Chapter 8: About June

503 32 0
                                    

{{Chapter 8: About June}}

==================================

"Hoy June! Ano sasabihin 'ko pag nag tanong tanong si Mamita?! Sama na lang kasi ako!" Sigaw 'ko. Bwisit kasi 'tong si June. Hindi na 'ko sinama. Dineretso hatid ba naman ako sa mansyon nila?! Jeskelerd machi-chika pa 'ko ni mamita eh!

"Wag na! Nag bago na isip 'ko. Nandyan naman si Marisa, kapag may problema ka. Tawagin mo sya. Kasabwat natin 'yun... remember? Sige na! Babye! Babalik din ako agad!" Agad na pinaharurot ni June 'yung kotse nya. Kakainis!

Mahigit ilang oras din kaming nag usap ni Mamita, medyo mag gagabi na. Ni-hindi 'ko man lang napansin 'yung oras. Ni-hindi 'ko rin napansin na wala pa si June. Pero okay lang, hindi 'ko sya kailangan at this moment. Close 'ko na si mamita. No worries. Kahit wag na sya umuwi. Dejk.

Nakilala 'ko na rin si Mamita ng maigi. Hindi na rin awkward kasi ang gaan gaan sa pakiramdam kausap si Mamita. Marami pala syang kilalang professors sa WEU at mga magulang ng mga nag-aaral sa WEU kaya pala ang dami nyang kilalang estudyante.

"Krishanne..." Napatingin ako kay Mamita ng tawagin nya 'ko, seryoso syang nakatingin sa reflect ng moon sa pool. "Bakit po mamita?" Naka ngiti ako, bumagal din 'yung lakad namin sa gilid ng pool.

"Nag iisang anak lang si Junhoe, wala na syang mga magulang. Ulilang lubos na lang si Junhoe, ang apo 'ko. He was only ten years old when his parents died in a car accident. Sabay nawala ang dalawang taong pinaka mahalaga sa buhay ni Junhoe at alam 'kong mahirap at di ganun kadaling makalimutan iyon. Ako at ang Lolo nya na lang ang meron sya..." Hinawakan ako ni Mamita sa kamay. Kinakabahan ako, parang iiyak kasi ata si Mamita jusque.

"At... ikaw." Pagkasabi nya nun ay tumulo agad ang luha nya. "M-mamita..." Hindi 'ko alam ang sasabihin 'ko. Nakonsensya tuloy ako bigla, hindi 'ko naman kasi totoong boyfriend si June. Ano ba naman 'yan! Nagi-guilty tuloy ako.

"Junhoe is not a typical guy, Krishanne. His personality is way different than others. So please intindihin mo na lang minsan." Hawak parin ni Mamita 'yung kamay 'ko. Aware akong ibang iba si June sa karamihan. Aware akong may pagka monggoloyd 'yung taong 'yun. Dejk.

"Alam mo, ang laki ng pinagbago ni June ngayon. Parang noong iniwan 'ko sya dito sa Pilipinas noong elementary, galit na galit sa mundo 'yun. Hindi sya 'yung tipong makakausap mo ng matino, lagi syang may topak. He's a mixture of emotions... sadness, happiness and you won't really understand what's going on inside his head. But there he goes, he changed a lot. And I'm sure you're the reason why. And I'm so thankful for that. I'm glad you came in our life." Binitawan ni Mamita ang kamay 'ko at nagpunas ng luha.

"You have to appreciate him, please love him so much and don't you ever leave my apo. Show him how much you love him. So he can feel he's not alone and he was loved. It's what he may as well have wanted for so long, I know. He's not showy or cheesy like any other guy but trust me... he's a demon by his looks but he's an angel behind his mask, and I'm assure you for that." Napapikit ako sa sinabi ni Mamita, hindi 'ko deserve na saakin sabihin ito ni Mamita. Gustong gusto 'ko ng sabihin sa kanya ang lahat. Gusto 'ko ng sabihin na hindi 'totoo 'tong relasyon namin ni June pero natatakot ako, at the same time naawa kay Mamita.

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon