krystal... Shannon, una na ko. Call time na eh hehe." Sabi ni Yoyo.
"Ah sige." Sabi ko.

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon