Chapter 1: Mamita hashtag JunStal ♥

1K 37 7
                                    

{{Chapter 1: Mamita hashtag JunStal}}

===========================================

 

“Hoy kapag inakbayan kita wag kang mag inarte ah! Baka magduda si Mamita sasapakin talaga kita!” Hinila ako ni June patungo sa kanyang kwarto pagdating na pagdating ‘ko pa lang sa gate ng mansyon nila.

Paano ba naman kasi, “Ano ba ‘yan! Wala ka bang matinong damit?! Parang hindi makatao ‘yang suot mo! Babae ka ba talaga?! Baka naman isipin ni Mamita na tomboy ka?!” Sigaw sakin ni June habang hawak ako sa braso, nag ma-make face lang ako habang hinihila ako papunta sa kwarto nya at habang dakdak sya ng dakdak dyan. Who cares June? Who cares?

“ Sinasabi na nga ba eh, wala kang matinong masusuot bukod dyan sa long plaid flannel mo na lagi mong suot.” Eh sa komportable ako sa mga mga flannel paki nya? Hindi parin ako kumikibo hinahayaan ‘ko lang syang dumakdak ng dumakdak dyan forever.

“Buti na lang pala bumili ako ng dress kanina! Nahirapan pa ‘kong maghanap ng dress mo! Wala ka kasing dibdib!” Aba tangnu—

;Flashback

 

June:  Miss may dress ba kayong ano… ugh, yung babagay sa babaeng walang dibdib?

Sales Lady: S-sir?

June: Ang sabi ‘ko kung may dress ba kayong babagay sa babaeng walang dibdib. ‘Yung may maliit na dibdib? Ugh, ang awkward naman nito, sa babae pa ‘ko nagtanong. Okay lang, gwapo naman ako.

Sales Lady: H-huh? Babaeng walang dibdib? Sir?

June: Paulit ulit ka naman miss eh. Oo ‘yung walang dibdib. Flat. Flat chested! Flat chested kasi ‘yung magsusuot.

Sales Lady: Ah! Meron sir! ‘Yung may strap?! O yung parang pa-three-fourths? This way po.

June: Siguraduhin mo lang na hindi malalaglag ‘yun ah. Baka masuka ako kapag nangyari ‘yun. Please lang utang na loob siguraduhin mo lang.

Sales Lady: Oo naman po Sir.

June: Good. At dahil dyan sige payag na ‘ko, may libre kang pagpa-papicture sakin mamaya. Wag ka ng mahiya once in a lifetime lang ‘to.

Sales Lady: H-huh? Eh? Wala naman po akong sinabing magpapapicture po ako—

June: Sus sige na, don’t be shy. Sanay na ‘ko.

Sale Lady: Eh sir… *kamot ulo*

 

;End of Flashback

 

Hindi nya na lang sana naikwento sakin kung paano nya nabili ‘yung dress. Lecheng lalaki ‘to, parang hindi ako babae eh. Hindi na rin dun nahiya sa sales lady. Leche.

“Oh ito ‘yung dress. Bilisan mo magbihis ka na! Baka umakyat dito si Mamita makita ka pa. Ang kupad naman kasi kumilos!” Hinagis sakin ni June ‘yung dress na sinasabi nya. Kulay black, okay lang naman ‘yung black. “Pa’no ‘ko magbibihis andyan ka?” Reklamo ‘ko. Ano magbibihis ako sa harapan nya? =_=

My Bestfriend Is My Contract Boyfriend (JunhoexKrystalFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon